Epilogue

18 5 0
                                    

Azrael's Point of View

Patuloy akong nag lalakad sa paligid ng intramuros. Alam kong hindi ako bibiguin ng Diyos.

Nakakaramdam ako ng gutom pero wala akong gana kumain. Iba ang hanap ng katawan ko at puso ko. Hindi pagkain o kahit ano, all I want is Veronica.


Marami akong nakakasalubong na tao, nag babakasakaling maramdaman ko ulit yung panginginig noong panahon na nag aaral pa lamang ako.

Pero bigo akong maramdaman muli iyon.

Ang daming bagay ang tumatakbo sa isipan ko, kung saan ba kami mag tatagpo o kung saan ko ba siya matatagpuan.

Naging alerto yung senses ko na baka bigla na lang siyang dumaan sa harapan ko. Hindi ko alam ang itsura niya dahil nasa ibang katawan siya. Pero mararamdaman ko iyon dahil sa lukso ng dugo mula sa aming dalawa.

Sa aking pag lalakad, napadpad ako sa isang lugar na malilom at puno ng malalaking puno na nasa gilid ng daan, sa ilalim nito ay may mga poste ng ilaw, ilan sa mga ito ay patay sindi na, ilan rin sa mga ito ay hindi na umiilaw. Creepy.

Sa ilalim din ng mga puno at poste ng ilaw na ito ay may mga upuang kahoy. Madami, hindi mo mabibilang sa daliri mo dahil kulang ang sampung daliri mo sa kamay at paa upang mabilang mo ang mga upuan rito.

Sa tapat ng pangalawang upuan ay nakaramdam ako ng ngalay sa paa kung kaya't minabuti ko munang umupo dahil sa tagal ko na ring nag lalakad.

Habang nakaupo ako ay palingon lingon ako sa paligid nito at napadako ang tingin ko sa isang babae sa dulo ng hanay ng upuan sa pangatlong pwesto.

May kung anong boltahe ng kuryente ang namuo sa katawan ko at sumabog sa loob ko.

Nawala ang ngalay kong naramdaman sa pag nanais na baka si Veronica na ang babaeng iyon.

Agad akong tumayo at nag lakad papalapit sa babaeng iyon na nakatungo at may hawak na kung ano.

Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa tinakbo ko na ito papalapit sa kanya. Nang medyo nakalapit na ako sa kanya ay napagtanto ko na libro pala ang hawak niya. All about angels.

Nag habol ako ng hininga bago dahan dahang lumapit sa kanya. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero may iba akong pakiramdam sa babaeng ito.

Habang pinag mamasdan ko siya ay halos magsi-tayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng may pangalan siyang binanggit.

"Lance." Saad ng babae pero hindi pa rin ito nakatunghay.

Sobrang pangingilabot ang naramdaman ko ng marinig ko ang pangalan mula sa aking unang buhay.

"S-sino ka? V-Veronica?!" Gulat kong tanong sa kanya habang nanginginig ang boses.

Dahan dahang iniangat ng babae ang mukha niya at laglag panga akong napatingin sa kanya.

"Ikaw nga!" Yayakapin ko sana siya ng biglang tumagos ang katawan ko sa katawan niya. Napansin ko rin na biglang lumiwanag ang paligid, the trees and lights are gradually fading.

Tumitig sa akin si Veronica bago nag salita.

"Ok na. Nakita mo na ulit ako. Masaya akong nakita kita ulit, Lance. Natupad natin ang pangako natin na hahanapin natin ang isa't-isa. Kaso, patawad. Namatay na ulit ako sa pangalawa kong buhay. Ipinanganak akong may taning ang buhay, at namatay ako kagaya ng eksaktong oras ng kasal natin noon, 12:45 p.m and this is my last day on earth. Goodbye, Lance. Hanggang sa susunod na ikatlong buhay. I love you."

Unti-unting nag laho sa paningin ko si Veronica. Naiwan akong tulala at binagtas ng mga luha ko ang mukha ko. Tsaka ko napagtanto na, huli na ang lahat para sa aming dalawa.

Is this my fate?

She's gone. I can't do anything about it.

---

End.

Hidden TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon