Chapter 3

1 0 0
                                    


Ember's PoV

Nakarating kami ng cebu ng wala akong imik. Tahimik lang ako pero pagtinatanong naman nila ako ay sinasagot ko naman. Nakatingin lang ako sa bintana ng van at ineenjoy ang mga lugar na dinadaanan namin.

Hapon na kami naka hanap ng hotel sa Moalboal. Maganda ang tanawin sa Moalboal kaya siguro ito ang pinili nilang puntahan naming lugar dito sa Cebu.

Pumasok na kami sa hotel at kumuha ng executive suits. Iba ang kwarto ng lalaki sa babae kaya nauna na kaming mga babae papunta sa suit namin.

"Excited na ko! Volleyball tayo mamaya! May nakita akong net dun!" extided na sabi ni Zen habang nasa elevator kami paakyat sa 3rd floor kung nasaan ang room namin.

"Okay!" sagot nilang lahat maliban saakin na ngumiti lang sa kanila.

Bumukas ang elevator kaya nauna na akong lumabas at pumunta sa pinto ng room namin. Hawak ni Zen ang card kaya hinintay namin sya para buksan ang pinto.

"Hoy! Bilisan mo nga! Ang bigat na ng dala namin!" sigaw ni Joana kay Zen na nagmamadali ng lumapit saamin, halatang nahihirapan din sa dalang bag.

"Oo na! Hindi ka makahintay e no?" sarkastikong sabi ni Zen bago buksan ang pinto. Pumasok na kami. Nilibot ko ang paningin ko sa suit namin. Limang king sized na kama ang bumungad saamin. Kasya na ang isang tao sa isang kama at lima naman kami kaya kasya kaming lahat.

May banyo at dining area din. May closet kung saan nilagay agad nila Joana ang gamit nila. Ako naman ay umupo sa huling kama at nagpahinga muna.

"Ikaw Ember? Sama ka samin mamaya ah? Volleyball tayo!" excited na sabi ni Zen kaya napangiti nalang ako at tumango.

"Of course, Just give me 5 minutes and we'll change.." nakangiting sagot ko na ikinaliwanag naman ng mukha nya.

"Sure sure! Mag aayos lang kami!" nakangiting sabi nya at bumaling sa mga gamit nya na nakakalat.

Ilang minuto pa akong nakahiga ng mapagpasyahan ko ng magpalit ng swimsuit. Nagpapalit narin sila Zen kaya tumayo na ako at pumunta sa bag ko para kunin ang swimsuit ko.

Pumasok ako sa banyo at hinubad ang suot kong damit kanina. Sinuot ko ang pitch-black swimsuit ko, tinali ko ng paikot ang buhok ko at nag iwan ng ilang piraso. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, kapansin pansin ang maliit na kwintas ko na may pendant na maliit na horn. Silver lang sya pero pag tinapat mo sa liwanag ay kumikislap sya kaya favorite ko ito sa lahat ng kwintas ko at si daddy ang nag bigay nito bago sya nawala.

I let a loud sigh before i leave the bathroom.

Naabutan ko silang nag aayos ng mga sarili nila at mga naka swimsuit din. Zen is wearing her shiny dark yellow swimsuit. Joana is wearing her seducing red florid swimsuit. Jia is wearing her simple but elegant white swimsuit. While Ysa is wearing her fancy navy blue swimsuit. They all look hot.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Empty WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon