CHAPTER 15
MAY isang oras na siyang nakahiga sa kama pero hindi pa rin makatulog ang binata. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang tanawing nakita kanina- nang halikan ni Drix sa Peachy. Hanggang ngayon ay binabalot pa rin siya ng selos kahit alam niyang hindi naman dapat. After all, ano ba ang hold niya kay Peachy?
Gusto rin niyang magsisi na nasuntok niya ang sariling mistah. Malapit sa kanya si Drix at kaibigan niya ito bukod pa sa mistah- kaya masakit sa kanya na nag-away sila kanina. First time na nangyari iyun sa kanilang dalawa!
Mali naman kasi siya, sa loob-loob niya nang maalala kung bakit niya nasuntok si Drix. Totoong nakabuntis ang mistah niya sa Mindanao at nabasa pa niya ang administrative case na ipinadala ng babae sa pamunuan ng Philippine Army. Ang balak naman talaga niya ay kausapin ng maayos ang mistah at payuhang harapin ang problemang tinakbuhan sa Mindanao. Pero hindi niya napigilan ang pag-init ng ulo kanina nang makitang naghahalikan sina Drix at Peachy sa mismong harap ng bahay! Siguro kung hindi si Drix iyun ay baka nabugbog na niya ng husto!
Shit, I hate this feeling. Bumangon ang binata at muling kumuha ng tubig sa kusina, saka bumalik uli sa kuwarto.
Ni minsan ay hindi niya naranasan ang magselos ng todo. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganito siya ngayon.
Dahil kay Peachy. At natatakot siya ngayong harapin ang totoo kung bakit. Or kung totoo nga ang hinala niya kung bakit siya nagseselos.
Paano kung tuluyan siyang sumama kay Drix? Alas-singko na siya ng umaga nakatulog.
KINABUKASAN ay nagtungo si Drix sa restaurant niya at humiling kung puwede siyang makausap ng masinsinan. Pumayag naman ang dalaga. Nagtungo sila sa malapit na coffee shop at pinili ang pinakatagong puwesto para hindi maingay. Nang mai-serve ang inorder nilang kape ay nagsalita na si Drix.
“I’m sorry, Peach. Hindi ko sinasadya….”
“Ang ano? Ang ligawan ako o ang hindi pagsabi na may nabuntis ka sa Mindanao?”
Napayuko si Drix, hiyang-hiya ito.
“It was just a one night stand. Nagkataong nalulungkot ako at pagod. It just happened.”
“Drix, even if it was just a one night stand, ang point is, ginalaw mo siya. May nangyari sa inyo at nabuntis mo. Bakit mo tinatalikuran ang responsibilidad mo sa kanya?”
“Na… nabigla din kasi ako. I didn’t know what to do.” Hindi makatingin ng diretso sa kanya si Drix kaya naawa na rin ang dalaga. Alam niyang nahihirapan din ang lalake sa sitwasyon.
“Saka, ano yun, tuwing malulungkot ka pala o mapapagod ay possible kang magkaroon ng ka-one night stand?” Hindi nakasagot si Drix. “I hope you do what is right. You’re an officer and supposedly a gentleman, you know.”
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: JD
ChickLitThe Cavaliers Book 4. JD was asked by his ninong to take care of Peachy. Pero ayaw niya... ayaw niyang maging baby sitter. Because the baby is now a lady.