4

33 19 11
                                    

Clarisse Fernandez: Hey good morning parekoy



Saktong pagkagising ko, bungad agad sakin yung notif nya. It's been 1 week since the last time I saw her personally. Mabait syang tao at masayahin nung nakausap ko sya sa McDo. Nalaman ko din na galing sya sa broken family at scholar lang din na estudyante. Humanga ako sa kanya kasi sa murang edad, ginawa nya ang lahat para lang makapasok sa eskwelahan lalo na sa Haxistone dahil ang mahal ng tuition fee nya lalo na isa tong sikat na University sa Pilipinas. Bago ko sya replyan, tinignan ko muna ang ibang messages sa messenger na puro galing kay Frederick, mukhang nakainom na naman ang isang to kung ano ano na lang kasi pinagsasabi kesyo miss nya daw ako, bumalik na ganun tangina sweet naman ng bebe Frederick ko. Si Aaron naman, mukhang nananahimik, problemado na naman siguro to lalo na dahil sa pamilya nya. Tinignan ko ulit ang facebook account ni Clarisse, puro inspirational quotes shineshare nya kaya naman walang araw na hindi to good mood.



Andreius Merjel: good morning kagigising ko lang, ikaw ba?



Iidlip pa sana ako tutal Sabado kaso bigla syang nagreply kaya imbis na matulog, kinausap ko na lang sya. Sarap ng umaga pag taong gusto mo kausap mo kaagad eh.



Clarisse Fernandez: Kanina pa ako no tagal mo kayang nagising, tignan mo 9:30am na, bro



Clarisse Fernandez change your nickname to BroMerjel.



Clarisse Fernandez change her nickname to SisGanda.



Clarisse Fernandez: ayan maayos na nickname mo at nung akin para naman cute diba? Hahahahaha



Napangiti na lang ako sa sinabi nya, BroMerjel, parang pari lang eh pero yaan na atleast may nickname kay crush.



BroMerjel: Kumain kana ba?



SisGanda: Yap kanina pa, ikaw ba? Ay for sure hindi pa kasi kagigising mo lang kaya bangon na Bro tanghali na



Gaya ng sabi nya, bumangon na ako para makakain sa baba kaso habang nasa hagdan pa lang ako, rinig ko na yung pag-aaway ng mga kapatid ko. Bwisit, aga aga pa lang ganto na maririnig ko.



"Bakit mo kasi tinapon kuya?! Importante nga sakin yung mga papel na yun kasi inaaral ko yun! Binigay nga lang sakin yon para mareview ko pagdating ng next school year!" rinig kong pasigaw na sabi ni James.



"Oh tapos? Pake ko? Bakit lalaban ka sakin ha? Nagmamatapang kana ngayon?" sagot naman ni Josh, mas matanda kay James.



Walang araw na hindi nag aaway yang dalawa o minsan naman kasama yung bunso na si Krisha. Nakakapagod pakisamahan lalo na mahal na mahal ni mama ang papa nila kaya wala akong ibang choice kundi tanggapin sila pero tangina naman kasi minsan lalo na yung pinakamatanda sa kanila, masyadong ahas lagi na lang gusto sya ang hari sa bahay na to at sya ang magbida bida. Lahat gagawin para mapansin kahit mali pa ang ginagawa nya.



"Kuya naman kasi nirerespeto kita sana tinanong mo na lang ako bago mo tin-" hindi na nya pinagpatuloy pa nang biglang sinuntok sya ni Josh kaya agad agad na akong pumunta sa kanila at kinuwelyuhan sya.



"TANGINA MO HA? NAGMAMARUNONG KA DITO SA BAHAY NA TO?! GAGO KA HA AKALA MO ANG ANGAS MO PUTANGINA MO!" akmang susuntukin ko na sana sya kaso biglang dumating si mama at gumitna samin.



"ANO BA YAN HA?! NAG AAWAY NA NAMAN KAYO PWEDE BA MANAHIMIK KAYO SA BAHAY NA TO? PAGOD NA PAGOD NA AKONG SAWAYIN KAYO BAKA GUSTO NYO LUMAYAS NA LANG KAYO?! UMAYOS KAYO DITO KUNG AYAW NYO ATAKIHIN AKO SA HIGHBLOOD!" sigaw ni mama sa amin.



Midst of the Sea (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon