CHAPTER 9

159 20 2
                                    

"All i want is for you, to be happy."

"All i want is for you, to be happy"

"All i want is for you, to be happy"

Hindi malimutan ni Grace ang mga salitang iyon na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isip na para bang isang sirang plaka. Iyon ang mga salitang binaggit ni Ivo bago matapos ang salo-salo kagabi.

Nasa classroom siya ngayon at hindi makapag-focus sa itinuturo ng kanyang guro. Mas nananaig ang boses ng binata sa kanyang isipan. Kahit anong gawing pag-intindi niya sa leksiyon ngayon ay hindi niya ito maintindihan.

Hanggang sa matapos ang diskusyon ay walang na-aral ang dalaga. Kasabay niyang nagpunta ng canteen ang kanyang mga kaibigan upang kumain ng tanghalian.

"Sino nga pala panalo kagabi? 'Di ako nakapunta, ang sama ng pakiramdam ko eh" tanong sa kanila ni Thessa.

"Sino pa nga ba?" nagsitilian ang iba pa niyang mga kaibigan habang kinikiliti siya.

"Omg! Oh my Girls! Ikaw ba at si Ivo?" gulat na tanong ni Thessa. "Sabi na eh! Team IvoRace talaga for the win!" tili pa nito.

"I-IvoRace? Ano naman yun?" takang tanong ng dalaga.

"Fanclub yon short for Ivo and Grace, IVORACE!" pagpapaliwanag nito.

"Hashtag Team IvoRace" kantyaw pa ng mga ito.

"Walang ganyang fanclub. Magsitigil nga kayo" inirapan niya ang mga ito at mabilis na inubos ang kanyang pagkain.

Nauna siyang umakyat sa penthouse ng kanilang eskwelahan upang doon mag-aral ng aralin na hindi niya naintindihan kanina.

Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang mga malalapit na kaibigan ni Ivo. Balak niyang tanungin kung nasaan ang binata ngunit napaisip siyang bigla.

Bakit ko naman tatanungin kung nasan siya?

Bakit ko naman siya hahanapin?

Napayuko na lamang ako at diretsong naglakad papasok ng elevator. Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Simula nung lumipat ako sa University na ito, hindi natahimik ang buhay ko.

Naging kaklase ko ang dati kong ex na si Ivo at ang mga pasaway niyang kaibigan. Nakita ko rin ang dating nag-tutor sa'kin ng english "daw" nung elementarya pa ako at higit sa lahat, magkatabi kami ng upuan ni Ivo!

Sinong hindi mababaliw sa ganitong set-up? Yung pilit kong iniiwasan at iniwan noon, lahat nagsisibalik.

Mababaliw na talaga ako, malapit na girl.

Umupo ako sa may bakanteng upuan sa may tabi ng bintana. Maganda ang tanawin at malamig ang paligid. Perfect combination para mag-aral. Sinimulan kong basahin at unawain ang lesson kaninang umaga ngunit wala talagang pumapasok sa isip ko.

Bigla kong naalala ang librong hiniram ko sa lalaking natutulog sa library noon. Buti na lamang ay nadala ko ang mga ito. Kailangan ko na itong ibalik sa may-ari para makuha na niya ang I.D niya.

At dahil wala naman akong maintindihan talaga sa lesson kanina ay nagpasya akong pumunta ng library. Magbabakasakali akong nandito ang lalaking hinahanap ko.

Wala akong nakitang kahit anino ng lalaki na madalas matulog sa may sulok kung saan malapit ang aircon ngunit may isang lalaki ang nakikinig ng musika habang nagbabasa ng aklat. Hindi siya 'yon. Ibang- iba ang pustira nito kumapara sa lalaking hiniraman niya ng mga libro.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COLLEGE SERIES #1: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon