Wews...late na ko sa Unang araw ng trabaho ko. Kasalanan to ng mga siraulo kong mga kaibigan e. Nilasing ako e alam naman nilang may trabaho Ako kinabukasan.
Kasalukuyan kong binabagtas tong mahabang hallway ng building ng isang sikat na IT company dito sa bansa.
Nandito na ko sa 21st floor kung saan ang pugad ng mga computer experts. At dahil isa na ako don ay dito Ako itinapon ng management.
Walang nakapansin sa pagpasok ko dahil abala ang Lahat ng tao sa floor na ito sa kani kanilang ginagawa Merong may nakarahap sa computer at may ginagawang website at Kung anu ano pa. Meron namang may nag kukumpulan sa isang monitor na parang nagtutulungan sa isang gawain. Ang konpanyang ito ay nag ooffer ng sari saring serbisyo.
Hindi pa Ako makakaupo sa pwesto ko ay may tumawag na sa Apelyedo ko.
“ Ms. Clavero?”
Napatingin Ako sa tumawag sakin. Magkasalubong ang dalawang makapal na kilay nito.
Naagaw naman namin ang pansin ng ilang tao roon ang iba naman ay parang Walang narinig at tuloy tuloy lang sa pag trabaho.
Di pa nga ako nagsisimulang magtrabaho ay meron na agad akong kainitan ng dugo.
“ I don't tolerate late comers in this department... The company pays you to work on time with diligent... And this is your first day, you should at least impress the boses here with your skills not your attitude on time!!”
Mahaba habang sermon nya sakin. Nakayuko lang Ako habang talak sya ng talak kaya hindi ko nakita kung gano kasama ang mukha nya sa mga oras na ito.
Itinaas ko ang paningin ko sa kanya at ngumiti ng pagkalapad lapad.
“sorry po miss...”
Hinanap ko ang ID nya at Tiningnan kong sino ang pangalan nya.
“ Miss Dimalata, Hindi na po mauulit!”
Paghihingi ko ng paumanhin sabay yukod Pero ang totoo ay pinipigilan ko lang ang sarili kong tumawa. I hate myself dahil madali lang talaga ako patawanin.
“ I will let it go since it was your first time but I am reminding you...be on time!”
Saad nya sabay Alis. Tumayo ako ng maayos at bumalik sa pwesto ko. Hayz... Tinatamad tuloy akong magtrabaho.
***********************************
“ hello?”
“did you eat your lunch already?”
Malambing nyang tanong sakin. Napangiti naman Ako.
“ yeah! Kakatapos ko Lang po. Ikaw ba?
“ done too!! Anong oras out mo?”
“alas singko, Bakit?”
He chuckled. Napangiti ako sa katangahan ng tanong ko.
“ I'll Fitch you, we're going on a date later babe”
Napangiti ako ng malapad, segurado akong namumula narin ang mukha ko sa sandaling ito.
“ just send me the address at magkita nalang tayo don”
He groaned, tanda na hindi sya pumapayag sa gusto ko. Pero I'm the boss kaya walang magagawa ang isang to.
“ no! I'll Fitch you, simula nong nagtrabaho ka di ka na nagpapahatid sundo sakin, I wonder why?”
Natahimik ako sa sinabi nya. Isang buwan ang Lumipas at Naging OK naman ang trabaho ko dito, at sa isang buwang yon ay Hindi narin Ako nagpapahatid sundo sa boyfriend ko. Nagdududa na talaga sya sakin. Lalo pa at hindi nya rin alam kung ano at saan ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
ContoHERE'S THE COLLECTION OF MY OWN ONE SHOT STORY HOPE YOU SUPPORT IT WITH A STAR 💕