CHAPTER 11
IN FAIRNESS ay naging maayos at masaya ang pagbisita ni JD sa ginagawang restaurant ni Peachy. Parang inspector ang lalake na binusisi lahat ng sulok ng establishment dahil ang main concern daw nito ay ang safety ni Peachy. Lihim namang natuwa ang dalaga dahil nagustuhan ng lalake ang minimalist concept ng kanyang restaurant. Shades of white, black and gray kasi yun na may mga paintings in colored frames.
Nangako si JD na pupunta at tutulong sa opening ng kanyang restaurant- na tinupad naman nito. Dagsa ang bisitang dumating nang pormal na buksan sa publiko ang A Taste of Peach at marami ang natuwa sa mga pagkain na kanilang inihain.
Maging sina Connie at Myrus ay tumulong na rin sa pag-asikaso sa mga bisita.
“Winner ka friend,” bulong ni Connie kay Peachy nang magkatabi sila sa buffet table. “Ang daming tao! Tiyak na kakalat na masarap ang food mo dito.”
“Oo nga! Akala ko nga walang darating kasi makulimlim kanina ang langit, medyo umulan pa,” sagot ni Peachy habang chini-check ang embotido.
“Blessing yun, ano ka ba!”
“Sana nga!” Lumapit pa ng konti si Connie sa dalaga.
“Pero mas panalo ang kinakapatid mo,” bulong nito, na sinundan ng hagikhik.
“Ha?” For a while ay nalito si Peachy sa sinabi ng kaibigan. Paglingon niya ay nakita niya si JD na kinakausap ng mga kolehiyala.
“Lalong gumuwapo day! Dati parang cute lang siya, pero ngayon....”
“Si JD, guwapo?” Tinitigan ni Peachy si JD. May binubulong ang isang babaeng naka-uniform ng Mirriam College. Natawa ang lalake.
“Parang Hollywood actor pero Pinoy version. Kahawig kaya niya yung captain sa Transformers!” hirit pa ni Connie.
“Si Josh Duhamel?” Tumaas ang kilay ng dalaga. “Yung jowa ni Fergie ng Black Eyed Peas?”
Tumango si Connie. Lalo niyang tinitigan si JD. Oo nga, matangkad ang lalake. Maganda ang katawan. Kayumanggi ang kulay na bumagay naman. Pero ang features... parang hindi yata sigurado ang dalaga dun!
“Ang layo naman ng itsura ni JD kay Josh Duhamel!”
“Bulag ka ba girl? Ayan o, halos magkandarapa na sa kanya ang mga bagets! Siya lang ang kinakausap!”
“Baka may itinatanong lang.”
“Tanong? E bakit parang yayakap na? Saka ano ba ang tunay na pangalan ni JD? Don’t tell me Josh Duhamel din dahil magkapareho pa sila ng initials?”
Napangiti si Peachy. “Jan Darrell. Yun ang ibig sabihin ng JD niya.”
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JD
ChickLitThe Cavaliers Book 4. JD was asked by his ninong to take care of Peachy. Pero ayaw niya... ayaw niyang maging baby sitter. Because the baby is now a lady.