Idinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang isang kuwarto. Maayos ang mga bagay sa kuwarto na ito. It looks organized at halatang madalas ayusin ng may ari. Alam kong hindi ko ito kuwarto and wala akong kakilalang may ganitong kuwarto. Lahat ay bago sa aking paningin. Sandamakmak na tanong ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Wala akong maalala. Basta ang alam ko ay natulog ako at..at..tapos..ay...hindi ko na alam!
Nasaan ba ko? It looks like a hotel. Hindi man ako nakakapunta sa mga mamahaling hotel ay nakita ko na naman ito sa internet. Iba talaga ang epekto ng teknolohiya. Itim ang kurtina at halatang mamahalin, hinawi ko ito ng kaunti at bumungad sa akin ang nakakalula na tanawin. I step backward in fear. I have phobia in high places kaya't maganda man ang rooftop sa school namin ay hindi ko kailanman sinubukang pumunta doon.
Im afraid of heights but the truth is Im afraid to fall down. Napaisip na lang ako kung paano ako napunta dito. Is this one of my dreams? Imposibleng mapunta ako dito. Ang huli kong natandaan ay nasa school ako kaya't paanong napunta ako dito? Muli kong hinawi ang kurtina but this time I manage myself not to look down. Mataas ang puwesto ng kuwarto na ito at kaunti lang ay ulap na ang bubungad dito. Ganoon ito kataas.
Last time I checked in the internet ay Burj Khalifa ang pinakamataas na gusali sa buong mundo. Maybe nananaginip ako ngayon at naisip kong pumunta dito? That's possible. I closed the curtains and start to relax my mind. I need to wake up. Hindi ito ang oras para matulog.
Lumipas ang ilang segundo ay wala pa ring nangyayari.
"What's the matter!" napabuga na lang ako sa hangin. I tried once again. Its near impossible if Im trapped in my own dream. Its not possible. We are the one who controls our mind. Maliban na lang ay kung hindi ito panaginip? Sa ngayon ay wala pa akong maisip na ibang dahilan maliban sa mga naiisip ko kanina. There's only two factors I know right now, maybe im in a dream or im not.
Umupo na lang ako sa kama ng wala pa ring nangyari sa pangtalong beses kong pagsubok.
" Who. are. you?" my eyes widen in shocked. Malamig ang tono ng pananalita nito at may diin ang bawat salita. But what Im scared of is the metal in my neck. But, bakit ako matatakot panaginip lang ito and maybe kung mamatay ako ay makakabalik na ako sa realidad. Bumagal ang paghinga ko ng maamoy ko ito. Mabango at lalaking lalaki ang dating, but not in the point na nakakahilo ang amoy.
Halos karamihan sa kababaihan ay attracted sa amoy ng isang lalaki. And masasabi kong isa na siguro ako doon.
" Sige, patayin mo ko." takot man ay hindi ko ito pinahalata. I do not move a bit dahil kahit sino man na nasa posisyon ko panaginip man o hindi ay matatakot mamatay. Narinig ko ang paglunok ng lalaking nasa tabi ko. Hindi ko rin maigalaw ang ulo ko para makita ito dahil baka madaplisan ako ng kung ano mang nasa leeg ko at mamatay na talaga ako.
"Paano ka nakapasok sa kuwarto ko?" bahagya ng kumalma ang boses nito kaya't nakahinga na ako ng kaunti. Dahil sa kuryosidad ay dahan dahan akong lumingon dito. Im halfway but he stopped me.
" DON'T YOU DARE MOVE! I'll cut your head and I meant it." napaigtad ako ng sumigaw ito. Malakas at umalingawngaw ang boses nito sa apat na sulok ng kwarto. Ilang segundo kong pinigil ang hininga ko ng magsalita ito ulit.
"Now, Im asking you again, paano ka nakapasok sa kuwarto ko?" his stern voice is giving me chills.
" magsasalita ka ba o gigilitan na kita? " walang halong biro na sabi nito
"-I-I d-dont know! Its true! I really don't know!" I answered in frustration. Halo halo ang nararamdaman ko kaya't hindi ko napigilan ang pagtaas ng sarili kong boses. Sigurado akong kung makikita ko lamang ang sarili ko ay bagong emosyon ang mababakas dito.