Matutulog na nga si Devon At Fretzie pero nga nila inaasahan na magtetext si Enrique kay
Devon.
Enrique:Good evening Devs musta ka na?
Devon:Ok naman ako ikaw kumusta naman?
Enrique:Ito ok lang masaya.
Devon:Pwede ko bang malaman kung bakit ka masaya?Inlove ka siguro noh!
Enrique:Kapag ba masaya inlove agad ang dahilan hindi pwedeng masaya ka lang talaga dahil
may nangyari na maganda ikaw talaga Devon.
Devon:Hindi ka naman kasi nagtetext sa akin dati ngayon lang at take note tumatawag ka pa
nakakapanibago yata.
Enrique:Basta namimiss kita hindi mo lang alam hindi nga lang ako makapagtext at makatawag
sa'yo kasi masyado akong busy pero ngayon siguro kahit busy ako magtetext pa rin at tatawag
ako kapag may time ako o gagawa ako ng paraan para hindi hanggang sabi lang ako.
Devon:Ayaw kung umasa Enrique basta gawin mo na lang saka pa lang ako maniniwala kapag
nangyari na ang sinasabi mo.
Enrique:Basta hindi na ako mangangako kasi ganyan ang sinabi ko before ako umalis dyan sa
atin sa cebu alam kung nasaktan kita dahil sa pangako ko pero hindi naman natupad.
Devon:Mahirap kayang umasa sa pangako ng isang taong naging malapit sa'yo tapos hindi
naman nya tinupad diba!
Enrique:OO alam ko kaya gagawin ko na lang Devs sana huwag ka ng magalit dyan ok.
Devon:Hindi naman ako galit nagpapaliwanag lang :)
Enrique:Alam ko namang mabait ka at maunawain kaya nga mahal kita eh.
Devon:Teka anong mahal ang sinasabi mo dyan ha!
Enrique:Mahal kita bilang kaibigan. ( Sa isip nya muntik na ako dun buti nalang nakaisip agad
ako ng reason basta kapag nagkita ulit tayo magsasabi na ako na gusto kitang ligawan).
Devon:Ah ok akala ko naman may iba ka pang ibig sabihin hehehe.
Enrique:Ikaw naman pero pwede rin kung papayagan mo. ( dinaan na lang nya sa biro ).
Devon:May ganun talaga Enrique.
Enrique:OO may ganun talaga.Pano kung seryoso pala ako sa sinasabi ko maniniwala ka ba
sakin.
Devon:Whatttttttttttttt?Anong pinagsasabi mo?Ikaw talaga walang magawa kung hindi lokohin
ako.
Enrique:Hindi kita niloloko Devs malay mo seryoso talaga ko sa sinasabi ko.
Devon:Ewan ko sa'yo.Saka mo na ako kausapin kapag matino na ang isip mo o kapag nagkita
tayo ng personal saka sabihin mo sa akin ng harapan hindi dito lang sa text.
Enrique:Oo sasabihin ko talaga at mag-iaasak pa ako sa'yo kapag nagkita tayo ng personal.Ang
tanong lang naman dyan kailan ulit tayo magkikita?
Devon:Malay mo magkita agad tayo remember may plano kaming pumunta dyan ni Fretz.
Enrique:Oo nga pala kailan naman nyo planong pumunta dito?
Devon:Malapit na pero secret kung kailan.