Prologue

117 32 2
                                    

As my friends starts to call the waiter here in Le Calandre to order something, a famous restaurant in Italy, someone caught my attention. A woman who's hair looks like a wave from the ocean. Eyes that sparks even in the middle of this place. Lips that I can feel and taste without touching it. A simple woman but has a strong personality if you will look at her deeply.

"Oy Kapitan! Ano natulala kana dyan? Ayaw mo umorder ah? Sige tutal ikaw naman magbabayad, labyu Captain!" Aaron approached me kaya naman bumalik na ako sa sarili at inalis ang tingin sa babaeng masayang tumitingin sa menu book.

"Qual è il suo ordine, signore? ( What is your order, sir?)" tanong ng waiter na mukhang kanina pa naghihintay dahil halata naman sa mukha nyang naiirita, baka nagwapuhan sakin ayaw lang tanggapin ang katotohanan.

"Smoked Tagliolini with Egg Yolk Shavings, T-Bone Steak, and a wine please" sagot ko at nilista nya naman at umalis. At itong mga kaibigan ko parang di mapinta ang mukha.

"Wow naman babe kailan ka pa nakaintindi ng italyano?" tanong ni Frederick.

"Yes naman pakiss nga bebe Drei talino naman pala" asar naman ni Jericho, isa sa mga siraulo sa barko.

"Mga gunggong akin lang si Kapitan kala niyo ah walang agawan pakers" pag-aangkin naman ng isa pang baliw, si Aaron.

"Mga gago" sagot ko sabay taas ng gitnang daliri.

Napatingin ulit ako sa gawi ng babaeng pinagmamasdan ko kanina, hindi ko alam pero nahuhumaling ako sa kanya. Pero, ayoko. Takot na ako masaktan na naman. Takot ako na muling lolokohin at ipagpapalit sa iba. Sirang sira na ang puso ko, ayoko na magkagusto pa tutal dyan naman sila magaling, palibhasa nakalayo tapos irarason walang time. Saan ka nakakita ng seaman na nagbabarko sa lupa? Napangisi na lang ako sa iniisip ko hanggang sa dumating ang mga pagkain na hindi ko naman alam bakit ito pa ang inorder ko. Muli akong sumulyap sa kanya nang biglang magtama ang aming mga mata...

--------------------------------------------------------

Share your thoughts! :)

Midst of the Sea (ON-HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon