Prologue

39 5 0
                                    


Narinig ko ang malakas na palakpakan at sigawan ng mga kaibigan ko noong mag harap kami ni Veronica sa gitna ng altar sa simbahan, animo'y may tumama sa lotto dahil sa saya at galak na kanilang nadarama. Diretso akong tumingin sa mga nangungusap na mata ni Veronica. Mag kakahalong emosyon ang makikita mo do'n. Nandoon ang saya, excitement at lungkot dahil sa galak na kanyang nadarama.

Nag salita na ang Saserdoteng nasa gitna lamang namin bago itinuloy ang misa ng kasal, "Lance, Will you have this woman to be your wife, to live together in holy marriage?" Saad niya habang nakatingin sa akin, "Yes po Father," Masayang sambit ko habang nakatitig kay Veronica at may ngiting dala. "Will you love her, comfort her, honor, and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?" Dugtong nito. "Ofcourse Father! Yes! I do!" Sagot ko ng may galak na halos isigaw ko na. Narinig ko na naman ang tawanan ng mga tao sa simbahan. Nakita ko rin ang simpleng ngiti na sumilay sa mga labi ni Veronica.

Noong matapos na ang pag tatanong sa'kin ng Pari humarap naman ito kay Veronica upang itanong ang mga bagay na itinanong sa akin. "I do Father!" pangunguna ni Veronica na nag sanhi ng tawanan sa loob ng simbahan, pati ako at ang Pari ay napatawa na lamang. Kahit kailan talaga ay napaka mapalabiro rin ng babaeng 'to.

Natapos ang mga iyon ng puro saya at galak ang aking naramdaman, maging si Veronica ay ganon na lang din lamang ang nararamdaman. Muling nag salita ang Saserdoteng nag kakasal sa amin. "Tell to each other your vows." Saad nito. Kinuha ko ang papel kung saan naka sulat ang mga sasabihin ko, baka kasi makalimutan ko eh. Pinauna na ako ng Pari, dapat daw ay lalaki ang mauna.

Binuklat ko ang papel bago humarap sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata bago nag salita, "Veronica, i promised to you that i will be your ever loving, honest, and faithful husband," Saad ko at tiningnan siya bago nag patuloy, "I vow to hold your hand in my hand, to hold your head in my hands, and to hold your heart in mine. I love you and you are my wife for all my entire life, i will look for you even in my second life, I love you Veronica till death to us part." Pag tapos ko bago siya tinitigan at nginitian ng pagkatamis tamis. Nakita ko naman ang mga luha niyang nangilid dahil sa saya niyang naramdaman.

Nang matapos ako ay agad nag salita si Veronica, wala siyang hawak na papel o kahit ano, tsaka siya nag salita, "Lance," Pag banggit niya sa pangalan ko bago niya ako nginitian at nag patuloy sa sasabihin niya, "I vow to support you, push you, inspire you, and, above all, love you, for better or worse, in sickness and health, for richer or poorer, as long as we both shall live," Saad nito at tinapunan ako ng tingin. Naramdaman ko naman ang pangingilid ng luha ko dahil sa saya na aking nadarama. "I take you to be my spouse. I promise to choose you every day, to love you in word and deed, to do the hard work of making now into always. I love you, I'll search you even in after life." Pag tapos nito bago tumingin sa akin sabay pinunasan ang luhang kanina bang bumabagtas sa mukha ko.

----

Hidden TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon