Chapter 5

15 5 0
                                    

Azrael's Point of View

Taon ang lumipas. Pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga bagay sa panaginip ko.

Halos hanggang ngayon napapanaginipan ko pa din. May lugar sa panaginip ko, pero hindi ko naman alam kung saan ang mga iyon. Naisip kong puntahan ang mismong lugar, pero wala akong lakas ng loob dahil sa takot at pangamba na baka kapahamakan lamang ang dala noon.

Ngayong thirty-two years old na ako. Mas lalong lumawak ang pang unawa ko sa mga bagay bagay na napapanaginipan ko.

Malinaw na sa akin lahat. Ako ang lalaking nasa panaginip ko at asawa ko naman si Veronica. Namatay kaming dalawa dahil sa car accident noon sa unang buhay namin.

Pauwi na kami noon galing sa kasal namin, ngunit sa kasamaang palad ay may sasakyang bumangga sa amin at tuluyan kaming naghingalo. Dinala kami sa hospital, habang sinusugod kami sa loob ng hospital nangako kaming hahanapin namin ang isa't-isa kung sakaling mamatay kami, hahanapin sa pangalawang buhay, which is ito.

Malinaw na, malinaw na sa akin ang lahat. Ito na ba ang mga bagay na pakiramdam ko ay kulang sa akin mula pagkabata ko? Ito pala ang mga bagay sa panaginip ko noong bata pa lamang ako maging sa naging binata ako at hanggang ngayon.

Naaalala ko pa yung panaginip ko noong isang gabi. Hindi siya about sa nakaraan, pero about siya sa present. There is a one place, puro mga upuang kahoy na ang nandoon, wala nang mga puno. May babaeng nakaupo sa upuang nasa pangatlong hilera. Hindi ko siya kilala, ni hindi ko 'man lang alam kung nag exist siya sa present ko. Nandoon siya sa isang park na ang pangalan ay Paradisus. Oo, sounds familiar. Ito yung lugar kung saan kami nag pupunta ni Veronica noong unang buhay namin.

Maraming nag bago sa lugar na iyon kung kaya't wala na ang mga punong mayayabong at masisigla.

Noong napanaginipan ko iyan. Ang daming tanong na gustong pumasok sa isip ko, pero isang tanong lang ang hinayaan ko. Ayon ay walang iba kundi, "Nag hihintay ba doon si Veronica ngayong present?" Is she waiting for me?

Parehas kaya kami ng nararanasan? Parehas kaya naming alam sa sarili namin na Reincarnated kami? Parehas ba kaming nag iintayan sa susunod na mangyayari?

--

Tanghali, 12:45 p.m, Napagpasyahan kong mag tungo sa lugar kung saan kami nag kita. Hindi ko alam kung nandoon pa, hindi ko alam kung nag eexist pa. Pero inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para tunguhin ang lugar na iyon. Walang kasiguraduhan pero sa mata ng Lord, may pag-asa.

Agad akong nag bihis ng susuotin ko. Habang nag susuot ako ng panglakad kong mga damit, unti-unting nacoconvict ng puso ko yung mga pinagsamahan namin noong umpisa. Ramdam ko yung excitement, kaba, pressure at iba pa.

Hindi ko alam pero nasabik ako sa pag mamahal at itsura ng taong gugustuhin at pinangakuan kong hahanapin sa pangalawang buhay.

Nang makapag bihis ako ay agad akong nag tungo sa kotse ko at mabilis na pinaharurot palayo ng bahay.

Matatagpuan ito sa makasaysayang Intramuros.

Habang nag mamaneho ako, hindi ko namalayan ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko na nag babadyang pumatak ano mang oras. Pakiramdam ko ay hindi na si Azrael Falcon Villareal ang nasa katawan ko, kundi si Lance Holgado, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal ng taong ito at kasabikan na makita sa pangalawang buhay ang taong pinakasalan at pinangakuan niyang hahanapin niya kahit anong mangyari.

Ramdam na ramdam ko sa sarili ko, ito pala talaga ang kulang sa akin.

Wala akong segundong sinayang sa pagmamaneho, mabilis pero alerto. Ayokong matulad sa nakaraang buhay ko. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito ay makakasama ko na siya ng mas matagal at mas masaya.

Pangako...

---

Hidden TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon