Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Prologue

174K 3.7K 634
                                    

LILAC woke up to the strong smell of disinfectant invading her nostrils. When she opened her eyes, she saw a female nurse adjusting the roller clamp of dextrose that hung on a stainless steel IV pole.

"Nurse..." Her voice was weak. Her body was frail; she was feeling tired and achy. Every part of her body throbbed, and it seemed to be getting worse whenever she tries to move. Her private part was ridiculously sore after closing the perineal tear with stitches.

"Where are my babies?"

A nurse sent her a warm smile. "Sandali lang."

She walked up to a baby cot, and carefully scooped the baby in her arms. Lilac immediately extended her arms as the nurse walked up to her.

"You have a beautiful baby girl." The nurse carefully placed the baby in her arms.

"Oh, my god!" Lilac gushed. Her heart burst with mixed emotions as she glanced at her baby's angelic face with pure love.

"She's so beautiful!"

"Sobra," the nurse agreed.

Lilac has shed tears with all of these loving feelings right now. Lahat ng takot na nararamdaman niya simula nang malaman niyang buntis siya hanggang sa araw na manganak siya ay nawalang lahat sa mga oras na ito.

"Hello, my princess. This is mommy." She lovingly caressed her baby's delicate cheek with her knuckles. Tiningala niya ang nurse na tahimik na nakamasid sa kanilang mag-ina.

"I want to see her twin. Is she a girl also or a boy?" Isang beses lang siyang nagpa-ultrasound during her pregnancy. Nang malaman naman niyang healthy naman ang pagbubuntis niya ay hindi na siya nagpa-ultrasound pa to check the gender but she's expecting twins. Isa iyon sa dahilan kung bakit mas lalo siyang nangamba. Hindi niya alam kung paano niyang aalagaan ang dalawa niyang anak. Hindi pa kasi niya alam kung paano sasabihin sa parents niya ang tungkol dito. Kailangan pa niya ng lakas ng loob.

Ang pagkakangiti ng nurse ay unti-unting nawala sa tanong ni Lilac. Sumeryoso ang ekspresyon nito at kinabahan si Lilac sa nakikitang anyo ng babae. May nangyari ba sa baby niya?

"Is there any problem?"

"Dinala siya ni Ms. Eva sa ospital."

"What? Why? What happened?!" She bombarded the nurse with questions. Her body filled with goosebumps and her heart started beating erratically as fear crept up on her.

"Huwag kang mag-alala. Maayos naman ang baby girl mo. Nagkaroon lang siya ng impeksiyon kaya kailangan niyang ma-check ng pediatrician. Pero kanina pa siya umalis; siguradong pabalik na 'yon."

"Are you sure my baby's okay?"

The nurse just nodded. She should've insisted the hospital birth to monitor her children. Sa bahay lang kasi siya nanganak. Iyon ang suhestiyon ni Ms. Eva, ang kanyang manager para maiwasan ang tsismis. Kahit ano pa raw kasing ingat ang gawin nila, siguradong lalabas daw ang totoo kung sa ospital siya manganganak lalo't nagsisimula nang umingay ang kanyang pangalan. Ang dalawang nurse at doktor na nagpaanak sa kanya ay kilala ni Ms. Eva.

Halos dalawang oras ang nagdaan bago bumalik sina Ms. Eva at Phenelope. Pero nabahala si Lilac nang hindi nito kasama ang anak niya at mas lalo pa siyang nag-alala dahil sa itsura ng mga ito. Their expression told her that something bad happened.

"Tita Eva, Phenny, where's my baby?" Tinitigan ni Eva ang batang nasa bisig ni Lilac bago ibinalik ang tingin sa kanyang mukha.

"Lilac, hindi mo kakayanin ang mag-alaga ng dalawang bata."

"Where's my baby?" she asked again, persistent to get an answer, ignoring Eva's opinion. She doesn't need that.

"Ibinigay ko siya sa papa mo."

Colors of Passion 2: Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon