NAGING maingay ang buong paligid nang humandusay sa gitna ng kalye ang maliit na katawan ng isang pitong taon'g gulang na bata. Duguan ang ulo at may malaking butas sa noo. Naligo sa pulang dugo ang maliit niyang mukha at makulay niyang bestida. Pumutla ang kaniyang buong mukha na siyang nagpapaalam na siya'y nawalan na ng malay.
"Protektahan ang Young Mistress! Someone has tried to sneak an attack!"
"Quick, the Lady is injured!"
"Sino ang naglakas-loob na saktan ang Young Mistress ng Silver Clan?!"
Naalerto ang mga Silver Knights at mga tagapagsilbi na nautusan na samahan ang anak ng punong ministro sa kaniyang sadya. Dumami ang umpukan ng mga tao'ng sumubaybay at sumali sa nangyayaring komosyon sa kalye ng Vierra Street.
Isang misteryosong tao na may asul na mga mata na balot sa suot niyang balabal ay makupad ng ngumisi, "Eliora Silver... hindi tayo pwedeng umiral sa parehong mundo." At biglang nawala sa umpok ng mga tao ang kaniyang pigura.
Naging usap-usapan sa capital ng kontinente ng Alpheone ang nangyari sa anak ng punong ministro. Sabi ng mga saksi ay lumabas ang bata sa inis dahil sa bagal ng trapiko ng mga karwaheng papunta ng merkado nang mabagsakan siya ng ilang pulagdang malaking bato sa ulo at tumama sa noo.
Sa bigat ng batong iyon, tiyak na agad na mamamatay ang mababagsakan nito.
Sapagkat maidaling naisugod sa ospital ang bata at naagapan ang pinsala sa ulo, at nawalan lang siya ng konting dugo. Itinuring ng mga doctor na himala ang nangyari kay Eliora Silver.
Lihim na nagpapasalamat ang ina ni Eliora na si Mrs. Silver na bago ang trahedya at nabasbasan si Eliora ng isang mago ng isang protection spell.
Hindi man maiiwasan ang tama pero mababawasan ang epekto ng tama ang may masamang hangarin sa anak niya na tinuturing prinsesa ng mag-asawang Silver dahil siya ang nag-iisang anak nila.
Sa mansion ng mga Silver ay naging usap-usapan din ang nangyari sa anak ng kanilang amo. Hindi sekreto sa buong bahay ang poot at pagkamuhi ng ilang mga tagapagsilbi at kasambahay ng mga Silver dahil sa pangit na pag-uugali ng young mistress nila. Kaya nagtipon ang ilang mga kasambahay sa malaking kusina ng mansion at naki-tsismis.
"Hmph! Sana tinuluyan nalang ang buhay ni Young Mistress para wala nang sakit sa ulo," sabi ng isang kasambahay.
Araw-araw nagkakagulo ang mansion dahil sa mga nakakapagod at nakakasakit-ulo'ng mga utos ng kanilang young mistress, gaya ng pagiging malinis dahil siya ay OC, dapat perpekto at nasa tamang angulo ang lahat ng aspekto ng bahay at dapat maayos na pagkaayos ang kaniyang suot at buhok.
Sa murang edad ay namana niya ang pagiging ganid, mahigpit at pagiging brusko sa ama at pagiging magara at katigasan ng ulo sa ina.
Lumaki kasi si Eliora na wala palagi mga magulang dahil sa kani-kanilang trabaho. Ang ama niya ay isang punong ministro sa kontinente ng Alpheone at ang ina niya ay namamahala sa mga negosyo ng mga Silver kaya lumaki siyang mag-isa, kasama lang ang mayordomo na si Ran na nasa kaniyang 60's at buong buhay na sumserbisyo sa mga Silver.
"Huy Luz, hinay-hinay lang sa pagsasalita. 'Pag narinig ka ng mayordomo, lagot ka talaga."
"Tsk, galit pa rin ako sa ginawa ng maiit na bubwit na 'yon sa kamay ko. Binuhusan niya ako ng mainit na tubig dahil gusto niya ng malamig, grr." Galit na sabi ng isa.
Isang lalake sa kaniyang 50's ang agad na pumasok sa kusina ng mansion nang marinig niya ang usap-usapan ng ilang kasambahay.
Nanginig ang mga tuhod ng mga kasambahay nang tumama ang malalamig niyang mga mata. "Mag-ayos na kayo, ayusin niyo ang pagmumukha niyo at ang kalat ng buong mansion, dadating na ang Young Mistress Eliora kasama sina Mr. at Mrs. Silver."
BINABASA MO ANG
This Villainess Must Survive
FantasyElla Lopez, depressed in life after the death of her parents is sucked into a fantasy novel as the villainess, Eliora Silver, who will later die in the hands of four handsome men after endangering the life of the pure and beautiful protagonist. Sud...