Chapter 1

27 4 0
                                    

Ang swerte ko, ang swerte swerte ko. 12:45 p.m ng hapon. Mamahalin kita. Parati..

Nakakabinging palakpakan at hiyawan ang bumalot sa buong loob ng simbahan matapos namin sabihin ang mga vows namin sa isa't-isa.

"And now,"-Pag putol ng Pari sa kaingayan ng mga tao sa loob. Mukang alam ko na ang kasunod nito. Napatingin kaming dalawa sa Pari suot suot ang kanyang nakakalokong mga ngiti, saglitan kaming nagkatitigan ni Veronica habang natawa sa isa't-isa.

"You may now,"-Muling maingay na sigawan at palakpakan ang bumalot sa loob ng simbahan, "Kiss!", "Grab the chance Lance!" Nakakarinding sigawan ng mga kaibigan ko ang nanguna sa mga tainga ko. Mga loko talaga. "You may now kiss the bride." Diretsong saad ng Pari bago umatras ng isang hakbang mula sa amin.

Tumitig ako sa mga mata ni Veronica bago itinaas ang belong nakaharang sa kanyang mukha. Nang maitaas ko ang belo ay lumapit ako ng kalhating hakbang papunta sa kaniya. Tinapunan ko siya ng matamis na ngiti bago pinag dampi ang aming mga labi. I love you. Saad ko sa aking isipan habang mag kadikit aming mga labi. Nag mulat ako bago humiwalay sa kaniya.

"Lance Holgado and Veronica Holgado, you are officially married. Congratulations!" Saad ng Pari at tinapunan lamang namin ng tingin at ngiti bago yumuko sa harap niya upang pag bibigay galang.

Muling nag palakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan at ngayon ay nakatayo na silang pumapalakpak habang naka tingin sa aming dalawa. Nag katitigan kami ni Veronica at sabay na ngumiti sa isa't-isa.
--
Nang makalabas na kami sa loob ng simbahan, natapos na din ang pagkuha nila ng litrato sa amin at sa angkan ng partido naming dalawa ay napag desisyunan namin na umuwi na. Bago kami umuwi ay may mga taong naka bilog sa labas.

"Anong meron?" Simpleng tanong ni Veronica. Ako naman ay napakibit balikat na lamang bilang sagot. "Bilisan niyo na! gusto na namin malaman kung sinong sunod na ikakasal!" Sigaw ni Jim na kaibigan ko. Alam ko na.

Nang makarating kami sa gitna ay agad naming inabot ang bulaklak at tumalikod mula sa kanila. Hawak ni Veronica ang bulaklak para siya ang mag hagis. "Isa, dalawa, tatlo!" Pag bigla niyang hagis sa bulaklak ng walang pasabi sa amin. Natawa na lang kami.

Nag-sigawan ang mga kasama namin at humarap na kami sa kanila. "Nako Jam, ikaw na ang sunod!" Pag bibiro ni Athena na kaibigan ni Veronica. Nag tawanan na lamang kami ulit bago muli nila kaming pinalakpakan.

Sumakay na kami sa kotse pag katapos no'n para pumunta sa bahay namin. Nang makapasok kami sa loob ng kotse ay agad kong hinalikan sa noo si Veronica. "I love you." Saad ko, nginitian naman niya ako bago isinandal ang ulo niya sa balikat ko, "I love you too, Lance."

Nag simula nang umandar ang kotseng mag hahatid sa amin sa bahay. Tahimik kaming nasa byahe, si Veronica naman ay nakatulog sa balikat ko, siguro ay dahil sa pagod. Hinimas ko ang buhok niya bago ko siya tinitigan sa kanyang mukha.

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang sigaw ng driver namin tsaka ko nakita ang isang malaking truck na nasa harapan namin at tuluyang bumangga sa sinasakyan namin. Napayakap ako kay Veronica bago sumalpok ng tuluyan ang malaking truck. Is this the end? ----------

Hidden TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon