[WARNING: Grammatical and Typographical Errors ahead]
(This is unedited story!)
-----
CHAPTER 02:
QUIEL RIN FAUSTIN's
"DISMISSED." Dali dali ko'ng inayos ang mga gamit ko nang marinig ang anunsyo ng professor namin sa English Literature.
Hinintay ko munang makalabas ang mga tao para iwas hassle, wala rin sa itsura ko ang makikipag siksikan sa kanila na para bang may oras ang paglalagi dito sa loob. Sarap kaya dito naka-aircon, pero kailangan kong lumabas para hanapin ang taong 'yon.
Dala dala ang payong at panyo na pinahiram niya sa'kin ay lumabas na ako at dumiretso sa field. It's been what? Three days, at hindi ko na ulit siya nakita. Nagbakasali ako na baka nando'n ulit siya sa kung saan ko siya unang nakita pero sa tuwing pupunta ako do'n ay wala namang tao.
"Good morning!"
Tumigil ako sa paglalakad para harapin si Aesop. Pero mukhang nagtalo pa ang magka bilang parte ng utak ko kung aalis ba ako sa kinatatayuan ko o mananatili nang makita kung sino ang mga kasama niya.
I'm still thinking about what happened three days ago. Hindi ko alam kung paano ko sila dapat pakiharapan.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang nasa harapan ko na sila. Tinapunan ko ng tingin ang mga kasama niya bago muling ibalik sa kaniya.
"D-diyan lang, May hinahanap kasi ako e."
"Ganu'n ba? P'wede bang mahiram ang ilang minuto mo?" Bakit napaka formal naman yata ng isang ito? "May gusto silang sabihin sayo."
"안녕 언니." Sabi ni Zenchie sa ibang lengguwahe. I didn't understand her pero base sa pagkakasabi niya ay mukhang pagbati iyon. I smiled back "H-hello."
"Woah! H'wag mo sabihing naiintindihan mo ang mga pinagsasasabi nitong si Barney!?" Tanong ng lalaking may salamin sa'kin. Kita ko ang pagsama ng tingin ni Zenchie rito.
I frowned at him. "B-barney?"
"Meet the barney and friends." Bago pa siya maka-akbay kay Zenchie ay binanatan na siya nito. "A-AWW!"
"Sino nagsabing friend kita!? 우리는 아니야 친구"
Humarang si Aesop sa pagitan ng dalawa para awatin. "Bichi! Tumigil nga kayo para kayong mga sumpunging bata."
Ikinagulat ko ang paglapit sa'kin ng isang babae. Siya 'yung babaeng nag-walk out no'n. Naiilang ko siyang tinignan. Gano'n din siya, napangiwi ito at parang naghahanap ng mga salitang bibitawan.
Sobrang ganda niya pala talaga kapag ganitong malapitan mo siya pagmamasdan. Ang balita ko ay isa siyang model, hindi maitatanggi. Nasa mukha at katawan niya naman makikita.
"Ahm..." ramdam ko ang pagka ilang niya.
"Gwenie 괜찮아!"
"Gwenie gwenchana!" Pakinig kong sabi ni Aesop mimicking Zenchie's voice.
"YAH! 그만해"
"Arghh, ahm about my attitude last time." Napapangiwi siya habang nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. "I'm just having a bad day that time, sorry if naibuntong ko sa'yo. I didn't mean to walk out."
"O-okay lang." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Parang ibang tao itong kaharap ko at hindi 'yung mataray.
"At tungkol sa mga nasabi ko." Tumungo siya "Sana kalimutan mo na"
BINABASA MO ANG
Unprecedented Kismet (on-going)
General FictionIt is a story of six different people with their own dreams, the innocent youth who know nothing but their dreams. Magkakaibang tao na pilit ipinagdudugtong ng natabunan nilang nakaraan.