I am sitting beside her habang natutulog sya ng mahimbing at nakalubog sa malambot na kama ang kanyang pisnge. It's midnight at katulad ng bilog na buwan na natatanaw ko mula sa labas ay kasing payapa at napakagandang masdan ng maamo nyang mukha.
Para akong nananaginip at di makapaniwalang sinagot nya ako ilang taon na ang lumipas.
Sinubukan nyang gumalaw pa kanan at di ako gumawa ng ingay upang magising sya sa mahimbing na pagkakatulog. Nanatiling akong kalmado at nakangiti sa tabi nito. She's not my first pero sya na ang huling babaeng minahal at mamahalin ko.
I can still remember how we've met before. Lunes nun at unang beses ko bilang isang college student sa isang kilalang universidad. 6:30 am to be exact, halos ilang estudyante rin ang nag-iintay na bumukas ang main gate ng campus at sa dami ng estudyanteng naiinip at naka-krus ang braso sa dibdib ay sa babaeng nakasuot pa ng earphones habang pinipikit ang mata kasabay ng paggalaw ng ulo nito ako napatingin.
At sa kung anong swerte ang dumikit sa akin ay naging kaklase ko sya.
Limang taon na ang lumipas pero sariwang sariwa parin sakin yun. Di ko tuloy mapigilang tumawa at kiligin ng sumaglit sa utak ko ang araw na sinagot nya ako sa isang coffee shop habang magkadikit ang dalawang donut sa isang plato. She's cute, isn't it?
"I love you, mahal."
Hindi ko napigilan ang bibig kong sabihin ang mga salitang iyon at kusa na lamang gumalaw ang kamay ko para alisin ang ilang buhok na humaharang sa mukha nya. At wala pang ilang segundo ay humarap sya sa pwesto ko't iminulat ang mata.
"Mahal?" sabi nya habang nakaangat ang noo at may lungkot sa mukha.
Bigla na lang akong napaiyak habang pinapanuod syang tawagin ako.
Gusto kong magsalita, gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin ang salitang mahal kita pero alam kong hindi na nya iyon maririnig-kahit ang mahigpit kong yakap at ang matamis na halik na ibinibigay ko sa kanya tuwing umaga ay parang panaginip na lamang dahil sa di ko na ito magagawa, hindi na.
"Napanaginipan kita, you're wearing a black suit at ako, nakapangkasal. Napanaginipan ko ang pangarap nating dalawa, kasal. Nasa altar ka, habang ako nasa pinakangdulo ng simbahan habang dala dala ang mababangong bulaklak. Nakikita ko pa ang ngiti mong nagpapasaya sakin kahit na wala ka na."
Bigla na lamang syang yumuko at niyakap ang unan. She's crying at kung may paraan lang ako na pwedeng gawin para patahanin sya ay ginagawa ko na. Basang basa na ng luha nito ang unan na sana ay ako na lang.
"Naiinis ako kasi-kasi kinuha ka ng mas maaga sakin. Hindi sapat yung limang taon na nakasama kita, kasi nangako tayong hahawakan natin ang isa't isa hanggang dulo...pero ngayon ako na lang mag-isa. Yung araw na naglalakad ako papalapit sa altar ay bigla kang natumba, yung araw na dapat ay pagsasamahin tayo bilang isa ay yung araw na babawiin ka na pala."
09.18.2019 - @JSLopez_
BINABASA MO ANG
Just a glimpse | One-shot stories
Teen FictionA collection of One Shot stories and thoughts made by yours truly. Before you continue any further, go and grab yourself a cup of coffee to drink as you continue reading! Just a glimpse | JSLopez_