Bus

18 3 5
                                    

Wala akong naabutan na bakanteng upuan nang sakto kong tinapak ang sarili sa malaking bus. Lahat sila'y nakatingin sakin, di ko alam kung ano ang dahilan. May batang nasa pitong taong gulang na hawak ang isang yakult na diresto nyang sinisipsip gamit ang straw, tumingin naman ako sa kaliwa at nakapanuod kong paano matulog ang ilang pagod na construction workers habang puno ng alikabok ang mga damit na suot.

Nanatili akong nakatayo sa gitna ng malaking bus at naramdaman ko na ang unti-unting paggalaw nito. Sinubukan kong ibalanse ang katawan pero nabigo ako.

"Sorry miss.." sabi ko sa babaeng nabunggo ko na nakaupo sa tapat ko. Nakasuot ito ng uniporme ng isang sikat na unibersidad, may maiksing buhok, singkitan ang mata at ang bangs na halos mabibilang ko lamang sa aking kamay, she's cute pero mukhang mataray.

Sinubukan ko ulit ibalanse ang pagkakatayo pero mukhang nalampa ata ako ng sumabay ang malakas na pag-andar ng bus at ang malungkot nyang mukha habang nakatingin
sa kanyang cellphone. At walang ano-ano ay yumuko na lamang ito sa kargang bag at iminukmok ang mukha doon, dahan-dahan akong nakarinig ng mahihinang paghikbi at
nakakita ng pagbasa sa bag nito.

She's crying.

Pero agad itong napaangat sa pagkakayuko nang sadyain ko itong bungguin.

"S-sorry ulit.."

"Okay lang kuya? Kanina pa ko nasasangi dito oh!" sumigaw ito pero di naman nagising ang ilang construction workers na natutulog sa kaliwa ko.

"Ikaw okay ka lang ba?" tinitigan ko sya kapalit ang pagkunot nito ng noo. Puno ng lungkot ang mga mata ng kung sinong dalaga na nasa harap ko.

Di ito sumagot at nagpakawala lamang ng malalim na paghiga. Itutuon nya pa lamang sana ang sarili ulit sa pagyuko sa bag nang tinawag ko sya.

"Jade.."

"Paano mo nalaman yung pangalan ko?"

Tinuro ko ang id nitong nakalaylay na handa akong tuklawin. Agad nya naman itong itinago papalayo sakin.

"Alam kong di ka okay, pero kaya mo yan. Iyak ka lang, siguro yung solusyon ko para maging maayos ka ay di para sayo pero kakayanin mo yan.
Maybe it's weird to hear this sa isang lalaking nakatayo sa bus pero lahat naman tayo malungkot, yung iba nagpapanggap lang. May gustong manahimik, gustong magsalita ng nararamdaman..." hindi pa man ako nakakatapos magsalita ay sumigaw na ang konduktor senyales na bababa na ko.

Bago ako magsimulang matulak ng mga taong nagmamadali bumaba ay nagawa ko pa syang ngitian at sabihan ng "Smile." Nakita ko ang huling ekspresyon ng mukha nya bago ako makatapak pababa, umiiyak sya't malungkot.

Hindi ako umalis pagkababa sa destinasyon, nanatili akong nakatayo't inintay na umandar ang bus. Nagtama kami ng mata habang parehas na nakatingin sa salamin.

She draw a smile sa malabong bintana ng sasakyan bago ngumiti sakin at mabilis na naglaho ang bus. Nagsimula na kong maglakad papalayo, nakikisabay sa ingay ng mga kotse't sigawan ng mga tao. Kahit ako di ko
alam kung paano ulit bumalik sa kung sino ako. Sana sa oras na makatawid ako papunta sa dulo ng daan ay makakita ako ng kung ano para ngumiti pero isang alikabok ang nagpapikit sa aking mga mata, masakit, ang hapdi.

"Hoy magpapasagasa ka ba!!?"

Naririnig ko na ang mga busina ng mga kotse habang nakatigil sa gitna ng kalsada. Di ako makadilat, ang dilim, ang ingay. Ginawa kong ikuskos nang ilang beses ang kamay sa mata at nakaaninag na ko pero huli na
ng may malaking truck na diretsong papunta sa pwesto ko't malakas na bumubusina.

Di ako umalis at ipinikit na lamang ang mata. Palakas na palakas ang busina pero may narinig akong boses ng babae, sumisigaw di kalayuan sa pwesto ko.

"Si Jade to! Umalis ka dyan! Sabi mo sakin kayanin ko pero bat ka nandyan? Kung sino ka man, samahan mo na lang akong maging malungkot. Nandito ako!!"

Iminulat ko ang mga mata at nakita ko syang nakatingin sakin nagmamakaawa, sinubukan kong maglakad papunta sa kanya pero huli na nang makaramdam ako ng malakas na pagbangga sa katawan ko.

Napahiga ako sa malamig na kalsada, basang basa ng sarili dugo't di magawang
humingi ng tulong.

"J-jade.." ang huling salitang nasabi ko bago kainin ng dilim.

- 02.10.2020 -
Words and Photo by @JSLopez_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a glimpse | One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon