Ch.1: Ella Lopez

367 20 10
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

-THIS VILLAINESS MUST SURVIVE; the beginning-

"Hey Ella Lopez, earth to Ella!" Winagayway ni Jamie ang kamay sa harap ng mukha ni Ella para maibalik ang atensyon ni Ella sa kanilang pag-uusap kasi kanina pa siya tulala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hey Ella Lopez, earth to Ella!" Winagayway ni Jamie ang kamay sa harap ng mukha ni Ella para maibalik ang atensyon ni Ella sa kanilang pag-uusap kasi kanina pa siya tulala.

"U-Uh, hey Jamie, what's up." Ella bitterly smiled.

"El, basahin mo 'tong librong ito. It's called Leiselle: Journey of a Queen, and it's one of the best stories I have read. Nagustuhan ko talaga si Leiselle dahil sa kagandahang loob niya, she's beautiful inside and out. She's so perfect, unlike Eliora Silver, hmph!." Kumunot ang noo ni Ella.

"Who's Eliora Silver?" She asked.

"Don't mention that name, grr. Nakaka-walang gana yan'g babaeng yan 'e. Nakekealam talaga sa buhay ni Leiselle at Vermillion. Makati yan'g babaeng 'yan. Nakuuuu, kung nasa harap ko yan'g si Eliora Silver, ako na sana ang siyang puputol ng ulo niya para kay Vermillion." Hindi na maintindihan ni Ella ang mga bulalas ng kaibigan niya. Don't mention that name? Siya nga yung unang nagmention 'e.

Naintindihan ni Ella ang papel ng babaeng nagpakulo ng dugo ni Jamie. "Inshort, siya ang kontrabida?" Tumango naman si Jamie, "Eto oh, basahin mo, tsaka maiintindihan mo ang pinagsasabi ko."

Tinignan ni Ella ng ilang segundo ang libro na hawak ni Jamie, kumunot ang noo, nalilito siya dahil sa lahat ng pwedeng ipabasa, cheesy romantic autobigraphy pa ng isang fiction character.

Kinuha niya ang kulay rosas na libro at sinimhot ito, "Smells like roses," Weird, hindi nag-aamoy libro.

"I don't know why either, I just found it in my great-great- great grandmother's library.. but anyway, read it." Jamie's great grandmother owns an antique library with books that goes back from one hundred years ago. Unfortunately, her grandmother dissappeared.

"Jamie, alam mo naman'g hindi ako mahilig magbasa ng mga libro tulad nito." Kinamot ni Ella ang ulo niya, "Alam ko, but try it. Read things like that when you're stressed. Maybe this book will take you away from your problems?"

Huminga si Ella, "Okay," Tumayo siya kinuha ang bag para umalis na at umuwi. "El, I know what you're going through. Just stay strong okay, God will heal you." Parang bumigat ang pakiramdam ni Ella sa sinabi ni Jamie at nahulog ang tingin sa sahig.

Isang taon ang lumipas nang pumanaw ang kaniyang mga magulang dahil sa carcrash papunta ng probinsya para bisitahin ang mga kamag-anak, hindi sumama si Ella dahil sa research dahil magtatapos na ng kolehiya ang dalaga. Gumuho ang mundo ni Ella nang malaman na wala na ang kaniyang mga magulang. Sinisisi niya araw-araw ang sarili dahil sa pagkawala ng mga magulang niya.

This Villainess Must SurviveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon