Makalipas nga ang isang dumating na si Fretzie sa bahay nina Devon at agad nitong iniabot ang
newspaper na naglalaman ng balita tungkol sa pagiging love triangle nilang tatlo nina Sam,
At Enrique.
Fretzie:Devs ito basahin mo kasi ako sobrang nagulat nung nakita ko iyang news na iyan kasi
hindi ko akalaing may kumuha pala ng pictures habang kiniss at inihug ka nilang dalawa.
Devon:Whattttttttttt?may pictures pa talaga waaaaaaaaaaaaaa sino kayang kumuha nito siguro
nakita lang ito sa twitter kasi sabi ni Sam may nagpost nga?
Fretzie:Pasalamat ka na nga lang at hindi kita nag mukha kasi kung nakataon na kita wala pa
tayo sa showbiz sikat ka na dahil sa pagkakalink mo sa kanilang dalawa hahaha.
Devon:At nagawa mo pang magbiro ikaw kaya ang nasa kalagayan ko ang hirap kaya fretz kung
alam mo lang matsismis ka ng walang katotohanan.Mas gusto ko sana totoo na lang nanalilink
ako sa kanila at totoong may gusto sila sa akin kahit isa man sa kanila hahahaha.
Fretzie:Akala ko naman seryoso ka sa iyon pala mas gusto mo na sana totoo na lang ang tsismis
adik ka rin talaga noh Devs.
Devon:Matagal na akong adik kay Sam alam mo iyan gusto ko sya ang makaloveteam ko kung
sakali para kumportable na ako o si Enrique nalang na best natin fretz kung si Ivan naman
alam kung magpoprotesta ka na sa'yo lang dapat sya tama ba ako hehehe.
Fretzie:Pano nga kung sa'yo din sya ipareha anong magagawa ko kasi mas pinapansin ka pa
nya kaysa sa akin nung nandito sila.
Devon:Selos ka naman dyan. OH well iba na ang maganda tulad ko.
Fretzie:Medyo nasaktan lang kasi iyong crush mo iba ang pinapansin hayssssss.
Devon:Lalim noon fretz hindi ko kayang hukayin hehehe.
Fretzie:Maiba lang tayo ano pang sinabi sa'yo ni Sam ng tumawag sya kanina sa'yo.
Devon:Nagwoworry daw sya sa akin tapos humingi sya ng sorry dahil nadamay daw ako sa
tsismis sa kanilang dalawa ni Enrique.Pero ang sabi ko wala namang may kagustuhan sa
nangyari kaya huwag na nyang isipin ang mahalaga naman alam namin ang totoo at iyon
ang mahalaga.
Fretzie:Wow DEvs hanga ako sa'yo kasi lahat naiintindihan mo pero tama ka walang may
kagustuhan ng nangyari.Inlove ka na ba kay Sam kasi habang nagkwekwento ka kumukislap
ang mga mata mo sabagay sino pa namang hindi maiinlove sa kanya pero sana handa ka rin
sa mga bagay na walang kasiguruhan dahil hindi natin alam baka may nililigawan sya kaya
habang maaga alam mo kung saan ka nakalugar sa buhay nya.
Devon:Ewan ko fretz hindi ko masabi sa ngayon kung naiinlove na ba ako sa kanya basta ang
alam ko masaya ako noong nakasama natin sya tapos nga diba binigyan nya ako nito (Sabay
hawak sa binigay sa kanya.) Hanggang ngayon nalilito ako kasi hindi ko talaga alam kung
anong reason talaga nya kung bakit nya ako binigyan.Kung bilang fans lang nya dapat mayroon
ka rin diba pero bakit hindi ka nya binigyan maski si Enrique at Ivan walang binigay sa atin.