13

97 6 3
                                    

Ubas at gatas

Sobrang tinatamad ako ngayong araw. Ugh! Gusto ko pa talaga matulog. Kaso may exam daw kami. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at pinilit na bumangon.

Alas 8 na ng umaga. Wala pa din si Yonyon. Asan na ba yun? Mala-late nanaman kami. Exam pa naman din.

"Oh. Wala pa si yon?" Tanong ni Ate na kakababa lang. Mukang kakagising pa lang din. "Wala pa ate eh. Kanina pa nga ako nag aantay. May exam kami mamayang 8:30." Sabi ko. Kinuha ko muli ang phone ko at sinubukang tawagan siya.

8:15 na! Jusmeyo. Late na talaga ko. No choice na. Kung di mauna na talaga ko. Dali dali akong nag alsa balutan. Gamit, bag, pang p.e mamaya.. hmm. Wala nanaman siguro akong nakalimutan.

Pumara ako ng taxi. Pero nakakainis! Walang manlang humihinto. Mga to. Ang bad. Huhuhu. Naiiyak na ko. Late na nga ko! Biglang may humintong pulang kotse sa tapat ko. Di naman mukang taxi. Bumaba yung sa binta.

Shet. Ba't sa dinamidami pa ng tao, itong balahurang to pa?! Kainis. ''Hop in.'' Malamig niyang sabi. Hop-inin mo muka mo. Kainis. Lumakad ako paalis at sinubukan ulit pumara ng taxi. Sinilip ko ang aking relo. Jusko! Alas 9 na. Late na ko. Sobrang late. Hindi parin umaalis ang kumag na to. Bahala ka dyan! "Sumakay kana, steph!" aba't sinisigawan ako! "Hoy, kris! Umalis kana nga. Ayokong sumabay sayo. Alis!"

Binilisan ko ang pag lalakad ko. Akala ko hindi na niya ako sindan. Hinawakan niya ako sa aking mga braso. "Magusap tayo.'' Tinignan ko ang mga kamay niya na nasa braso ko. Inalis ko yon at tsaka nag salita. ''Pwede ba. Tantanan mo na ko. Wala tayong dapat pagusapan.'' Sabi ko at lumakad ulit palayo. ''Steph, please. Mag usap tayo.'' Nakakainis na tong lalaking to. Lalamutakin ko na pagmumuka nito. Tamo. Napairap nalang ako sa hangin at tinignan siya. Bumuntong hinga nalang ako at tumango. ''Oo, pero pwede ba na mamaya nalang? May exam tayo, diba? Late na tayo.'' Ngunit tinignan nya lang ako. Wtf galunggong. ''Hoy! Baba!" Aba't di pa din ako pinapansin. Bahala ka nga dyan. Umalis na ko. At sa wakas, may jeep na huminto.

Sa wakas at nakaraos din sa exam. Salamat sa napakabait kong prof at pinayagan pa din akong mag exam.

''Hoy! Kanina pa kita tinatawag. Di ka manlang nalingon.'' Si bruhildang yonyon. ''Nako ewan ko sayo! Galit ako. Heh.'' Sabi ko at inirapan siya. Kasi ba naman. Sabi ko gusto ko ng ubas shake yung madaming gatas. Kadiri daw un? Muka ngang masarap eh. ''Steph naman. San tayo kukuha ngayon non? Tss." Eh gusto ko talaga nun. Baby, san ba tayo hahanap ngayon nun? Uwi na kaya tayo? ''Oo na! Salamat yon ha. Uwi na ko. Text tayo mamaya. Bbye!!" Pag kapaalam ko umuwi agad ako.

Ay! Oo nga pala. Muwahahahahaha. Nag shake ako ng ubas kanina. Grabe ang sarap. Solb na kami ni baby nito. Nalala ko may check up nga pala kami bukas. Hay. Hanggang ngayon hindi pa alam ng pamilya ko na buntis ako. Napabuntong hininga na lang ako. Bahala na muna si batman.

"Hooy! Ang ingay ng phone mo. Kanina pa nag riring yan, hindi mo ba sasagutin.'' Si ate. Hala. Di ko napansin. Muni muni pa more. Teka sino ba to..

5 miss call unkown number
2 text message

Binuksan ko yung text. [ kailan tayo pwedeng magusap? ] [ please, sagutin mo yung tawag ko. ]

Si kris...

-
HELLO SA MGA READER KO. SOBRANG SORRY HA. BAWI AKO. PROMISE!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baby, I'm sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon