Kasalukuyan akong nakahiga sa maputing buhangin ng isla na ito. Tahimik at walang katao-tao. Walang sigawan at ingay mula sa realidad. Natatakpan naman ang mukha ko ng lilim mula sa puno ng buko. I suddenly want to swing and relax in a hammock.
So I imagine a hammock that is tied between this two coconut trees. Dahan dahan akong naglakad papunta dito at umupo. Bakas pa sa paa ko ang maputing buhangin galing sa isla na ito. I divert my gaze into the crystal clear water of the ocean. I wish all of this was true. Or maybe kahit hindi ganito kapayapa basta ay tahimik at walang ano man na gulo.
The scourging of the water and the sound of the birds is like a music to my ears. Masyadong tahimik but not in the point that its scary. After some time my boredom stikes.
Kung sa iba ang pagtulog ay pahinga at walang kung anumamg bagay ang tumatakbo sa isipan. Well, ganoon din naman sa akin.
Medyo may pagkakaiba nga lang.
Habang nakagduduyan ay naisip kong pumunta sa siyudad. Ilang segundo ang nakaraan ay nakatayo na ako sa gitna ng nagtataasang gusali. Naalala ko tuloy noong unang beses kong naranasan ang ganito. Bata pa ako noon at nasa ikalawang baitang. Halos magpanic ako dahil sa kaba at mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. That night, my mind starts to had an idea and imagine many negative thoughts. What if humanoid is here? That question is one of the example my mind thinking the first time I experience this.
Simula noon ay gabi gabi ko na itong nagagawa. At dahil bata pa ay nalibang akong gawin ang bagay na ito. Noong una ay hindi pa rin ako makapaniwala. But after all these years, here I am enjoying every night with no trace of fear. Sa ilang taon kong ginagawa ito ay nasanay na ako. Isa ito sa mga bagay na nakakatulong para matakasan ko ang reyalidad kahit sa sandaling panahon.
Before I go here in the city I imagine this to be dark just like what the night in the actual city is. Ang simoy ng hangin ay malamig. May ilaw din ang mga gusali na siyang nagbibigay liwanag sa kalsadang dinadaanan ko.
Lumiko ako sa isang pasilyo at bumungad sa aking ang isang convenient store. As usual ay walang tao dito. Sa dinami dami ko ng karanasan sa gawaing ito ay minsan na rin akong nakakita ng iba pang katulad ko na nakakagawa ng bagay na ito. Ngunit madalang pa sa madalang na makasalubong o makakita ako ng kagaya ko.
Mabibilang lang sa kamay ang mga beses na iyon. Ang iba ay baguhan kaya't bigla ding nawawala. Im not even surprised if they are popping out suddenly, then leaving again. For a first timer na maraming katanungan sa isip ay mahirap ang manatili sa isang lugar. One of the reason why its not easy to find someone like me na nag gagala sa mundong ito is because it need specific information from me and to the other person.
Kung ang nasa isipan ko ay beach na maraming puno at mainit ang sikat ng araw at kung ganoon din ang ini-imagine nang isa pang katulad ko ay hindi malayong magkita kami sa parehong lugar. But it's quiet impossible for many lucid dreamers like me to gather in one place.
Akmang papasok na ako sa loob ng convenient store ng may mahagip ang mata ko na isang bulto ng lalaki. Nakaputi ito na t-shirt at isang black na pang ibaba. More like a casual attire. Maayos ang pagkakahawi ng buhok nito sa isang banda at may kaputian ang kutis ng balat.
" Who are you?" iyon na lang ang nasabi ko at humakbang ng isa pang beses palapit sa kaniya. Wala man akong maaninag sa mukha nito ay hindi naman ako nakaramdam ng takot. Hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil sa hindi malamang nangyayari ay nasisigurado kong maamo ito. Its like his face is blurred, really blurred.
Lumipas ang ilang segundo ay wala akong narinig na sagot mula dito. Ilang hakbang na lang din ang pagitan ko sa kaniya. Nasisigurado kong hindi siya katulad ko. I dont know but I really just had this feeling that he's different. Na hindi siya katulad ng mga lucid dreamers na minsan ko ng nakita.
![](https://img.wattpad.com/cover/226441307-288-k373905.jpg)