PROLOGUE
La Trinidad, Benguet. 1994
PAPALUBOG na ang araw pero hindi pa rin umaalis si JD sa harap ng puntod ng kanyang ama. Wala nang tao sa sementeryo, nagsipag-uwian na halos lahat ng nakipaglibing pero naroroon pa rin ang katorse anyos na binatilyo. Ubos na ang luha niya at namumugto na ang mga mata pero hindi pa rin niya magawang iwan ang kanyang ama.
Ulila na siya, yun ang pilit na sumisiksik sa kanyang utak. Hindi na kasi niya nakagisnan ang kanyang ina dahil namatay iyun sa panganganak sa kanya at tanging ama lamang niya ang mag-isang tumaguyod sa kanya. At dahil sundalo sa Philippine Army- kung saan-saan nadestino ang kanyang ama at lagi siyang nakabuntot- hanggang sa Lanao na huling assignment nito. Magkasama din sila doon pero last month ay pinauwi siya nito sa Benguet para makapagbakasyon. Ayun sa kanyang ama ay kailangan din niyang magkaroon ng normal na buhay at maranasang mag-bakasyon kasama ang mga pinsan sa mother side. Hindi naman siya tumutol- excited pa nga siyang bumiyahe. Yun pala- huling beses na niyang makikita ng buhay ang ama.
Sana hindi na lang ako umalis. Sana hindi na lang kita sinunod na magbakasyon ako. He felt betrayed. Ngayon ay mag-isa na lang siya sa buhay.
Nang sabihin sa kanya na na-ambush at namatay ang kanyang ama ay nabigla siya ng husto at hindi agad nakapag-react. Shocked siya. Paano nangyari yun? Malakas at magaling ang kanyang ama! Kaya nga idol niya ito dahil sa dami ng encounter na naranasan- ni minsan ay hindi natamaan ng baril.
“Ang galing mo talaga, tay! Para kang si Superman!”
“Mana kasi ako sayo.”
“Paglaki ko, gusto ko ring maging sundalo katulad mo!”
“Ayaw mo bang maging engineer? Di ba mahilig kang gumawa ng kung anu-ano?”
“Pag wala lang akong magawa. Pero mas gusto ko yung kagaya mo. Nagtatanggol sa bayan!”
“Sige, basta mag-aral kang mabuti.”
Muling tumulo ang luha ni JD. Hindi na niya maririnig uli ang boses ng kanyang ama. Hindi na niya ito mayayakap kahit kailan. Ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Sino pa ang kakampi niya? Wala na siyang pamilya.
“JD, umuwi na tayo.” Mabilis na pinahid ng binatilyo ang luha saka tumingin sa Ninong Amante niya.
Kaklase sa PMA ng kanyang ama ang Ninong Amante niya. Close din siya sa lalake dahil mabait ito sa kanya- parang ama din niya. Tuwing umuuwi ang lalake sa Maynila ay lagi itong may dalang pasalubong para sa kanya kapag bumabalik sa kampo. Ang Ninong Amante din niya ang kasamang nagdala ng bangkay ng kanyang ama pabalik sa Benguet mula sa Mindanao.
“Ninong, saan ho ako uuwi? Wala na si tatay. Hindi na ho ako puwede sa kampo.” Saan na nga ba siya titira? Sa mga kamag-anak? Natatakot siya dahil baka sa bahay-ampunan ang bagsak niya.
Nakita niyang saglit na nag-isip ang kanyang Ninong Amante. Hinaplos nito ang ulo niya bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JD
ChickLitThe Cavaliers Book 4. JD was asked by his ninong to take care of Peachy. Pero ayaw niya... ayaw niyang maging baby sitter. Because the baby is now a lady.