Enjoy reading!
---
IT was early in the morning when Ivo woke up. He's in charge of collecting all the names of the participants for the event, including the names of their instructors. He posted the attendance sheet of the students on their page and another sheet for their instructors.
Good morning students, hope you'll have a great day today. Kindly check this form and send me a message with your answers. Thank you students.
-S. Andrada.After a few seconds lots of messages came from the students. They're this excited? He chuckles then put their names on the list.
Almost an hour of collecting the students names is hell for Ivo. Buti na lamang ay tinulungan siya ng kaibigan niyang si Kellen para tapusin ito. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kaibigan.
"Salamat sa tulong, binibino" tumawa si Ivo na kinainis naman ni Kellen.
"Hoy! Anong binibino?" tawang tawang sinigawan niya si Ivo.
"Binibining lalaki. HAHAHAHAHAHAHA. Salamat BI NI BI NO!" pagtapos niya sabihin at asarin ang kaibigan ay pinatay niya ang tawag.
Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pagkabully nitong binata. Natatawa na lamang siya kapag nakikita niyang pikon na pikon ang kanyang mga kaibigan. He feels great bullying his friends but it's not harmful.
Matapos niyang kolektahin lahat ng pangalan ng mga dadalo ay ipinasa na niya ito sa kanyang guro upang mai-paskil na sa buong university.
Inihanda niya ang kanyang susuotin para sa party na magaganap, kailangan niyang maghanda ng maaga dahil susunduin niya pa ang kanyang kapareha upang sabay silang pumunta sa campus.
3PM
"EXCITED na ako sis! Maganda ba?" tuwang tuwa na tanong ni Louisse sa kanya.
Ngumiti na lamang si Grace upang pag-sang ayon sa kanyang kaibigan. Magmula ng maisukat na niya ito sa kanyang bahay kahapon ay aligaga na ito na para bang ikakasal.
"Oo maganda. Maganda yung suot mo at maganda ka rin" sagot nito sa dalaga.
Ilang beses pa itong umikot at ipinakita kung gaano kahaba ang gown na kanyang pinili. Kaya ang mahal mahal ng bayad para sa gown nito dahil ang garbo garbo kung titignan.
"Para akong ikakasal no?" tanong ni Louisse na hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi.
"kanino naman?" tanong niya sa dalaga.
"Sa asawa k---"
"wala ka ngang boyfriend eh, asawa pa kaya?" pinutol niya ang sasabihin ng kanyang kaibigan upang asarin ito na siya namang ikinaasar ng dalaga.
"bakit ikaw may jowa? iniwan mo nga diba?" sarkastimong sagot ni Louisse.
Sa sandaling iyon ay nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa. Napakagat labi na lamang siya at ngumit upang hindi niya maalala ang pag-iwan niya sa dating kasintahan. Iniwas niya ang mga mata sa kaibigan upang makaiwas na rin sa mga sasabihin pa nito.
Hangga't maaari ay ayaw na niyang makarinig ng anumang salita patungkol sa nakaraan niyang relasyon. Masakit pa din. Sobrang sakit pa din. Pero kinakaya niya dahil tama ang dalaga, siya naman ang nang-iwan. Siya ang umalis kaya siya nasasaktan ngayon.
"Sorry." bulong ni Louissebsa kanya at niyakap siya sa bewang.
"Ayos lang. Tama ka naman." huminga siya ng malalim at ngumiti sabay yakap sa kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
COLLEGE SERIES #1: Beautiful Scars
Romance: "you're my past" ; "i can be your present too" In which, Ivo and Grace, are highschool sweethearts. They already planned about their College life but as time goes by, Grace fell out of love to Ivo. They went to different universities...