“Kain pa, Tori. Marami pang kanin at ulam o!” alok ni Manang Gemma nang mapansin nitong nakatayo na siya. Isa ito sa mga may-ari ng bahay sa Gabriella Village at ang nakatokang mamahala sa pagluluto ng tanghalian para sa araw na iyon.Ngumiti lang dito si Tori bago hinimas ang tiyan. “Manang, nakatatlong pinggan na ako. Gustuhin ko mang kumain pa, wala nang paglalagyan. Ang sarap kasi ng adobo at chopseuy nyo.”
Natawa lang ang babae sa sinabi niya. “Dapat lang na kumain ka ng marami dahil ang payat mo. May minatamis na saging at cassava doon. Kumuha ka na lang ha.”
Tumango siya, bago ibinaling ang tingin sa grupo ni Rui na noon ay patapos na ring kumain. Nagkakasayahan ang mga ito habang kanya-kanya ng kuha sa lalagyan ng dessert. Tori marveled at how her former flame's eyes seemed to light up and sparkle whenever he laughs. She misses seeing that. She misses being the one to make him laugh.
Ngayon ay parang lagi na lang niyang sinisira ang mood nito base sa pagiging malamig ng pagtrato nito sa kanya. Parang ni hindi man lang nito ma-tolerate ang presensya niya. Kulang na lang ay sabihin nitong sana ay hindi na lang siya nagbalik.
Ikalawang araw pa lang niya ay tila nilinaw na nitong wala man lang impact dito ang pagbabalik niya. Pero wala siyang balak na basta sumuko man lang. She has other things to do besides trying to win him over, once again. She will focus on those, and at the same time, still do what she can to make sure Rui would eventually change his mind about her.
“Attorney, aalis na po tayo within fifteen minutes. Ililigpit lang po yung ibang mga gamit.” paalals sa kanya ng isang binatilyong volunteer ng FDI na kasamang nag-deliver ng mga gamit para sa tanghalian.
Ngumiti siya dito. “O sige, dito lang ako ha. May maitutulong ba ako?” tanong niya.
Umiling ito. “Naku, okay lang po. Kaya naman po namin ito. Basta ang bilin lang po ni Kuya Rui ay siguruhing maisasama daw namin kayo palabas nitong site dahil may iba pa daw po kayong appointment at mahirap kumuha ng sasakyan palabas.” sabi nito bago muling nagpaalam na.
Hindi makapaniwalang sinundan niya ng tingin ang volunteer, na noon ay nagsimula nang magligpit ng mga ginamit sa pagluluto. Then she looked at Rui, who was busy chatting with his men. Talagang siniguro nitong makakaalis siya agad sa site?
Rui, even if he hated anyone's company would never be so obvious in expressing his disapproval. Ito na yata ang pinakapasensyoso at diplomatikong taong nakilala niya. Hindi ito basta-basta gumagawa ng aksyon ng hindi nito pinag-iisipan ng matagal. Uso dito ang second chances. Hindi ito madaling magalit. He is one to always see the good in everyone, and everything.
And those are just a few of the things she loved so much about him. Bakit ngayon ay ibang-iba na ito?
Inaasahan niyang masama ang loob nito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahang ganoon ang magiging trato ng binata sa kanya.
Gusto niya itong lapitan at muling kausapin, ngunit ayaw rin naman niyang muling sirain ang mood nito. She was still enjoying seeing him smile and laugh as if she wasn't there.
“Hmmp, ayan na naman ang bruha...”
Napalingon siya sa narinig. Ang nagsalita ay isa marahil sa grupo ng mga babaeng tumulong sa paghahanda ng tanghalian na ngayon ay nagliligpit na. May kung anong tinitingnan ang mga ito.It was a shiny purple Jaguar that just arrived, kasunod ang isang mukhang bagung-bago ding Expedition. A group of men and women came out of the Expedition, carrying boxes. Habang sa Jaguar naman ay bumaba ang isang matangkad, sexy at napakagandang babae na nakasuot ng royal blue off-shoulder top, light denim shorts at high-heeled sandals. Nakalugay ang mahabang buhok nito na mukhang alaga sa treatment.
BINABASA MO ANG
RETURN TO ME (Completed)
RomanceRui stepped closer, and snaked a hand around her waist. Pakiramdam ni Tori ay may sasabog na yatang major artery sa puso niya. Why is he holding her like this? And why on earth did he ask that question? "W-why?" He smiled. Iyon ang kauna-unahang p...