Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 2

76.1K 2.5K 408
                                    

NAKAMASID si Lilac sa kawalan habang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng Oak tree. Wala na siyang klase kaya nagpunta siya rito. Hinihintay lang niya si Phenelope. Dati rati, ang mga kapatid niya ang hinihintay niya kapag nauunang matapos ang klase niya.

Hays! Bakit ba lagi na lang niyang iniisip ang dalawang 'yon? E siya nga, hindi man lang naisip ng mga ito nang magpasyang umalis. Iniwan siyang mag-isa kahit ilang beses siyang nagmakaawa sa mga ito na huwag umalis.

"Lalim ng iniisip natin, ah?"

Nakasimangot niyang binalingan si Air. "Ano na naman, Air?!"

"Hey, hey, relax! Nagsusungit ka na naman, eh. Napadaan lang ako tapos nakita kita."

"Then you will ask me again about Violet! Wala kang mapapala! Kasalanan mo kung bakit nakunan si Violet at kung bakit kami nagkahiwalay!" Humalukipkip si Lilac at ibinalik ang tingin sa malayo.

Natahimik si Air. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa bago muling nagsalita si Air.

"I know. It's all my fault." Nanatiling walang imik si Lilac.

"Hindi ko naman ginusto at hinding-hindi ko gugustuhing mangyari 'yon. Pero alam kong kasalanan ko ang lahat. If only I could turn back time. If only I could." His voice was laced with regret and guilt.

Dahan-dahan niyang nilinga si Air. Hindi lang sa boses nito mahihimigan ang pagsisisi at guilt na nararamdaman nito. It was written all over his face. Nasasaktan ito. Nakonsensiya naman bigla si Lilac. Ang sama niya para sisihin ito. Napakabigat na bagay ang nangyari kay Violet na kahit si Violet mismo ay sinisisi ang sarili sa pagkawala ng baby nito. Tapos kokonsensiyahin pa niya si Air. Baka makaapekto pa iyon sa lalaki. Ma-depress at magpakamatay. Konsensiya pa niya.

"I'm so sorry." Air stared at her. His eyes were very sad.

"Huwag kang made-depress dahil sa sinabi ko. Huwag kang magpapakamatay, ah? Ayaw kong ma-guilty." Unti-unting pinunit ng malapad na ngiti ang labi ni Air.

"Hayaan mo na si Violet. Hindi ka naman niya sinisisi. Ako lang 'yong naninisi sa 'yo. And I'm sorry for that. I don't want you to feel bad. Medyo asar lang talaga ako sa kakulitan mo. Saka mas okay kung hindi ka na magpapakita sa kanya. If you really love my sister, let her heal. Saka kung kayo talaga ang destined para sa isa't isa, God will find ways para magkita ulit kayo."

"Can you just tell her that I am very sorry?"

"I will."

"Thank you."

"Hay!" Itinukod ni Airyk ang dalawang kamay sa sementadong bench sa bandang likuran nito at itiningala ang ulo.

"Everything was fucked up!"

"Yeah," she agreed. "They left me alone here."

"Bakit hindi ka na lang sumama?" Muli itong tumingin sa kanya.

"I can't. We have different dreams. They can pursue their dreams there. Ako, nandito ang pangarap ko. I still want to strive to achieve it. I will do that even though I'm alone. Even though no one can support me. I can live my life fearlessly."

"May tampo ka sa mga kapatid mo?" Nag-iwas ng tingin si Lilac. Hindi dapat. Dapat ay naiintindihan niya ang mga kapatid niya. Pero hindi niya maiwasan ang magtampo. Bakit kasi kailangan nilang umalis? Iyon ba talaga ang solusyon? Mas ginusto ng mga kapatid niyang magkawatak-watak sila kaysa sama-samang ayusin ang problema.

"Huwag ka nang magtampo. Violet needs a break." Yeah. Alam niya iyon.

Kinuha ni Lilac ang phone sa bag nang mag-ingay iyon. Ang kanyang Ninang Sasahh.

Colors of Passion 2: Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon