"Kain na tayo." Sabi ni Mason at nabalik ang tuon ko sa kanya. Nakatulala pala ako kanina pa. Hindi ko napansing dumating na ang order namin."Bakit nandoon si Jose kanina sa inyo?" Taning niya habang hinhiwa ang steak niya. Nang mahiwa lahat iyon kinuha niya ang plato ko at ipinalit ang kanya. Nabigla naman ako sa ginawa niya.
"Thank you." Para magpasalamat sa ginawa niya. No one ever did that for me. I looked the way he slices his now steak at mukha siyang seryoso doon. Natawa naman ako. At nang ilang sandali nagtanong uit siya.
"Ano raw gusto ni Jose?"
"Ah. Nagdonate siya sa amin. Nagtagal din siguro kasi nakipaglaro sa mga bata." Sabi ko naman at tumango lang siya at kumain na ulit.
"Hindi ako umiinom, Mase." Sabi ko nang may dumating na waiter at dala ang isang wine.
"Sige. Ah, sir. Water na lang ang kanya." Sabi niya sa waiter. Ngumiti na lang ako sa kanya.
Natapos din ang dinner namin ni Mason at pagkabalik namin sa bahay, wala na ang kotse ni Jose. Umuwi na siguro.
"Dito na lang ako, Mase. Thank you!" Lalabas na ako sa kotse nang may sabihin siya.
"May chance ba ako?" Tanong niya. Tumingin agad ako sa kanya at nakita kong seryoso siya sa tanong. The playful Mason went out.
"Mase..." May kumatok sa bintana ng kotse niya at si Ate Mina iyon.
Binuksan ko ang aking pinto at may sinabi naman si Ate Mina.
"Oh, nandito ka na pala. Sakto pauwi na ako. Nakakain na ang mga bata at nagpapahinga na." Dala-dala niya ang bag niyang madalas dalhin sa amin. Isa itong backpack at palaging may dalang kung ano-ano kapag pumupunta rito.
"Sige. Ate. Papasok na ako." Tumingin ako kay Mason at nakita kong nakaharap na ito sa harapan.
"Mase, sasabihin ko ang sagot kapag okay na." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya hindi ako matingnan.
Bumaba na ako at umalis na si Mason. Hinatid ko si ate Mina sa kanto namin at bumalik na sa bahay. Pagtapak ko sa may pintuan, naririnig ko ang mga taong nanonood ng tv sa sala.
"Oh, Kuya. Nandito ko na pala." Si Jay.
Nakita ko naman kaagad ang katabi niya sa sofa. Nandito pa siya? Wala na ang kotse nila ah.
"Dito muna raw si Kuya Jose. Sa kwarto mo raw siya matutulog. Pumayag naman si Ate Mina." At napako na ako sa kinauupuan ko.
"May ipapagawa raw siya sa yo. Ikaw lang daw naisip niyang makakatulong sa kanya." Dagdag ni Jay. Kumakain sila ng pizza at may mga bote baso ng softdrinks sa maliit na lamesa sa sala. Halatang lahat ng bata ay nakakain at sila na lang dalawa ang natira dito.
Patuloy naman ang panonood niya ng tv. Iniiwasan ang tingin ko. Si Jay pa talaga ang ginawang spokeperson.
"Akyat na ako." Sabi ko sa kanila. Inayos ko naman kaagad ang kwarto ko para sa tutulugan niya. Nilatag ko ang karton at pinatungan ito ng dalawang blanket para hindi masakit ang likod ko bukas nang umaga.
Natanggap ko naman ang mensahe ni Ate Mina sinabi ang sinabi ni Jay kanina. Umirap ako at naghilamos na. Habang nagbibibis ako narinig ko ang busina ng isang kotse at nakitang ang bodyguards ni Jose ang mga iyon. May inabot silang isang malaking bag sa kaniya at nag-stay naman kaagad ang dalawa sa may gate para magbantay. Pumasok na si Jose at ilang sandali narinig ko ang katok sa kwarto ko.
"Pasok." Sabi ko at humiga na sa aking ginawang pansamantalang higaan.
Kinuha ko ang phone ko at nakatakip ngayon ito sa mukha ko at naririnig ko ang kaluskos na ginagawa niya sa kwarto ko. Hindi ko siya pinapansin. Nakita ko ang mensahe ni Mason.
'Had a great time. Next time ulit?'
'Basta libre mo.' Sagot ko naman.
'Basta maging akin ka oh baby.' Natawa naman ako sa sagot niya dahil na-imagine ko siyang kinakanta ang sinabi.
Natigil naman ang kaluskos at nakita ko siyang nakaupo na sa study table.
"Saan kayo kumain?" Tanong niya at napatigil ako sa pagcellphone. Ako ba kinakausap nito?
"Yes." Sagot naman niya. Shit nasabi ko ata nang malakas iyon.
"Sa resto malapit sa school." Sabi ko naman.
Hindi na siya sumagot at itinuloy ang ginagawang project. Tumayo ako at inalok siya ng tulong, tumango naman ito. Kumuha ako ng isang upuan pa at umusog siya para mabigyan ako ng space.
"What did you eat?" Tanong niya habang ginugupit ko ang mga papel.
"Steak." Sabi ko naman at nagpatuloy.
"Buti, dito ka gagawa ng ganito? Pinapunta mo na lang sana ako sa inyo." Sabi ko at seryosong dinidikit ang isang design sa isang blankong papel.
"Ang tagal mo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya na may kunot sa noo.
"O kaya bukas. Pwede naman. Nakapagbasa na rin ako para sa quiz."
"No. Dapat ngayon na" Sabi niya. Tumingin ako sa orasan at nakitang 9pm na doon.
Halos 11pm na kami natapos at humiga na ako. Siya naman ay lumabas para maghilamos. Nang bumalik naka shorts ito ay may twalya na nakasabit sa leeg habang pinupunasan ang basang buhok.
Napatingin naman ako sa katawan niya. Ngayon ko lang nakita sa personal ang katawan niya. Halos sa facebook ko lang kasi nakikita ito. Tumalikod ako nang umupo siya sa kama.
"Why are you there? Hindi ba sumasakit likod mo?" Tanong niya.
"Your bed can make a space for the two of us." Sabi niya. Hindi ko siya hinarap at kinibo.
"Jam." Tawag niya.
"Jam." Ulit niya.
Tumayo na ako at kinuha ang dalawang unan at nilagay na sa kama. Humig na ako at pumikit na.
"I'm sorry." Gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi na muna baka kung anong maisip sa nakahubad niyang katawan.
"Alam kong ako ang cause ng pagka-untog mo. Sorry." Dagdag niya at lalo kong ipinikit ang mga mata. Humiga siya sa gilid ko nang maramdaman ang konting pagbaba nito. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang gabing iyon. Pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko at malinis na iyon. Pati ang gamit sa study table ko, wala na. Tinupi rin ang nilatag kong higaan kagabi. Wow. I thought.
"Bich! Kumusta date niyo ni Mason?" Tanong ni Ara nang mag-lunes.
"Okay lang." Sagot ko.
"Iyon lang masasabi mo? Wala na? Final na iyon?" Pangungulit niya. Dumating naman kaagad ang prof at hinanda na ang quiz. Natapos ko iyon at pareho kami ng final answer ni Ara kaya pareho kaming confindent. Tawa kami nang tawa dahil sa pinakita niyang video sa akin. Bumaba kami para pumunta sa canteen.
"Bich, hay. Dito talaga naglalandian ang dalawang iyan huh?" Turo niya kina Jose na nasa gilid, their usual spot. Nagbabasa ulit ito pati si Andrea. Mamaya kasi ang quiz nila sa parehong subject. Nauna ang amin.
Nag-order na kami at kumain na. Dumating naman sina Mason at palagi ang tingin niya sa akin. Pangiti-ngiti pa ito kapag tinitingnan ako. Binibuwisit naman kami nila Ara. Ang ingay nila. Wala pa man din masyadong tao. Napatigil lang kami nang may lumapit na babae kay Bruce at may ibinigay na chocolate at letter. Valentines day ba ngayon? Tumawa naman kami nang hindi alam ni Bruce ang gagawin.
Kinuha naman niya ang chocolate at sulat at tumakbo na palayo ang babae. Mukha itong senior high. Kaya sinabihan naming child abuser si Bruce. Tumawa kami ulit.
"Ang ingay." Narinig namin sa banda nina Jose. Natahimik naman kami. Umalis silang dalawa sa kinauupuan at hinayaan na namin.
"Punyeta talaga ang babaeng iyon. Bakit hindi siya sa library kung gusto pala ang tahimik?" Si Ara.
"Baka ayaw maglakad. Malayo kasi ang library dito." Si Angel.
"Hayaan niyo na. Maingay naman kasi talaga tayo." Sabi ko.
"Binibigyan mo pa ng rason. Ea, ang talino pero nage-expect na tahimik ang canteen." Komento ni Ara at tumawa si Mason at Bruce.
BINABASA MO ANG
To The Man I Love (LF Series #1)
RomanceLove Fearlessly Series #1 John Sebastian Bryant is the main topic every day in school. Being the son of a business tycoon, he is followed by admirers and that developed his arrogant, narcissistic and selfish personality. He is just 20 yrs old who is...