CHAPTER 04

11 1 0
                                    

[WARNING: Grammatical and Typographical Errors ahead]

(This is unedited story!)

-----

QUIEL RIN FAUSTIN

NAUPO ako sa isang sofa para maghintay sa taong nagpatawag sa'kin, ang mommy ko. This is unusual, kung may kailangan siya p'wede naman niyang sabihin sa'kin sa bahay hindi 'yung ganitong ipapatawag niya pa ako dito sa opisina niya.

"You're here."

Nakuha niya ang atensyon ko nang magsalita siya habang sinasara ang pintuan. Naupo siya sa aking harapan at pinag krus ang mga binti.

"Bakit niyo po ako ipinatawag?"

"Oh, I forgot." Tinignan ko ang inilapag niyang papel at ballpen bago bumaling sa kaniya. "That's a contract"

"Contract? Para sa'n po?"

"I want the spotlight for you, I want you to continue my legacy."

Hindi ko siya maintindihan, napalunok ako ng wala sa oras. Ano ba ang gusto niyang palabasin?

After my father's death, lahat ng sabihin niya sinusunod ko para bang wala akong karapatang suwayin 'yon. Hindi dahil sa maldita ang pakikitungo niya sa'kin ang katunayan nga ay mabait siya sa'kin. Isa lang ang kinaiinisan ko sa kaniya ngunit ayoko ng ungkatin pa.

"Ano pong gusto ninyong gawin ko?"

"Gusto ko bago ako mawala sa mundong ito, magkaroon ka ng pangalan sa industriyang kinabilangan ko ng ilang taon" ang industriyang tinutukoy niya ba ay ang industriya ng mga artista? Biglang kumabog ang puso ko ng sobrang lakas. Kahinaan ko ang ganitong bagay. "Don't worry I'm going to be your guide, nakalimutan mo na ba? I am Florida Faustin the veteran actress?"

Should I accept it? Hinarap ko siya "P-p'wede ko po bang pag-isipan ng ilang araw?"

"Ofcourse my daughter, I will give you enough time to think about this. I won't pressure you." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kadalasan kasi ipinipilit niya kung ano ang gusto niya kailangan ora-orada.

Kasama ng kontrata lumabas ako sa opisina ni mommy.

Habang naglalakad sa sidewalk nakaramdam ako ng nakasamid na dalawang pares na mata sa'kin. Ako lang ba? O talagang may sumusunod sa'kin? Paglingon ko wala namang kahina hinala. Kakaunti lang ang taong kasabayan kong naglalakad kaya paniguradong mahuhuli ko agad siya.

Siguro nga guni guni ko lang, ipinagkibit balikat ko lang ang naramdaman at nagpatuloy nang maglakad.

Malalim ang pag-iisip ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Spencer.

From: Spencer

Where are you?

Huminto ako saglit sa gilid ng kalsada para sagutin ang text niya.

To: Spencer

Pauwi na ako, kagagaling ko lang sa opisina ni mommy.

Sabado ngayon at walang klase, pero bilang nakasanayan. Lumalabas kaming magkakasama nina Aesop, minsan sa bahay nila o kaya minsan sa kung saan saan.

Hindi ganu'n katagal bago siya muling nag-reply.

From: Spencer

Okay, I will pick you up, diyan ka lang.

Napabusangot ako ng mukha habang hinihintay ang pagdating ni Spencer. Tinatanaw ang bawat sasakyang nagdadaan, baka kasi siya na. Hanggang sa ilang sasakyan pa ang sinundan ng mga mata ko at may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Isang Ferrari Enzo. I wonder kung kaninong sasakyan 'to.

Unprecedented Kismet (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon