I
Sa simula pa lang pangarap ko na
Na makatambal kita sa isang show o pelikula
Hindi ko akalaing magkakatotoo pala
Kaya laking papasalamat ko at nakilala kita.
II
Akala ko noong una wala lang talaga
Pero hindi ko akalaing matutupad pala
Sa lahat ng pangarap ko ikaw ang nauna
At naging click pa talaga ang ating pagsasama.
III
Salamat sa iyo at natupad ang pangarap ko
Hindi ko man inaasahan na darating ang pagkakataong ito.
Hangad ko pa rin na maging masaya tayo
Kung anuman ang kahihitnan ng pagtatagpo nating ito.
IV
Hindi mo ako masisisi kung mainlove man ako sa iyo
Kasi lahat ng katangian mo ay gustong-gusto ko
Sana ikaw rin at ako ang magkatuluyan sa bandang dulo
Para ang lahat ng Dreams ko ay magkatotoo..
Note:Nagtry lang akong gumawa ng poem sana magustuhan nyo. Thanks :)