Nakaraang lingo, humingi ako ng pahintulot ni mama at ni papa na magfishing. Hindi nila ako pinayagan kasi delikado daw. Baka may mangyayaring masama sa akin, on the run pa kasi ang suspect na humamak sa akin noon. Kaya naisipan nila mama at papa na paggawan ako ng malaking fish pond na kompleto sa lahat ng uri'ng isda na makikita sa dagat.
Lumuwa ang mga mata ko nang makita ang malaking fish pond na pinatayo nina mama at papa ilang metrong layo sa garden.
Kasing laki ng isang mini football field ang fishpond na pinatayo ni papa. Hindi ako makapanawala na sa isang linggo lang 'to natapos.
Seriously, ganito ba nila ka-spoiled si Eliora? Nagseselos tuloy ako. Ni hindi nga ako binilhan ng Baby Alive na manika ng mga magulang ko noon kasi nagsasayang lang daw ako ng pera. Kung nagsasayang man sila ng pera, 'e ano kaya 'tong kahalingan ang pinaggagawa ng mag-asawang Silver para sa anak nilang si Eliora.
"Darling, do you like the fishing pond?"
Proud na proud si papa'ng nagtanong sa akin habang nakawak sa kaniyang bewang. Madali akong tumalikod at sarkastikong napa-gulong ng mga mata tsaka humarap na may malapad na ngiti sa mukha."Yes papa, the pond is so big and Eliora is very happy!" Inemphasize ko ang ka-laki ng pond gamit ang mga kamay ko at tsaka niyakap si papa. "Hahaha," Tumawa naman siya at parang proud na proud sa sarili. Hahays, things he would do for his daughter.
Binitbit ako ni papa sa mga kamay niya. He was carrying me like a toddler. "Narinig kong naghahanap ka raw ng tatlong klase ng fishing rods." At nakiki-tsismis rin pala si papa.
"Yes papa," Kevin, akala ko maaasahan kita. Akala ko confidential ang lahat na pinag-uutos ko sayo. 'Yun pala pinagsusumbong mo lahat kay papa.
"Huwag ka mag-aalala anak, may mga fishing rod designers akong inutusan'g gumawa ng pinakamagandang fishing rod para lang sayo," Totoo ba 'to? Walang halong biro? Kesa magdiwang dahil ginawa lahat 'to ni papa. Parang naaawa ako sa mga tao'ng nasali sa kabaliwang ito.
" Anak, bakit mo naisipan' g mag-fishing?" Alam kong itatanong 'to ni papa kaya hinanda ko ang sagot ko. "Kasi papa, gusto ko mabuhay ng matagal,"
"Huh, 'nak 'di kita naiintindihan."
"A-Ahh eh, papa if mawawala na ang pera natin pwede akong mangisda para may makain tayo." Ngumiti siya sa paliwanag ko. "Huwag ka mag-alala anak, trabaho ko bilang magulang ang maglaan para sa mga anak. Gagawin ko lahat para maibigay ang mga gusto mo,"
Suddenly, I miss my dad. I mean–– my real dad. Never naging strikto ang tatay ko sa akin. He was the provider and the bread wimner in the family. He spoiled me with money, siya yung pumoprotekta sa akin tuwing nag-aaway kami ni mama.
"Bakit parang hindi masaya ang prinsesa ko?" Namalayan ni papa na parang nabasag ang ekspresyon ng mukha ko nang Makita si Vermillion, Aldreich, Gustav at Callan na dala-dala ang kanilang mga fishing rods.
"D-Dad bakit naparito sila?" Diyos ko po, ano ba ang plano ng mundo para sa akin. "I invited them, baka gusto mong may kasama ka habang nagfifishing sa malaki mong lawa." Papa gently pats my head. Normal parents would drive boys trying to hit on their daughters but these parents, I do not understand.
"Papa, put me down. Nakakahiyaaaaa~" I wiggle my feet at susuntok ang balikat ni papa. "Okay, okay. Here you go," Binaba na ako ni papa at inayos ko ang suot kong damit.
Lumapit silang apat sa kinaroroonan namin ni papa, "Magandang araw po, Prime Minister Silver." Sabay silang bumati at nagcourtsey kay papa. "Naku, tawagin niyo nalang akong Tito Johan,"
Tumawa si papa, "Sino sa inyo ang may gusto ni Eliora?"
"Papa, you're making them uncomfortable.." Sa likod ng ulo ko, napa-face palm na ako sa pinagsasabi ni papa. Alam kong tinatawanan na nila siguro si papa sa utak nila. Kahit ako, nahihiya na ako sa pinaggagawa niya.
BINABASA MO ANG
This Villainess Must Survive
FantasyElla Lopez, depressed in life after the death of her parents is sucked into a fantasy novel as the villainess, Eliora Silver, who will later die in the hands of four handsome men after endangering the life of the pure and beautiful protagonist. Sud...