[WARNING: Grammatical and Typographical Errors ahead]
(This is unedited story!)
-----
CHAPTER 01
QUIEL RIN FAUSTIN's
Some people tend to hate us without any particular reason. Some people will hate you because you're you. And some people will hate you because of their own perceptions.
May mga tao talagang, wala ka pa mang ginagawa naiinis na sa presensya mo, makita lang nila anino mo, nag-aapoy na sila sa galit sa'yo.
And there you are, you have to act like you didn't care at all.
But I do care, it hurts me alot.
-----
NAKAMASID lamang ako sa mga estudyanteng patuloy na lumalabas sa silid-aralan, katatapos lang ng isang klase. Tanghali palang pero makulimlim na ang kalangitan na parang anumang oras ay bubuhos ang isang malakas na ulan.
Siguro kung may mga kaibigan din ako, ganito ako ka-excited tuwing lalabas ng silid na ito. Lalabas na nagtatawanan, may kakwentuhan, nagpaplano ng gala kung saan. Pero bilang ako, bilang si Quiel hindi gano'n kadali ang humanap ng kaibigan.
I used to had a lot of friends but it seems like 'nothing lasts forever'. Mayroon lang akong isang kaibigan, a friend who never leave me. 15 years ago when I was just 5 year old.
That was the first time we met, and that was the first time that I cried infront of unfamiliar face. The first bestfriend I ever had.
Pagkalabas sa silid ay agad na akong dumiretso sa cafeteria. Ito ang unang pagkakataon na kinausap ako ng kaibigan ko dito sa loob ng campus para lang sabihin na kailangan kong magpunta sa cafeteria pagkatapos ng mga klase ko.
Pagkarating sa entrance ay saglit kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria. Madami dami ang mga estudyanteng narito. Sa hindi kalayuan namataan ko siya kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.
Yes, magkaibigan kami mula pagkabata pero hindi ibig sabihin no'n na sa'kin na iikot ang mundo niya. Syempre makakahanap at makakahanap parin siya ng ibang kaibigan. Ganun lang siguro kahirap para sa isang tulad ko ang makipag kaibigan. I'm always scared of people.
Pang pitong table ang sa kanila, tahimik akong naglakad papunta sa pwesto nila.
Pero napatigil ako sa paglalakad ilang dipa mula sa kanila dahil sa di inaasahang pagtatama ng aming mga mata, Sino 'tong lalaking 'to? Ako ba ang tinititigan niya? Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko para siguraduhin kung sa akin nga siya naka tingin at sigurado akong ako nga, parang isang matalim na bagay ang pagtitig nito na anumang oras ay ikamamatay mo sa takot.
Nasa pang pitong table din siya sa table kung nasaan ang kaibigan ko, should i go? or should i left?
When he notice that I staring back at him, siya na ang unang nagbitaw ng tingin.
Sa paglapit ko hindi agad nila ako napansin, even my bestfriend dahil nakatalikod siya sa'kin. Nabalik ang mga mata niya sa'kin ng lumapit ako sa kanila, with those confusing eyes.
"YAH! I think kuya Ispen is ampon hahaha!" Tatawa tawang saad ng babaeng may bangs habang itinuturo pa ang lalaking kanina pa napakasama ang tingin sa'kin. They didn't even sense that I'm here.
"Tinatakwil ka ng kapati-" the guy with eye glasses who's teased the guy who's still looking at me. "Nakatulala ka nanaman dude" sinundan nito nang tingin ang mga mata ng lalaki na para bang may sinulid na nagdudugtong sa akin at mata nito. When his eyes landed on me, "Huh?"
BINABASA MO ANG
Unprecedented Kismet (on-going)
General FictionIt is a story of six different people with their own dreams, the innocent youth who know nothing but their dreams. Magkakaibang tao na pilit ipinagdudugtong ng natabunan nilang nakaraan.