Chapter 4

6 1 0
                                    

Chapter 4

"250 po lahat."

Mabilis Kong binuklat ang wallet ko upang kumuha ng pera. Pero mapangiwi nalang ako nang makitang kulang na ang pera ko. 120 nalang ang natitira kong cash, mukhang kakailanganin ko pang mag widraw. Pero paano tong mga binili ko?

"Pakisama nalang to sa mga babayaran ko."

Napahinto ako sa pagtitig sa wallet ko dahil sa narinig na sinabi ng lalaking costumer sa gilid ko. Tiningala ko ito at ainubukang aninagin ang mukha. Pero dahil baka face mask ito ay hindi ko makita. May shot rin itong salamin at baseball cap. Overdressed? hindi naman masyado. Napamaang ako nang binayaran nya talaga ang mga binili ko. Matapos mabalot ay inabot pa nito mismo sa akin.

"here"

"Salamat, babayaran ko. Pero kailangan ko pang magwidraw, okay lang ba sayo ang maghintay?"

Hindi ako nito sinagot pero hindi rin naman ito umalis sa kinatatayuan. So maybe it's a yes. Mabilis akong naglakad palabas ng 7/11 at naghanap ng malapit na ATM machine. Panama baka pa akong lumilingon sa likod para siguraduhin kung nakasunod paba ito sa akin o hindi.

"Wait lang ah?"

Ani ko dito saka binilisan ang kilos ko. Kailangang mabayaran ko sya, nakakahiya kasi sinalo pa nito ang dapat na babayaran ko. Napabuntong hininga ako nang matapos. Agad ko syang hinarap pero wala na akong naabutan.

Teka umalis na? Naisip ba ito dahil napakabagal ko? Sinubukan ko na namang bilisan ang kilos ko ah.

Nagpalinga linga ako sa paligid sa pag aakalang makita ito, pero wala akong nahanap.

"Nakakahiya---ayy!"

Halos lumipad ang shot Kong palda dahil sa bilis ng pagdaan ng kotse sa harapan ko. Mabuti nalang ay napigilan ko agad ang pag angat nito, kung hindi ay baka nilamon na ako ng sobrang kahihiyan. Mabilis na sinundan ko ng tingin ang parehong sasakyan na naencounter namin nila Nikka at Athena sa labas ng Campus. Hindi naman talaga ako sigurado kung ito rin ba yung sports car nayun pero tatandaan ko na ang plate number nito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Nikka nang mahulog ang ice cream nya.
----

"Magandang hapon po ma'am Lina."

Ngiti lang ang isinukli ko sa kasambahay na naabutan kong nagdidilig ng mga halaman sa harapan ng bahay. Naninibago parin ako sa naging bahay na inuuwian ko. Hindi ko parin nasasabi ang mga ito kina Athena dahil ayaw kong mag alala sila ng gusto sa akin. Hindi parin ako handa na sabihing may asawa na nga ako. Sandaling nagawi ang mata ko sa garahe dahil may panibago kasing kotse na dumagdag. Nagsalubong ang kilay ko at halos umawang ang labi nang mapansin ko ang pamilyar na sports car. Binasa ko ang plate number at napag malamang ito na mga ang kotseng halos isumpa ko na kanina. Kanina to?

"Ma'am Lina, pumasok na po kayo at baka kayo'y mahamugan."

Kunot noong pumasok ako sa loob ng bahay para lamang mapatalon sa gulat nang mabungaran ko ang isang lalaki na natutulog sa sofa. Sya na ba si Mr. Aragon? Ang asawa ko? Napasinghap ako nang bigla itong magmulat ng mata.

"Enjoying the view?"

Namula ang mukha ko sa hiya dahil nahuli nya akong tinititigan sya. Umupo ito sa sofa at nag inat inat. Badboy ang dating nito dahil sa suot nitong putting sando, itim na leather jacket at black tattered jeans. Idagdag pa na baka top knot ang medyo may kahabaan nitong buhok. Napaatras ako sa gulat nang tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin. Napasandal na ako sa pader dahil sa ginawa nitong paglapit. Dikit na dikit ang katawan nito sa akin na nakapagparamdam sa akin ng pagkailang. Amoy na amoy ko ang panlalaki nitong pabango, hindi matapang ngunit ang sarap singhutin.

"So you're the wife huh? Not even pretty at all."

Nanindig ang balahibo ko dahil sa ibinulong nito sa mismong tenga ko. Matapos ay tumayo ito ng tuwid at namulsa. Sino ba itong lalaking to? Kung makapagsalita sya ay parang hindi sya si Mr. Aragon--ang asawa ko. Kung sakaling sya man ito, napaka layo sa itsurang inaasahan ko.

"W-Who are you?"

Tinaasan lang ako nito ng kulay bago ako tinalikuran. Pinanuod ko lang sya nang magsimula syang tinungo sa staircase pero nakakatatlong habang palang sya nang lingunin nya ako.

"It's for you to find out."

Suplado! sino ba sya?


To be continued...

Forced MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon