Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 6

65.7K 2.6K 277
                                    

TINAWAGAN ni Lilac ang Ninang Sasahh niya para sana sabihin ang lagay niya pero nasa La Carlota ito. Nagbakasyon para makaiwas sa stress. Nag-spotting na naman daw ito kaya hindi na lang niya inabala. Makadaragdag pa siya sa alalahanin nito. Nagpunta siya sa bahay ng kanyang Lolo Alfred nang malaman niyang umuwi ang kanyang Kuya Fenix. Gusto niya sanang sabihin ang lagay sa kapatid niya pero hindi na niya nagawa nang maabutan niyang nag-aaway ang kuya at lolo niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kapatid niya. Kilala niya ang kanyang Kuya Fenix bilang mabait at may respeto sa kahit na sino, lalong-lalo na sa mga elders. Pero ibang-iba ang nakita niya habang dini-disrespect nito ang kanilang lolo. Base sa galit na nakikita niya sa kapatid, mukhang hindi lang simpleng bagay ang pinag-aawayan ng dalawa.

Kay Nanay Camia ay hindi niya kayang sabihin. Masasaktan niya ang matanda lalo't halos araw-araw siyang pinaaalalahanan nito. Kay Nanay Camia siya iniwan ng magulang niya at siguradong daramdamin nito kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya. Lagi pa nitong sinasabi na kapag gumawa siya ng kalokohan at nabigo ito sa pag-aalaga sa kanya, aalis na ito. Hindi niya kaya iyon. Buong buhay nito ay ibinigay na sa pamilya nila. Hindi niya rin masabi sa mga magulang niya. Natatakot siya lalo't may problemang kinakaharap ngayon dahil sa kanyang Lola Sara.

Napilitan siyang sabihin sa kanyang manager ang lagay niya. Baka makatulong ito sa kung ano ang dapat niyang gawin. Inaasahan na niya ang galit nito—na pagsasabihan siya, pagagalitan siya at ito na nga ang nangyayari ngayon. Lalo lang nitong nadagdagan ang takot na nararamdaman niya. Habang nakaupo siya sa mahabang sofa sa bahay nito, nagpapalakad-lakad naman ang babae sa harapan niya habang nagtatatalak.

"My God, Lilac! Alam mo naman kung ano ang nasa kontrata, 'di ba? Hindi lang ikaw ang mawawalan dito kundi pati ako. Ngayon pa lang ako nakababawi. Lahat ng talent na nahawakan ko puro kapahamakan ang ibinigay sa 'kin tapos ito na naman... Akala ko iba ka, eh!"

"Sorry, Tita Eva!" Napahikbi si Lilac. Kanina pa niya tinatatagan ang loob. Kanina pa niya pinipigil na maiyak.

"Sorry. Sorry. Sorry. Iyan na lang ang naririnig ko sa inyong lahat!" Iwinasiwas nito ang dalawang kamay sa ere. Sobra itong frustrated. Kitang-kita iyon sa mukha nito at naaawa siya.

"Hindi pwede 'to, Lilac! Paano naman ako? Medyo nabuhayan ako dahil sa mainit na pagtanggap sa 'yo ng mga tao. Sunod-sunod ang mga kompanyang kumukuha sa 'yo para sa endorsements. Ang unang endorsement mo ay successful kaya ito, sunod-sunod ang nagkaka-interes sa 'yo. Ikaw lang ang hinawakan kong nakapag-increase agad ng talent fee. May tatlo, Lilac! Tatlong kompanya ang gustong kumuha sa 'yo pero kapag nalaman nila ang lagay mo, wala na! Pati ako, malulugmok. Ang laki ng expectation ko sa 'yo at ng lahat dahil sa no boyfriend since birth mong image." Eva spreads her arms wide.

"Look at this house. Kakukuha ko lang nito dahil alam kong kaya kong mabayaran ito dahil sa 'yo tapos ganito lang ang mangyayari? Ang dami kong utang na kailangang bayaran! At pati ikaw, magbayayad dahil sa pag-breach ng contract."

"Papa can help me."

"He would help you? Sigurado kang tutulungan ka nila? Nagpabuntis ka sa dating manliligaw ng kapatid mo, Lilac. Pinagkatiwalaan ka nila. Ikaw ang inaasahan nila ngayong malaki ang problemang kinakaharap nila sa kapatid mo at lola mo. Maaring tanggapin ka nila pero masisira na ang magandang pagtingin nila sa 'yo."

Doon tuluyang napaiyak si Lilac. Tama ito. Ang laki-laki ng tiwala ng kanyang magulang sa kanya tapos ganito lang ang ginawa niya. Malaking problema ang ibibigay niya. Hindi lang ang pagdadalang tao niya kundi problemang pinansiyal pa.

"I don't know what to do! Tita Eva, please help me! Ano ang gagawin ko?"

Tinitigan ni Eva si Lilac. Ilang sandali bago ito nagbitaw ng mga salitang ikinagulat ni Lilac.

Colors of Passion 2: Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon