Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 10

91.3K 3.2K 1.4K
                                    

"ATE Jean, hurry up po! Purple and mama are ready."

"Sandali na lang." Malinis na itinali ni Jean ang kulot na buhok ni Peri. Ibinaba ito ng dalaga sa kinauupuang silya na nasa harap ng dresser pagkatapos.

Hinawakan ni Peri ang kamay ni Jean at nagmadaling hinila ng bata ang dalaga palabas ng pinto. Excited ito dahil ngayong araw makikita ang ama. She even picked out her outfit today. She wants to look beautiful in her first meeting with his father. Isang periwinkle silk dress at glittered doll shoes ang suot nito.

"Peri, dahan-dahan lang." Hila-hila nito si Jean hanggang sa makababa ng hagdan. Nilinga nito ang kabahayan.

"Where's mama?"

"Ang ganda-ganda mo naman, Peri!" compliment ng isang kasambahay, si Tere. Pumasok naman ang yaya ni Peri na nanggaling sa labas.

"Yaya, where's mama and Purple?"

Si Tere ang sumagot. "Umalis na sila."

"No!" Tatakbo sana ang bata palabas pero hinarang na ito ng yaya nito.

"Magpe-play tayo, Peri!"

"No! Pupunta kami kay papa!" Peri started to become hysterical. She struggled to free herself from her nanny's grip as she cried hard. Nababaan ni Lyca ang batang umiiyak.

"Bakit umiiyak ang bata?" Agad itong kinuha ni Lyca.

"Peri, bakit?"

"Mama... mama... 'di ako sama... iwan ako, eh." She's having hiccups now due to crying hard.

"Shh! Tahan na! Magwo-work si mama."

"No, lola! Pupunta... kami kay papa, eh."

"Papa?" Nagtatanong ang ibinigay niyang tingin sa yaya ni Peri.

"Si Purple po kasi makipagkikita raw po sa papa nito."

"Kay Air?"

"Opo, ma'am!"

"Si Lilac! Bakit hindi na lang isinama si Peri?" Ang alam ni Lyca dahil si Air nga ang kinagisnang ama ni Purple ay iyon na rin ang inakala ni Peri. Hindi pa naiintindihan ng mga bata ang sitwasyon. Akala ng mga ito, normal lang na magkaiba ang nanay nila kahit kambal sila. Maiintindihan din nito ang nangyayari pag nasa hustong gulang na. Pero ang sitwasyon na ito ngayon ay iba. Nakikita ni Lyca na sabik sa pagmamahal ng isang ama si Peri.

"Tahan na, baby!" Hinaplos ni Lyca ang likod ng bata nang yumakap ito sa kanya.

"Pupuntahan na lang natin ang lolo? Gusto mo 'yon?"

"I want... my papa, eh."

"Next time, sweetie! Next time!"

---

AIR strode across the living room towards the the door when the door chime rang. Sina Lilac at Purple na siguro iyon. Sabi ni Lilac ay ihahatid nito si Purple sa kanya. He's excited to see his daughter.

Inaayos niya ang kulot na buhok at may ngiti sa labing binuksan ang pinto.

"Papa!" hiyaw ni Purple nang makita si Air.

Agad na kinarga ni Air ang bata. Mahigpit na nagyakapan ang mag-ama.

"Miss na miss kita!" Hinalikan ni Air ang ulo ng anak.

"Miss na miss din kita, papa ko!" Ang pagkakangiti ni Air ay unti-unting nawala nang balingan niya ang babaeng nasa harapan habang hawak sa kamay ang isang batang lalaki. Ang buhok at style sa pananamit ay malayo kay Lilac.

"Hi, Air!" bati nito.

"Lavender?"

"Ako na ang sumama sa bata." He suddenly felt disappointed for no reason.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay WHROXIE, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni WHROXIE
@Whroxie
Rising celebrity Lilac Guevarra dreams to become a sought-after movie...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 41 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @Whroxie.
Colors of Passion 2: Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon