Chapter Four

745 50 7
                                    


Wala pang alas-nuwebe kinabukasan ay nasa daan na si Tori. Sakay siya ng isang tricycle papunta sa ginagawang phase three ng Gabriella Village, ang housing project na pinagtutulungang buuin ng FDI at ng lokal na pamahalaan. Her brother suggested that she check out the place to familiarize herself with what the local government has been up to so far. She was just more than excited to do it.

Bukod sa interes niya sa naturang proyekto ay gusto rin niyang makita talaga kung ano ang mga ginagawa ng FDI. So far ay impressed siya sa mga nakita na. Nadaanan ng tricycle ang dalawang naunang phase ng village na malayo ang itsura sa karaniwang housing projects na sobrang simple at generic. The projects were artfully landscaped, there were tall trees and flowering shrubs all over. The villages look more like tourist attractions than simply a community for farm workers.

Inihinto siya ng tricycle sa tapat ng isang malaking gate. Hangang doon na lamang daw ito puwedeng maghatid dahil ang maari na lamang pumasok sa village ay private vehicles at mga delivery trucks ng construction supplies.

Sinimulan niya ang paglalakad. She really didn't mind walking. Nagsuot lang siya ng baseball cap upang hindi nililipad ng hangin ang buhok niya. Napansin niyang may ilang unit ang tapos na at papalitadahan na lang.

Still far ahead, she saw rows of houses slowly being built by groups of people. Nagtaka siya nang mapansing pamilyar ang ibang mga nagtatrabaho doon. Paglapit niya ay lalo siyang nagtaka dahil mga trabahador din nila sa bukid ang mga iyon. Agad na binati siya ng mga ito.
She wondered what was going on.“Kanina pa kayo dito?” tanong niya sa isang naghahalo ng semento na nakilala niyang isa sa mga katiwala sa palaisdaan nila na si Joseph.

Nakangiting tiningnan siya ng lalaki. “Kanina lang mga alas-ocho. Eight to five ang duty namin dito kapag Martes at Huwebes, volunteer work pero binabayaran kami ni Kuya Vince. Kapag Miyerkules at Biyernes, ibang batch naman ng taga-farm.” imporma nito na nahalata yata ang pagtataka niya.

“Oh...” napatangu-tango siya. “Ayos iyan. Alam mo kinabahan ako, akala ko, nag-mass resignation na kayo sa farm at lumipat kayong lahat dito.”

Natawa si Joseph. “Bakit namin gagawin iyon? Sobrang suportado ng pamilya mo itong mga housing projects dahil karamihan sa amin, sa village na nakatira. Mamayang hapon, magdadala ng pang-merienda para sa lahat sina misis, libre iyon ng Ate Vera mo sa tuwing  nandito ang mga taga-farm. Yung tanghalian naman, si Rui ang may sagot.”

Natutuwang napatangu-tango siya. “Ngayon ko lang nalaman. Mabuti iyan na tulung-tulong pala ang lahat para mabuo ang project na ito.”

iginala niya ang tingin sa kapaligiran, sa ibang mga nagtaatrabaho. Noon niya napansing karamihan doon ay kakilala pala niya, o pamilyar sa kanya. Sa di kalayuan ay nakita niya si Rui na nagtatrabaho din habang animated na kausap ang ilang kasama nito. The man looked glorious even in a simple gray shirt and pants as he helped in laying down cement blocks.
Ilang saglit niya itong minasdan muna sa ginagawa, bago nagsimulang maglakad palapit. “Good morning!” she said to no one in particular as she looked at Rui's group. Ngumiti at tumango ang ibang kalalakihan sa kanya at bumati rin. Samantalang si Rui ay sumulyap lang, bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Lumapit pa siya dito. “Ngayon ko lang nalaman na volunteer workers mo pala ang ibang mga tauhan namin. Natutuwa akong hinayaan mo silang makatulong dito.”

“Welcome dito ang kahit na sinong gustong tumulong...” sabi nito bago napahinto, and added as if an afterthought. “...nang bukas sa kalooban at walang anumang ibang motibo.”

Pinili ni Tori na huwag pansinin ang tila patutsada nito, kung patutsada man iyon. She had no idea what he was trying to say. “Hindi ko rin alam na malaki din pala ang extent ng involvement ng mga kapamilya ko sa mga projects mo. Kanina ko lang din nalaman.”

RETURN TO ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon