Inaakala nga ni Sam at Enrique na galit si Devon sa kanila dahil pinagsupladahn sila kaninang
kumain silang lahat kaya nag-iisip sila ng gagawin upang humingi ng pasensya o sorry dito.Pero
ang hindi nila alam hindi naman totoong galit si Devon ginawa lang nya iyon para hindi na sya
kulitin ng dalawa tapos nga sumali ba ang kanyang kaibigan at si Ivan sa pangungulit sa
kanya.Pagkatapos kasi nyang kumain bigla na lang syang umalis na hindi nagpaalam sa mga
kasama nya sa habag kainan.
Devon: "Bahala silang mag-isip ngayon kasi bigla na alang akong umalis kasi nahihiya talaga
ako.Sino ba namang makakain kung ikaw lang ang nakikita nila?Pinilit ko lang tapusin ang
kinakain ko kasi baka subuan talaga akong dalawa kasi kapag nagkataon hindi ko alam ang
gagawin ko.Maski gusto ko na subuan ako ni Sam masaya kaya iyon at kakilig feeling girlfriend
lang ang peg ko.Hay naku nag-ilusyon na naman ako.Pero bakit pati si friend Enrique gusto rin
akong subuan ano ba talaga ang totoo nalilito na ako sa kinikilos nilang dalawa?Kung pwede
lang ako ang magtanong sa kanilang dalawa ginawa ko na kaso hindi pwede girl yata
ako.Mahirap pati baka nagkakamali lang ako ng iniisip na special din ako sa kanya.Pano kung
totoo ang iniisip ko anong gagawin at mararamdaman ko.Iisa lang naman ang hinangad ko na
manligaw sa akin at si Sam iyon ang landi ko noh psssssssssssssssst huwag kayong maingay
kasi walang nakakaalam ng mga sinasabi ko kayo lang hehehe.HIndi man matupad ang
pangarap ko na magustuhan din ako ng crush kong si Sam sana kahit kaloveteam lang nya
masaya na ako dun pero pano mangyayari kung hindi na ako mag-aartista.Sana lang kapag
sinama kami nila sa taping nila may makakita sa aking talent manager maski cameo lang o doble
ng bida gagawin ko malay ko dun ako makilala.Ang taas ng pangarap ko noh hindi naman
masama kasi sabi nga walang bayad libre lang ang pangarap.Ano kayang makiramdam ng
maikiss ng isang Sam Concepcion?hehehe.Ano na kayang nangyayari sa lima? Hindi ko nga pala
sinabi nandito ako sa garden nina Sam mag-isa lang ako kasi diba nga iniwanan ko sila dun kasi
hiyang-hiya na talaga ako ikaw ba naman ang pagkaisahan pag hindi ka nga naman umalis na
lang at piliing mag-isa para makakapag-isip ka pa kung ano ba talaga ako sa kanilang
dalawa.Huwag kayong maingay hindi naman talaga ako galit sa ginawa nilang pagbibiro sa akin
kaya huwag nyo akong ibisto ha!Tingnan natin maya-maya sigurado ako na susundan nila akong
lahat para suyuin hehehe ang haba ng hair ko diba?Makapikit nga muna habang nilalanghap ko
ang hangin ng manila minsan lang itong mangyayari sa tanang-buhay ko na nandito ako sa
bahay ng crush na crush ko.
Habang mag-isa si Devon sa garden ang kanyang mga kaibigan naman hindi alam ang gagawin
para kausapin sya lalong-lalo na si Sam at Enrique hindi nila alam ang gagawin kaya kinausap
nila si Fretzie kung ano ang dapat nilang gawin.