CHAPTER 05

4 0 0
                                    

[WARNING: Grammatical and Typographical Errors ahead]

(This is unedited story!)

-----

QUINIZEN GEL ASTRANDE

"Nasa'n si Owen?" Bungad ni Spencer. He knows that Yuwen didn't like that name pero sige lang sila-- kami sa pagtawag no'n.

Pinanuod ko siyang naupo sa tabi ni Quiel. These days, Quiel always wear an earphone. Hindi ko napansing mahilig pala siya sa musics.

Kumagat muna ng pizza si Aesop bago sagutin ang tanong ni Spencer "Nasa Hydraulics class pa, alam mo namang subsob ngayon si Yuwen para maka-graduate."

"Si Chie?" Spencer asked again.

"Babalik din daw siya ka'gad. Teka, tanungan ba ako ng mga nawawalang Pokémon?" Napatigil si Aesop sa pagkain at liningon akong naka-kunot ang kaniyang noo. "Bakit ba ang tahimik mo?" Tanong pa niya sa'kin.

Kusang umikot ang mata ko sa kaniya "Ano namang sasabihin ko?"

"Tsss, mabulok sana 'yang ngala ngala mo." What!? Mabulok ang ng-ngala ngala?

"A-ano!? Nababaliw ka--"

"Kumain ka na?" Muli akong napalingon sa gawi nila Ispen nang marinig ko ang tanong niya sa katab. Nanliit ang dalawang mata ko sabay sulyap kay Aesop na tuloy tuloy sa pagkain, seems like na wala siyang napapansin sa dalawa.

Quiel nodded "Kanina pa." Sagot pa niya pagka-tanggal sa earphone. "Ikaw kumain ka na, may klase pa tayo."

Totoo pa lang nakiki-seat in si Spencer sa isa sa mga subject ni Quiel.

Habang tinatanaw silang dalawa ay may namumuong posibilidad sa utak ko na nakakasakit lang sa damdamin ko. Dapat nga ba akong masaktan kahit na alam ko na ito una palang? No'ng makita ko ang litrato ni Quiel sa cellphone ni Spencer nagalit ako dahil nagselos ako.

Pero ngayong harap harapan, gusto kong magalit pero wala akong karapatan. Hindi naman ako bulag gaya nila Aesop para hindi maramdaman ang namamagitan sa dalawa.

Nawala ang atensyon ko sa dalawa nang dumating si Zenchie kasama si Yuwen. Tahimik ang dalawa hindi gaya ng nakasanayang bangayan. Pansin ko rin ang panlalamya ni Yuwen nang umupo ito sa tabi ko.

"Namumutla ka." Saad ko sa kaniya pero ngiti lang ang isinukli niya.

"Ano 'to? Zombie apocalypse? Tapos magsisimula sa inyong dalawa?" Turo ni Aesop kay Zenchie at Yuwen. Nakasimangot lang si Zenchie hindi gumanti.

"Bakit para kayong pinag-sakluban ng langit at lupa?"

"Siya ang lupa." Natatawang saad ni Yuwen habang tinuturo si Zenchie. Pilit ang pagtawa alam ko. "Nagugutom lang ako hindi ko lang alam diyan kay Barney anong problema."

Lahat kami ay napagawi kay Zenchie ng tingin "Linabas na kasi ang resulta para sa audition."

"Hindi ka ba natanggap?"

"Hindi ko pa alam 언니, ayokong tingnan. Baka hindi ako natanggap."

"Hoy!" Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Spencer. "Quiel didn't passed her first audition yesterday." Nanlalaking mata kong tinignan ang naka-yukong si Quiel animo'y nahihiya. "First attempt means it's either do your best next time or you'll shine right now. Dalawa lang kababagsakan mo." Natulala kami sa sinabi ni Spencer.

"Ikaw ba talaga 'yan Ispen?"

"Isusungalngal ko sa'yo 'yang pizza'ng hawak mo Sop!"

"Nagtatanong lang, masama ba 'yon?"

"Kaya nga ayokong makita ang resulta!"

"How did you end up like this? Nag-audition ka, sinimulan mo, naalala mo nu'ng nagsisimula pa lang ako?" Tumango siya habang naka-nguso.

"Anong nangyari?" I asked her.

"Sinabi nilang never ka magiging model, sinabi nilang wala kang mararating."

"Sino ba kasing mag a-audition for model tapos ang suot ay halos itago na ang buong katawan isama mo na ang mata." Sinamaan ko ng tingin si Yuwen na painosenteng ngumunguya bago muling bumaling kay Zenchie.

"Sumuko ba ako?"

She shooked her her "아니요."

Muli akong nakarinig ng side comments mula kay Yuwen "Wala ka pa ring nararating hanggang ngayo-- aray! Walang batukan. Nagbi-bigay ako ng opinyon! Demokrasya ang bansa natin malaya akong magpahayag ng saloobin."

"Pipilipitin ko 'yang dila mo kapag sumabat ka pa." Tikom ang bibig siyang napa-singhap.

"Alright hand me your phone, 생." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Aesop, maging sila Yuwen ay nagtaka kung bakit ito gumagamit ng ibang lengguwahe. "왜!?" Baling niya pa sa'min.

"진짜 오빠? Wait."

"Don't tell me nalason na ni Barney ang utak mo?" Mapang-asar na tanong ni Yuwen kay Aesop. Namumutla pa rin siya pero kain lang ito ng kain.

"She needs our support, let her." Animo'y matinong tao si Aesop ngayon. Inabot niya ang phone ni Zenchie at may pinagpipipindot.

Quiel hold Zenchie's hand napansin din yata niya ang panginginig. Tutok ang mga atensyon namin sa kung anong sasabihin ni Aesop, pero nang langunin niya kami isa-isa ay hindi naging maganda ang dating no'n.

"Ano bang resulta?" Natatawang tanong ni Yuwen, naiilang at nakikiramdam sabay agaw sa cellphone'ng hawak ni Aesop. Matapos tingnan ay sinenyasan niya kami maliban kay Zenchie na nakayuko. Umiling siya bilang sagot sa mga mata naming nagtatanong.

"Alright! First try mo pa lang naman, at least may experience ka na." Pagpapa-gaan ni Yuwen sa loob ni Zenchie matapos ay inakbayan pa ito.

"I failed," pahayag ni Zenchie sa sarili saka pilit ang mga ngiting lumingon sa'min "그래! 괜찮아"

"괜찮아, 괜찮아!" Ani Aesop habang tinatapik ang balikat ni Zenchie.  

"Sa'n mo natutunan 'yang gwenchana gwenchana na 'yan Aesop!?" Alam kong pilit lamang nilang ibinabaling sa ibang bagay ang usapan. Nakikiramdam pa rin sila sa kilos ni Zenchie.

"Kay I-jung-ki oppa!" Natawa ang lahat, na agad ding sinundan ni Zenchie nang tawa.

"It's LEE JUN-KI!" Pagtatama ni Zenchie.

"Are you alright?" Natigil ang lahat sa tanong ni Spencer. Alam ko kung gaano ka-protective ang isang 'to pagdating sa kapatid niya.

"O-oo naman"

"Sa susunod kami pa mismong sasama sa'yo sa audition. Sa'n mo gusto? Sa YG, sa SM o sa JYP? Tatawagan ko na mga kumpadre ko. " mayabang na saad ni Aesop akala mong matutupad naman ang pangako.

"P'wedeng sa Pledis?"

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unprecedented Kismet (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon