CHAPTER FOURTEEN

11.3K 280 3
                                    

CHAPTER 14

“E BAKIT ka pumayag?” tanong ni Revo nang sabihin niyang masama ang loob niya dahil nagpaalam sa kanya ang mistah nilang si Drix para ligawan si Peachy.

“Alangan namang pigilan ko siya?” Nasa AFP Officers’ Club House sila ng araw na iyun dahil sa isang PMA Alumni Association event.

“Hindi ka umalma tapos eto ka ngayon, naghihimutok sa harap ng sangkatutak na pagkain. Bok naman, baka hindi ako matunawan!” Nasa harap kasi sila ng buffet table at kumukuha ng pagkain dahil lunch time na.

“Para kasing biglaan yung panliligaw ni Drix.”

“Pero nagkita na sila dati di ba? Andun kami sa lamay ng ninong mo?” paalala ni Revo habang kumukuha ng kaldereta.

“Nagkita lang sa lamay, mahal na agad?” Hindi niya napigilang pahayag sa mistah habang naglalagay ng salad sa plato.

Matapos kumuha ng pagkain ay dali-dali silang bumalik sa kanilang assigned table. Sinamantala nilang dalawa na wala pa ang iba nilang kasama para maipagpatuloy nila ang pag-uusap.

“Di ka ba naniniwala sa love at first sight?” inosenteng tanong ni Revo.

“Bok naman, tunay na buhay itong pinag-uusapan natin.”

“Ano naman ang akala mo sa love at first sight, pang-pelikula lang? Bakit ako, laging nabibiktima ng love at first sight? Baka ganun din si Drix nang makita si Peachy.”

“Ewan ko. Hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan ni Drix. Siyempre gusto kong malaman kung ano ba talaga ang plano niya kay Peachy. Hindi ko naman puwedeng basta na lang pabayaan yun. Kinakapatid ko yun e.”

“Sigurado ka bang yun lang ang concern mo? Kasi mukhang higit pa sa kinakapatid ang reaction mo e.”

“Wala, gusto ko lang masiguro na hindi niya sasaktan si Peachy.”

“Selos na yata yan, bok,” tukso ni Revo.

“Sira!” Natawa lang ang mistah niya sa sinabi niya.

“JOWA mo na ba yung Drix?” tanong ni Connie kay Peachy. Nasa restaurant kasi ang babae kasama si Myrus. Naabutan ng dalawa niyang kaibigan na naroroon din si Drix kaya agad siyang hinila sa isang tabi at in-interrogate!

“Sigurado ka bang binata yan, baka mamaya apat kayo ha?” hirit din ni Myrus.

Natawa tuloy ang dalaga sa tanong ng mga kaibigan. Oo nga't regular na silang nagkikita ni Drix pero wala pa siyang sinasabi sa lalake. Hindi rin naman siya pini-pressure nito. Kailan lang naman ito nagsimulang manuyo- ang lagay ba e bibigay naman agad siya?

“Tawa ka diyan,” ani Myrus habang kumakain ng pasta. “Kinikilig ka yata e.”

The Cavaliers: JDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon