CHAPTER FOUR

12.4K 345 17
                                    

CHAPTER 4

SHE thought it was just a dream kasi nakaidlip siya. Tinatawag daw siya ng kanyang daddy. Nagmulat ng mata si Peachy, nakita niyang nakangiti sa kanya si Amante mula sa hospital bed nito. Iginalaw nito ang isang kamay para sumenyas sa kanyang lumapit.

“Dad!” dali-daling napabangon mula sa sofa ang dalaga. “Kumusta na ang pakiramdam mo? I was so worried!”

“Si JD, nasaan?” Nasaktan si Peachy sa narinig na sagot ng kanyang ama.

Eto siya't nagpupuyat para mabantayan ito, pagkatapos ang unang hahanapin nito ay si JD? Ni hindi man lang ito nagtaka na naroroon siya imbes na nasa New York?

“N-nasa labas ho yata. Tawagin ko? Teka, do you need anything? Yung duktor muna ang tatawagin ko.”

“Huwag na. I'm good hija,” anito, bagama't nakikita ng dalaga na nanghihina ito. “How was your trip? Nag-enjoy ka ba?”

“Yes!” nagliwanag ang mukha ni Peachy dahil sa tanong ng ama. “Madami akong natutunan doon. I want to open my own restaurant!”

“That's good. I'm sure tutulungan ka ni JD.”

“Dad, nasa military si JD. He doesn't know anything about culinary.” Gusto nang magprotesta ng dalaga. Bakit ba lagi na lang nalang nakikisingit ang lalake sa kanila?

Simula pa noon, parang si JD lang ang laging bida sa paningin nito. Although hindi niya isinatinig ang sama ng loob, alam niyang very transparent ang kanyang expression dahil pilit na inabot ni Amante ang kanyang kamay at pinisil.

“Peachy, mabait si JD. I trust him completely. Kapag wala na ako, siya ang magbabantay sayo. Alam kong hindi ka niya pababayaan.”

“Stop saying that! Anong pinagsasabi mo? Gagaling ka dad, okay?”

Hindi muna sumagot ang lalake. Ngumiti lang ito sa kanya. Mayamaya ay hinaplos nito ang kanyang mukha.

“I miss your mom. Pakiramdam ko ay sinusundo na niya ako. I just want you to be ready.”

“Nooooo!” agad na tumulo ang luha ni Peachy sa sinasabi ng ama. “Dad, please don't do this to me. Please. Di ko 'to kaya. Stop saying nonsense. Magpagaling ka naman please. Please!”

Muling ngumiti si Amante saka pinisil ang kanyang kamay. Ni hindi naramdaman ni Peachy na nakapasok na pala si JD at nakalapit sa kanila. Kitang-kita niya kung papano lumapad ang ngiti ni Amante nang makita ang lalake.

“JD, halika dito hijo.” Pero hindi lumapit ang lalake. Sa halip ay humakbang ito pabalik sa pinto.

“Ninong, sandali lang po. Tatawagin ko lang ang duktor.” Nasa may pinto na ang lalake nang magsalita si Amante.

“JD, wag mong pababayaan si Peachy ha?” Napalingon si JD. Napatingin din ito kay Peachy.

The Cavaliers: JDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon