Nanatili ako sa ospital ng ilang araw, at ngayong araw makakauwi na ako sabi ng doktor. Excited ang mga magulang kong makakauwi na ako, dahil magbobonding daw kami. They said they will make up for the time mostly they were away.
Isa ito sa pagbabago na hindi ko inaasahan dahil hindi sila ganito sa libro. Matapos ang aksidente, nagpatuloy na sila sa mga kani-kanilang mga trabaho at naiwan ulit si Eliora mag-isa. Pakiramdam ko, parehong guilty ang mga magulang ni Eliora dahil nalagay sa peligro ang buhay ng anak nila habang wala sila. Wala kasi silang nagawa para maprotektahan si—E, ako.
Tsaka iba ang trato ng mag-asawang Silver sa akin kesa mga magulang ko. Binibaby talaga nila ako, naki-cringe ako tuwing tinatawag nila akong princess at baby. 'Di ba pwede'ng Eliora nalang? Maganda naman ang pangalan'g Eliora.
Ako'y nakaupo sa harap ng aking ina at ama habang magkatabi sila sa loob ng karwahe. Ngayon ay papauwi na kami sa malaking mansion ng mga Silver. Nagtataka ako kung gaano talaga kalaki ang mansion ng mga Silver. Nakasulat sa libro na ka-laki ng isang bayan ang buong lupain nila at gawa sa pilak ang kahalahati ng kanilang mansion.
Kilala rin ang mga Silver dahil sa ilang minahan nila na masagana sa mga mineral at mga pilak. Sila rin ang pinaka-malaking distributor ng pilak sa lahat ng kontinente sa mundong ito kaya isa sila sa pinaka-mayaman at makapangyarihang pamilya ang pamilya ni Eliora.
Pinagmasdan ko ang paligid sa labas, napansin kong may pagkatulad ang mundong ito sa french era. Sa mga kasuotan, pagkain, hierkiya at mga iba pa. Naging inspirasyon siguro ng otor ng libro ang kapanahunan ng mga Pranses. Wala pang teknolohiyang lumalaganap dito sa pagkakaalam ko.
Naramdaman kong may nagmamasid na mga mata sa akin, "Anak, may gusto ka bang kainin pagdating natin sa mansion?" Tanong ni papa.
Umiling ako kay papa, "Wala po akong gustong kainin. Uhm, paano kung sama-sama po tayong kumain ng hapunan." Mungkahi ko at matamis na ngumiti sakanila. Nagtinginan silang dalawa, na parang naaawa sila sa akin.
"Matutupad mahal kong prinsesa, mahal kong reyna, sang-ayon ka ba?" Tinanong ni papa si mama. Ngumisi naman si mama, "Oo naman, gagawin ko lahat para sa mahal kong anak."
They really love Eliora, kaya siguro napunta ako sa mundong ito para maranasan ulit ang kompleto ang pamilya sa pamamagitan ni Eliora. Dahil sa totoong mundo, nag-iisa lang ako. Nararamdaman kong mas napapamahal ako dito, dahil may mama at papa ako. Tsaka bata pa ako, kaya't magagawa ko ang mga gawain na ginagawa ng mga bata na hindi nagagawa ng isang dalawampu't-apat na taon'g gulang.
But aren't I decieving them? Alam ko ang mga susunod na mangyayari, at minumukha ko lang na wala akong alam. Tsaka isa akong 24-yrs. old sa katawan ng isang 7-yrs. old na bata. "Alam mo ba'ng nag-aalala ang emperor nang malaman na may nagbabalak ng masama kay Eliora." Batid ni papa.
I look straight out of the window. To save mama and papa, they should be away from the royal family, they should be away from wealth and power. Pero mahirap kasi dahil sa kapangyarihan at kayamanan, nabubuhay at nakakakain sila.
"Nag-aalala rin sina Prinsipe Vermillion at Prinsipe Aldreich para kay Eliora." Agad naubo ako dahil sa narinig ko.
Si Prinsipe Aldreich ang nagpalabas ng mga impormasyon tungkol sa mga balak at plano ni Eliora.
Si Gustav Ravinsky ang nanguna sa pagpatay ng buong Silver at pagdeposito ng buong kayamanan ng mga Silver.
Si Callan Stuart ang dumakip kay Eliora nung nagtago siya sa kontinente ng Vistania.
At opkors, si Prinsipe Vermillion Reginand III ang siyang pumutol ng ulo ni Eliora Silver. Parang Anne Boleyne lang ang peg.
"Darling, anong nangyari, makati ba ang lalamunan mo?" Alalang tanong ni mama.
BINABASA MO ANG
This Villainess Must Survive
FantastikElla Lopez, depressed in life after the death of her parents is sucked into a fantasy novel as the villainess, Eliora Silver, who will later die in the hands of four handsome men after endangering the life of the pure and beautiful protagonist. Sud...