Chapter Elevem

682 49 0
                                    

“Nasaan na iyong palagi mong bisita daw dito tuwing lunchtime? Iyong may mga alalay na naka-Expedition pa?” nakangising tanong ni Tori kay Rui habang nilalagyan niya ng ulam ang plato nito. Huwebes  at nag-volunteer siya na mamamahala sa lunch kasama ang isang grupo ng mga asawa, ina o kapatid ng ilang mga tauhan nila sa farm na volunteer din sa housing site.

Halatang nagulat ang karamihan nang dumating siya doon kaninang umaga kasama ang mga katulong niyang magluto at maghanda. Everyone must have been aware, somehow, of the tension between her and Rui the week before. Pero nang makita nitong nagkakasundo na sila ay halata rin namang natutuwa ang mga ito. Walang gaanong nagkomento o nagtanong, lahat ay tila inisip na lang na ayos na ang lahat sa kanilang dalawa.

Which is good, really. Pareho silang kilalang personalidad sa kanilang bayan at sa tingin nila ay hindi tamang ipapangalandakan nila ang kanilang relasyon. They both have kept things low-profile since Saturday. Lumabas lang sila noon kasama sina Laya at Reg, bago siya inihatid sa bahay kinahapunan.

Hindi nila naabutan doon ang mga Kuya niya dahil lumabas ito kasama ang pamilya. Ayos lang iyon dahil pakiramdam ni Tori ay masyado pa siyang windang noong Sabado upang ipagtapat sa mga kapatid ang lahat. Hindi sila nagkita ni Rui noong linggo, dahil may kani-kaniya na silang naka-schedule na lakad. Noong Lunes ay wala din silang plano, wala silang napag-usapan, kaya nagulat siya nang paglabas ng opisina ay makita niyang naghihintay ito.

They had dinner and he took her home. Muli ay hindi niya naabutan ang mga kasama sa bahay dahil karaniwan nang ginagabi ang mga ito. Ganoon din ang eksena nila hanggang nang gabing nagdaan. It all felt so normal, so right, just like how it all was seven years ago. Maybe much better.

Tori loves how Rui's eyes sparkle now whenever he looks at her, na parang masayang-masaya ito. She loves all those stolen kisses they would share when no one was looking. Parang walang nangyaring hindi maganda sa kanila dati. Parang bago ang lahat, parang noon pa lang siya nai-in love. And yet, everything felt good and wonderful... almost perfect.

“Bakit mo hinahanap si Belle? Nami-miss mo yung kotse niyang kulay patay na kuko?” tanong ni Rui bago pinira-piraso ang bagnet na inilagay niya sa plato nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Curious lang ako. Baka naman ikaw ang nakaka-miss dyan. Wala nang mala-diyosa ang ganda na rumarampa sa harap mo.”

Maluwang na napangiti ito. “Narito ka naman so aanhin ko iyon?” mahinang siniko siya ni Rui. “Were you, by any chance, jealous?”

Tiningnan niya ito ng mataman. “Nagseselos, hindi. Dahil halata din naman na hindi kayo. Pero na-insecure ako doon. Sobrang ganda!” pag-amin niya, bago sumubo.

Nangunot ang noo ng kausap niya. “Bakit ka mai-insecure doon? She always looks like she exerts too much effort in looking like that. Mas maganda iyong simple lang, iyong face powder at lipglos at kaunting suklay lang ng buhok, maganda na. Iyong kahit mukhang nakapambahay lang lagi, ang sarap pa ring tingnan.” he then smiled.

She rolles her eyes. “I wasn't fishing for a compliment, Rui. Seryoso, na-iInsecure ako kay Belle in the same way na na-iinsecure ako sa kahit sinong magandang babaneg dumidikit sa iyo dati pa. I have always thought you're too good-looking for me, and that I wasn't attractive enough. Kaya nung magtapat ka dati, kulang na lang gumulong ako pababa ng bleachers sa gulat. You were always surrounded by our beautiful batchmates I was readying myself to hear you say you have fallen for one of them.” kuwento niya.

Naiiling na pinisil nito ang ilong niya. “Instead, you found out I have fallen for my pretty bestfriend. Iyong hindi natatakot sa gagamba. Iyong kayang makipaghabulan sa pilapil at hindi nag-aalalang mahulog sa putikan. Iyong nakaka-one on one ko sa basketball at minsan natatalo pa ako. Iyong kaya akong tingnan nang diretso sa mga mata kapag kausap niya ako.”

Napakurap lang siya. Hindi niya inaasahang maririnig iyon dito, habang nasa kalagitnaan sila ng pananghalian at magkasalo sa isang mesa sa ilalim ng puno. Masuyong ngumiti siya dito. “Hindi ko naman talaga inaasahan iyon. Masyado ka kasing guwapo, na makukuntento na lang sana ako bilang sidekick mo na nagkataong in love sa iyo.” natawa siya sa sinabi.

“Sidekick? Ikaw?” natawa ito. “You're probably the prettiest sidekick then. Saan ka nakakita ng sidekick na long hair, maputi at makinis ang balat, at mukhang Celtic princess?” muli itong napailing. “Give yourself more credit, Viktoria. Hindi ko alam kung saan mo pinupulot ang standards mo ng maganda, o kung sino ang karapat-dapat mahalin. Kung saan man nanggaling iyon, then ang swerte ko pala dahil pumasa ako sa panlasa mo. Ang guwapo ko pala, no?”

Tori grinned. “Naman!” gusto niya itong yakapin at halikan right there. Rui looked downright adorable. “Ang daming puwedeng mahalin sa iyo, hindi lang dahil guwapo ka.” she tilted her head and looked at him. Rui was trying to be nonchalant about it but a blush is now slowly creeping up. Kating-kati siyang punahin iyon, ngunit pinipigilan niya ang sarili. Ine-enjoy pa niya ang full blast flirt mode nila.

“And it's the same thing here, Viktoria. Maraming dahilan kung bakit minahal kita, at maraming bagay ang karapat-dapat mahalin sa iyo. At hindi lang iyon dahil maganda ka twenty-four-seven, lalo na sa umaga.” he grinned. Madalas siyang makita nito noon dati na bagong gising at magulo pa ang buhok sa tuwing susunduin siya sa bahay nila para gumala kung saan. Malalaki din daw ang mga mata niya pag bagong gising, parang ginulat na usa. Tori couldn't help smiling at his favorite way of describing her early morning look then.

“Mukhang masyado na tayong nagkakabolahan, Rafael Luis.” naiiling na sabi niya. “Ang gusto ko lang namang malaman ay kung bakit hanggang ngayon ay wala pa si Belle.”
Nangunot ang noo ng binata. “Because I told her I have a jealous grilfriend. At magaling siyang sumuntok dahil idol si Pacman,” he grinned.

“What? Sira ka! So hindi naging kayo ni Belle?” sa wakas ay naitanong niya.

“Hell, no!” Umiling nito.

“But she's beautiful.” dagdag pa ni Jamie.

“Viktoria, ipilit mo pa iyan and I will kiss you right here.” natatawang sabi ni Rui. Inilapit nito ang mukha sa kanya. “I'm serious.”

Tori heard a little commotion from afar, but Rui was too near she couldn't turn her head to check. Sa halip ay nakipaglaban siya ng titigan dito. “You wouldn't dare.” babala niya dito.

“Tori? Rui?” malakas at tila hindi maipaliwanag na tawag ng kung sino. It was a booming man's voice, which didn't sound mad, but more of surprised.

Pakiramdam ni Tori ay nanigas ang buong katawan niya. Tumingin siya sa tumawag sa kanila, at nakitang curious na nakatingin sa kanila ang Kuya Vince niya. Curious, and yet there is some sort of weariness in his eyes.

RETURN TO ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon