Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 7

63.5K 2.7K 495
                                    

Present...

MULING pinanood ni Air ang CCTV footage na ibinigay sa kanya ng management ng condominium. Napanood na niya ito. He requested it para makita ang dalawang babaeng kasama nina Samuel at Keith sa condo niya no'ng araw na yayain niya ang dalawang college friends sa condo niya para doon uminom dahil nga ayaw niyang lumabas ng gabing iyon. May dalawang babae itong kasama. According to his friends, they just meet them that night at isinama ng mga ito.

Alam niyang hindi lang iyon coincidence. Planado ang lahat para sirain talaga sila ni Violet at sigurado siyang may kinalaman si Lilac kung ibabase sa CCTV footage. Air paused the video and zoomed in. Tinitigan niyang mabuti ang babaeng naka-hoodie na kasamang lumabas ng dalawang babae sa condo unit niya. Nakatago ang mukha nito pero mula sa hoodie ay lumitaw nang bahagya ang blonde na buhok nito.

Sana mali siya. Sana hindi ito si Lilac. Kailangan niyang mahanap ang dalawang babae para malaman ang totoo. Nasira ang relasyon nila ni Violet dahil sa nangyari. The event during that night is still vague but he knew he had sex with one of those women. Mukha ni Violet ang namulatan niya no'ng gabing iyon kaya akala niya ay si Violet ang nakasama niya. He just found out the next morning that Violet is still in Malaga with Ryke kaya imposibleng si Violet ang nakasiping niya no'ng gabing iyon.

Nang magising siya kinabukasan, wala na ang dalawang babae pero naroon pa ang mga kaibigan niya. Nakatulog ang dalawa sa sofa. Ang tanging bakas na iniwan ng babae ay isang purple na lace underwear sa kama niya.

Sising-sisi siya sa nagawa niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Violet. Gusto niyang itago na lang ang nangyari just to save their relationship. Pero nang makita niya si Violet ay hindi niya naitago ang guilt. At ang hindi niya inaasahan ay alam na pala nito ang nagawa niya. Someone sent her a sex tape of him with another woman. Kaya sigurado siyang hindi coincidence ang lahat. Planado ang lahat. Si Ryker ang naisip niyang posibleng gumawa nito para mabawi sa kanya si Violet at posibleng si Lilac ay kakuntsaba.

Napakaingat niya para lang mapangalagaan ang relasyon nila ni Violet pero sa isang iglap ay masisira lang dahil sa taong nasa likod ng mga nangyayaring ito. Sana ay hindi na lang siya pumayag na bumalik sila ng Pilipinas. Masaya na sila ni Violet. Sila at ang mga anak nila. Hindi lang si Violet ang nawala sa kanya kundi pati si Purple.

Inihilamos ni Air ang kamay sa mukha at inilagay sa likod ng ulo nito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Mula nang magkita ulit sila ni Violet sa Boston ay naging masaya siya. Wala siyang matandaang araw na naging malungkot o naging frustrated man lang siya sa loob ng dalawang taong pagsasama nila. Siya ang kinikilalang ama ni Purple at si Violet ang kinikilang ina ni Theus. Mas lalo siyang naging masaya nang maging official sila ni Violet.

Plano nilang magpakasal ni Violet. Kaya pumayag siyang bumalik ng Pilipinas ay para maayos nito ang pagpapawalang bisa ng kasal kay Ryke. Ngayon, wala na. Nabawi na ito ni Ryke at naiwan silang mag-ama.

Ibinaling ni Air ang tingin sa pinto nang tumunog ang door chime. Tumayo siya mula sa sofa at tinungo ang pinto para mapagsino ang tao sa labas.

"Lilac?" Si Lilac ang nasa labas at kasama nito si Theus.

"Papa." Agad niyang kinarga si Theus.

"Na-miss kita, ah. Parang bumigat ka? Mga sweets na naman siguro ang kinain mo."

"I eat lots of s'mores, papa! Tita Lilac baked for us."

"Talaga, ah? Marunong na si Tita Lilac mag-bake? Hmm, well-developed character." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Air na tumingin kay Lilac na bahagya namang umirap.

"Bakit pala ikaw ang kasama ni Theus?"

"Ako na ang naghatid. Violet is not feeling well." Worry was immediately written all over Air's face and he asked Lilac question after question.

Colors of Passion 2: Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon