Hindi mapakali si Tori sa kinauupuan. Naroon sila sa viewing deck ng bahay na ipinapagawa ni Rui. Dalawang taon pa lang simula noong una siyang dinala doon ng kasintahan ngunit malaki na ang ipinagbago ng lugar. Katatapos pa lang ng binata sa kurso nito ay na-promote na agad sa mas mataas na posisyon at nabigyan ng malaking salary adjustment. Tuloy ay naipagawa nito hindi lang ang bahay ng pamilya kundi naumpisahan na rin ang pagpapatayo ng bahay sa lupang binili nito.He started with that spaciouse viewing deck which he intended to have a connecting bridge to the main house. Mayroong isang elaborate table set-up doon, at katatapos lang nilang maghapunan. Ngayon ay pinagsasaluhan nila ang isang tub ng ice cream bilang dessert. Rui had a lot of stories to tell. May dalawang linggo kasi silang hindi nagkita bago ang gabing iyon, dahil may dinaluhan itong conference habang siya naman ay naging abala sa trabaho bilang reporting officer sa isang international finance organization.
Naging abala din siya sa paghahanda para sa mga kukunin niyang law aptitude exams sa UP, Ateneo at San Beda. Rui didn't know about those. Hindi niya iyon masabi-sabi dito, kahit alam niyang anuman ang plano niya ay susuportahan ng binata. She really has made up her mind, she will go to law school. Hindi iyon dahil lamang sa pagtupad sa sariling kagustuhan kundi dahil nakatali siya sa isang obligasyon sa kanilang pamilya.
Kinausap na siya ng kanyang ina, tiyuhin at nakatatandang mga kapatid na kung maari ay huwag muna siyang magseryoso sa kanilang relasyon ni Rui. Kahit ang relasyon nila ay nag-umpisa noong kapwa pa sila nasa high school, her family thinks that her being twenty-one, and Rui being only twenty-two, is still quite young for something as serious as planning their future together.
Alam ng mga ito na bumili na ng lupa ang binata at kasalukuyang pinatatayuan iyon ng bahay. Her family loves him but they just don't want her to settle down, not yet. Not in the next several years at least.
Bata pa lang siya ay alam na niyang may future siya sa larangan ng pulitika. Kung mayroon man sigurong miyembro ang kanilang pamilya na pinaka-well-loved ng kanilang mga kababayan, iyon ay ang kanyang lolo, ama at siya. But both older men have already died. Ang kanyang Kuya Vince ay nasa unang term nito bilang mayor ng San Diego, at balak iyong gawing tatlo sa susunod na mga eleksyon.If things go well, maaring siya na ang susunod sa yapak nito. But first, she has to arm herself with the necessary education and experience. At the same time she wanted to expose herself to the ins and outs of running her hometown. Even before, she knew her life as a future leader has already been mapped out.
The thing is, she never expected she'd have Rui. He, who have patiently waited for her to come home every other weekend in that quaint, coastal town of San Diego in Ilocos Norte. He, who listened to her woes, who always supported her, his entire life almost practically revolved around making her happy. She had always known that she truly deeply loved her, and she loved him, too.
Ngunit hindi niya kayang basta talikuran ang mga pangarap at ang obligasyon sa pamilya.
She looked at the man in front of her, and at the huge bouquet of carnations and stargazers in varying colors... she knew him too well. Alam niyang may plano ito para sa gabing iyon. He looked really happy and excited. She knew that he is about to propose.
And she's about to say no and break his heart.
BINABASA MO ANG
RETURN TO ME (Completed)
Storie d'amoreRui stepped closer, and snaked a hand around her waist. Pakiramdam ni Tori ay may sasabog na yatang major artery sa puso niya. Why is he holding her like this? And why on earth did he ask that question? "W-why?" He smiled. Iyon ang kauna-unahang p...