[WARNING: Grammatical and Typographical Errors ahead]
(This is unedited story!)
-----
CHAPTER 03
ZENCHIE SHEN MATIAS
NANDITO kami ni Aesop ngayon sa cafeteria pero parang wala rin naman akong kasama dahil kanina pa wala sa sarili ang isang ito. 'Yung tatlo naman hindi pa dumarating dahil mayroon pa silang klase. Isinuot ko ang isang bahagi ng earphone ko at naghanap ng kanta sa playlist.
Now Playing: 사랑을 했다 by 아이콘
Hina-humming ko lang ang mga part na talagang hindi ko masabayan lalo na ang mga rap part. Sobrang hirap kasi.
Kahit naka earphone ako rinig na rinig ko ang buntong hininga ng kasama ko, ang bibigat. Saglit kong pinatay ang kanta at hinarap siya.
"오빠, 왜? May problema ka ba?"
Ilang segundo siyang nag-isip kung ishe-share niya ba sa'kin ang mga iniisip niya. Lumapit ito ng bahagya sa'kin at bumulong "Napapraning na yata ako.""네, 알았습니다."
"Minumura mo ba ako." Napapraning na nga ang isang 'to. Ang sabi ko lang naman naiintindihan ko siya.
"Hindi, hindi! Ano ba kasing problema mo?"
"Tanda mo 'yung kambal ko? Nakita ko siya kanina sa kuwarto ko."
Ah, yeah! May twin brother nga pala siya. Ano nga ulit name no'n? Basta nagsisimula sa letter N. Kahit kailan kasi hindi ko pa nakikilala 'yon pero ang alam ko naging matalik na kaibigan nila Kuya Ispen 'yon.
"May tinitignan siya na kung ano sa cellphone ko, tapos nung tanungin ko tawa lang ng tawa ang g*go."
"Baka may hinanap lang, normal lang 'yan sa magkapatid. Ako nga pumapasok sa loob ng kuwarto ni Kuya Ispen tsaka ko hahalughugin ang mga gamit niya." Lumapit ako ng kaunti sa kaniya nang may maalala. "H'wag mo 'ko isusumbong ha." madali naman siyang kausap kaya tumango na siya.
Siya talaga minsan ang nakakasundo ko, kahit si Gwen palagi niya akong tinatarayan. Ang dahilan niya mas matanda raw siya kesa sa'kin. 19 years old palang kasi ako, first year college tapos silang tatlo. Si Aesop at si Gwen ay parehong 2nd year college na tapos si kuya 3rd year college, habang ang pinaka isip bata sa'min ay siyang pinaka matanda. Graduating student, Yuwen.
"Iba talaga pakiramdam ko sa kambal ko e."
"Bakit?"
Pinaningkitan niya ako ng mga mata niya. "May pakiramdam talaga akong mas guwapo ako kes-- ARAY!" Nakakainis 'to, minsan hindi mo maintindihan takbo ng isip o kung tumatakbo pa nga ba ang isip niya. "Bakit ka ba nambabatok bigla bigla!?"
"Ahh dapat ba nagpapaalam muna ako?"
Nakakahiya rin siya kasama dahil kahit maraming tao sa paligid wala siyang paki kung gusto niyang sumigaw sisigaw talaga siya.
"Wala ka na ngang tinulong nananakit ka pa!"
"Ginigising lang kita, binabangungot ka kasi yata." May mga inuungot pa siya pero sinalpak ko na rin ang isa ko pang earphone at pinatugtog ang kanta.
BINABASA MO ANG
Unprecedented Kismet (on-going)
Aktuelle LiteraturIt is a story of six different people with their own dreams, the innocent youth who know nothing but their dreams. Magkakaibang tao na pilit ipinagdudugtong ng natabunan nilang nakaraan.