Pagkatapos ngang makapagluto at ihanda ang mesa para sa tanghalian agad nitong pinuntahan
sina Sam para sabihin dito.
Kasamabahay:Sir ok na poh ang lahat.Pwede nyo na pong puntahan o tawagin ang mga bisita
nyo para kumain.
Sam:Ok salamat.
Pinuntahan na nga ng tatlo si Devon at Fretzie pero ng makita nilang tulog na tulog ang dalawa
nagdadalawang isip silang tatlo kung gigising ba nila o hindi.Kaya ang naging pag-uusap nila
kay mahina lamang.
Sam:Anong gagawin natin?Tulog na tulog sila.
Enrique:Hindi ko nga alam kung gigising ba natin sila o hindi.
Ivan:OO nga eh ang hirap naman ng ganito.
Sam:Kung gigisingin naman natin sila ang sama-sama naman natin kasi alam naman nating
pagod sila.
Enrique:Iyon na nga Sam pagod nga sila.
Sam:Hihintayin ba natin silang magising o mauna na tayong kumain?
Enrique:Walang problema sa akin kung hihintayin na lang nating silang magising.Ikaw Ivan ok
ba sa'yo?
Ivan:Wala din problema sa akin.
Sam:Ok mamaya na lang tayo kakain sabay-sabay.Ang mabuti pa iwanan na ulit natin sila.
Enrique:Ok tara na.
Umalis nga ulit ang tatlo at pumunta sa salas para dun nalang sila magkwentuhan habang
hinihintay nilang magising ang dalawa.Si Sam pumunta muna ng kusina para sabihin na
mamaya na sila kakain kasi tulog pa ang mga bisita nila.
Pagkatapos ni Sam sabihin sa kasambahay nila na mamaya na sila kakain agad itong bumalik sa
salas para makipagkwentuhan sa dalawa nyang kaibigan.
Sam:Anong plano natin kapag nagising na iyong dalawa?
Enrique:Iyon nga nag iniisip ko saan sila natin ipapasyal ng walang masyadong nakakakilala sa
ating tatlo.
Ivan:Sa gabi na lang tayo mamasyal.
Sam:Mas mabuti pa ngang sa gabi na lang tayo umalis ayaw ko kasing maintriga naman tayo
Enrique.Baka mabalita ulit ang tsismis tungkol sa love triangle nating dalawa.Buti nga madaling
nawala ang tsismis na iyon.
Enrique:Sinabi mo pa Sam nahihiya nga ako kay Devon kasi hindi ko ginusto na mangyari ito sa
ating tatlo maski pa gusto ko sya.Ikaw Sam aminin mo nga sa akin may gusto ka rin ba sa
kanya?Mas mabuti pang aminin mo sa akin kaysa hindi kasi nakikita ko naman na iba ang trato
mo sa kanya.Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya kapag kasama mo sya o nakakausap
hindi ka dating ganyan.
Sam:Pano kung sabihin kung OO magagalit ka ba sa akin?
Enrique:Sam magkaibigan tayo kaya ok lang sa akin kasi alam ko namang hindi sya mahirap
mahalin o magustuhan ng kahit sino kaya hindi na ako nagtataka kung magkagusto ka rin sa
kanya.