Chapter Seven

715 45 2
                                    


“Nagkausap na ba kayo ni Rui?” tanong ng Kuya Vince niya habang umiinom sila ng tsaa sa sala. Ito at ang asawa nitong pediatric doctor sa isang pribadong hospital sa provincial capital ang kasama niya sa bahay.

Biyernes ng gabi at ngayon lang uli niya nakasalo sa hapunan ang dalawa  dahil kapwa abala ang mga ito. Malimit ay gabi nang umuuwi at maaga ring sabay na umaalis ng bahay.

It has been a hectic week for Tori. Hindi rin niya nasusunod ang ginawang schedule na may ilang araw lang siyang ilalaan para sa pagsisislbi sa public attorney's office. She ended up taking home some of the work particularly the ones she had to do for Rui and his team. Katatapos lang niya sa mga iyon. Dadalhin niya iyon kinabukasan sa headquarters ng FDI, ayon na rin sa napagkasunduan nila ni Laya na kausap niya kahapon lang.
She hasn't seen Rui since she visited the housing site. Itinuon muna niya ang pansin sa trabaho. She also found out that there was nothing going on between Laya and Rui, ayon na rin mismo sa babae na iniintriga pa siya kahapon lang tungkol sa posibleng reconcillation nila ng binata.

Tinawanan lang niya iyon. But she's relieved that Laya doesn't even see Rui 'that' way, and vice versa.
Tumingin siya sa kapatid.

“Nagkausap kami noong Lunes sa opisina noong pumunta siya kasama si Laya para sa ilang legalities sa mga beneficiaries ng housing projects. Puro tungkol doon lang ang naging usapan namin. Nakita ko rin siya noong nagpunta ako sa project site, pero hindi rin kami gaanong nag-usap dahil busy siya, at hindi naman ako nagtagal dahil may iba pa akong gagawin.” kuwento niya. She hated lying, especially about things being somewhat okay even if they're not. Ngunit ayaw na niyang mag-alala pa o bigyan ng iba pang iisipin ang kapatid.

Matamang tiningnan siya nito. “Kumusta ang trato niya sa iyo?”
She sighed. Well, so much for trying to hide the truth from a brother who's penchance in being sensitive of other's people's needs made him win a seat in the governemnt. “He was civil. Maayos naman. Medyo pormal pero mabuti na iyon kaysa umiiwas siya.”

“That's understandable, Tori. The man has moved on and started a new, much better life. Pero alam ko, kahit maayos rin ang pakikitungo niya sa amin, na nasasaktan pa rin siya sa tuwing maaalala ang nangyari sa inyo. Lalo pa ngayon, na nandito ka na uli.”

“Alam ko, Kuya. Naninibago lang ako. Hindi ko talaga alam, hindi ko nakita kung paano siya noong maghiwalay kami. Masyado akong naging busy na hindi ko man lang siya nagawang kumustahin, not that it would matter dahil hiwalay na din naman kami. But I never knew the extent of how much I have hurt him until now.” nilaru-laro niya ng kutsara ang mainit pang tsaa.

Napatangu-tango ang Kuya niya. “Give him time. At huwag mo ring i-pressure ang sarili mo. Alam mo ang dapat mong gawin pero huwag mong doon ituon ang lahat ng atensyon mo. Rui is his own man. Nobody can influence him to decide on anything. No one can talk him into supporting anyone, it was never necessary. Gagawin niya ang sa tingin niya ay tama. Susuportahan niya ang sa tingin niya ay nararapat. I know we told you you should make sure he's on our side, so we are ensured of his support when you decide to run when my term ends. Pero huwag mo namang puwersahin ang sarili mo, o siya, para doon. May oras at pagkakataon para sa lahat, Tori.”

“Alam ko, Kuya.” napailing siya. “Hindi lng siguro ako sanay na ganoon siya sa akin, kaya medyo nangangapa tuloy akong bigla ngayon.” she then smiled. “I know things will get better eventually. Bukas ay pupunta ako sa office nila para dalhin ang ilang papeles. Guess that's another opportunity so he would get used to my presence.”

Muli siyang tiningnan ng mataman ng kapatid. “Do you still love him?”

Hindi siya sumagot. Uminom lang siya ng tsaa.

“Maging maingat ka kung sa tingin mo ay maaaring may nararamdaman ka pa para sa kanya.” he sighed. “I feel bad that we might be putting that much pressure on you. Pero alam kong alam mo ang mga dahilan natin, Tori, ang mga prinsipyong kailangan nating ipaglaban, ang obligasyon natin sa bayang ito at ang pagpapanatili ng legacy nina Lolo at Papa. Pero huwag mo sanang kakalimutan ang sarili mo.” tumingin ito sa relo. “Magpahinga ka na. May lakad ka pa pala bukas.”

RETURN TO ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon