"Ivo! nakikinig ka ba?!" galit na sigaw ni Louisse ng makita niyang hindi nakikinig ang kausap niya sa telepono.
"yes, listening" bored na sagot ni ivo. wala siyang gana makipag-usap ngayon pero nangako siya kay Louisse na papakinggan niya ang bawat hinaing nito.
It's 2am in the morning, hindi pa natatapos magkwento ang kaibigan niya at halos abutin ito ng kalahating araw sa pagsasalita.
hindi ba ito nauubusan ng sasabihin?
"so, ayun na nga. kapag may oras ka ulit samahan mo'ko mag bar hopping ha? ha? ivo! please?" pangungulit ni Louisse sa kanya.
"ayoko. naubos ang kalahating araw ko sa kadaldalan mo. mag-sama ka ng iba. busy ako. bye" mabilis niyang ibinaba ang telepono at huminga ng maluwag.
Humiga siya sa kanyang kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Pagod na pagod siya ngayong araw.
Better to have a nap. Yes this is way better.
6AM in the morning.
Nag-inat siya ng braso at kinusot ang mga mata. He needs to be ready before 6:30am, marami pa siyang gagawin at kailangang ipasa na activities sa school.
college life it is.
Inumpisahan niya ang araw niya sa simpleng pageehersisyo. He always took 10-15minutes to work out. Jogging, jumping jacks, burpees and etc..
Pagkauwi niya sa kanyang dorm ay nagumpisa na siyang maligo at mag-ayos ng sarili.
He took out his phone and opened his messages.
"ACCOUNTANCY 4.0"
Kaiser : asan na kayo?! pakopya ako nung activity.
Kellen : wala pa kaming sagot. pakupit naman
kellan : HOY! PINAKOPYA NA KITA KAGABI! @*MANDUrugas
Levin : sampung piso kada isang number. game?
Luisito : mukha ka talagang pera *insert laughter emoji*
Ivo : teka papasok palang ako. sa library na lang.
****kaiser set your nickname to ANGHEL****
Luisito : pagpalain ka nawa, mahal naming Severino
Ivo : you called me by my first name. walang kopya kopya sayo.
-----
he puts the earphone on his ear and listen to mx's music before he walk out of the dorm.Habang naglalakad siya ay hindi niya napansin ang babaeng nakabangga sa suot niyang bag.
"sorry." sambit ng babae at tumakbo papasok ng bus na sasakyan niya.
"hm? weird" bulong niya sa sarili niya at sumakay sa kanyang kotse papasok sa eskwelahan na kanyang pinapasukan.
Napapakanta siya sa bawat lyrics na binabanggit sa kanta na kanyang pinapakinggan.
" yes i am crazy love" bulong niya kahit alam niyang mali mali ang lyrics na kanyang binabanggit.
NANG makarating siya sa kanilang paaralan ay agad niyang namataan ang kanyang mga kaibigan sa tapat ng entrance.
Napangiwi na lang siya at ngumiti. Yes, sila nga pala yung mga kaklase kong pudpod na ang utak kakakopya ng mga aralin.
Naglakad siya palapit sa mga ito at agad silang nagbatian.
"gwapo naman ni ivo. tsk tsk" sambit ni kaiser sabay tapik sa balikat niya.
"hindi lang gwapo mala-anghel pa sa kabutihan" sabat naman ni kellen sabay kuha ng bag na bitbit ni Ivo.
Kahit kailan talaga, hindi mapagkakatiwalaan itong mga kaibigan niya. Napailing na lamang siya at sabay sabay silang pumasok at nagtungong library.
"Ivo, kausap mo raw buong maghapon kahapon si Dennise?" tanong ni Levin sa kanya.
"oo bakit?" sagot niya habang nag-rereview ng aralin.
"wow pano mo nasagutan lahat ng ito? multitasking?" tanong ulit ni Levin
"you could say that, idiot" he shakes his head before returning to review all the lessons.
Nagpatuloy lang sila sa pagkopya ng mga sagot kay Ivo habang siya ay nauna na sa kanilang room upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Habang nakaupo siya sa kanyang upuan ay may isang babae ang pumasok at tumabi sa kanya.
Inilabas nito ang kanyang mga libro sa accounting at nagsimulang pag-aralan ang mga ito.
Hindi niya maaninag ang mukha ng dalaga. Pinagsawalang bahala na lang niya ito at nag-aral muli.
Matapos ang ilang minuto ay nagsisimula ng magsipasukan ang iba pa nilang kaklase para sa subject na ito.
"please pass your powerpoint yesterday" pahayag ng kanilang professor.
"tomorrow we'll be having a suprise quiz like i said last time. So, be ready. Plus, magbibigay ako ng dagdag na grado sa kung sino man ang makakuha ng perpektong skor sa quiz bukas." sabi ng kanilang guro at nagsimula na itong magturo.
MAKALIPAS ang ilang oras ay maaga silang pinauwi. Habang naglalakad siya palabas ng university ay may nakasabay siyang isang babae. Hindi niya ito maaninag dahil natatakpan ng buhok ang kanyang mukha.
Hinayaan na lang niya iyon at nagpatuloy hanggang sa parking lot ng kanilang eskwelahan.
Nang makasakay siya sa kanyang kotse at pinatakbo na niya ito. Habang nagmamaneho ay namataan niya ang babae na kanina ay kasabay niyang maglakad.
"anong ginagawa niya dito? gabi na." his gut concerned him.
Pinabagalan niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan at saka pinakatitigan ang itsura ng babae.
Halos maapakan niyang bigla ang break ng kanyang sasakyan nang masilayan niya ito.
Walang kaduda-duda, maganda pa rin ito at masipag mag-aral. Ganon parin ito magayos ng pananamit pati na ang lugay na buhok nito natatakpan na halos ang kanyang magandang mukha.
Napakusot siya ng ilang beses at saka tinignan ang dalaga, ngunit wala na ito. Marahil ay nakasakay na ito ng bus.
"you're back"
BINABASA MO ANG
COLLEGE SERIES #1: Beautiful Scars
Romance: "you're my past" ; "i can be your present too" In which, Ivo and Grace, are highschool sweethearts. They already planned about their College life but as time goes by, Grace fell out of love to Ivo. They went to different universities...