Pag-amin

50 8 11
                                    

Hindi ko alam kung saan nakuha ng lakas ng loob ang ilang lalaki para umamin sa mahal nila.

Pasensya na torpe ako eh. Pero kahit nakakatakot mareject ay sinubukan ko parin kaso tulad ng inaasahan nakarinig lang ako ng salitang "Sorry, you deserve someone na mahal ka."

At boom, uuwi na naman akong sawi. Iisipin kung anong bang mali sa akin. Hindi naman ako artista pero pwede ko naman atang sabihin ang isang dialogue sa pelikula, diba?

"Am I not enough? Pangit ba ko? Kapapalit palit ba ko? Then why?!"

Pagkabigyan nyo na ko, sobrang sakit kasi lalo na kung halos dalawang taon kong itinago ang nasa loob ko.

"Hoy! Steven!" may tumawag ng pangalan ko bago ko pa kagatin ang isang donut habang nasa canteen.

Nang tignan ko kung saan nanggaling ang ingay ay may nakita akong babaeng sigang naglalakad papunta sa mesa ko. Kung nakakamatay lang ang pagtitig siguro ay paglalamayan na ko.

"Sino ka?"

"Dapat ako ata ang matanong nyan, my stalker!"

T-tama ba ang narinig ko? Stalker ako ng babaeng mas lalaki pa sa akin? Seryoso ba sya?

"Sorry miss pero hindi ata ako ang itinutukoy mo. Kakabasted ko palang kanin--"

S-he kissed me!

Kaagad kong iniwas ang mukha ko sa kanya pagkatapos nya akong agawan ng halik. "Ano bang ginagawa mo!" umingay na sa canteen ang boses ko't mukhang kanina pa pala nanunuod ang ilang estudyante sa amin.

"Okay cut!" may sumigaw na babae sa loob ng canteen kasabay ng palakpakan ng ilang estudyante sa loob.

Nang balikan ko din ang tingin ng babaeng humalik sa akin ay mabilis syang bumalik sa pagkakababae. Ang kaninang nakabusangot at pagsiga-siga sa harap ko'y biglang lumambot at nakapamewang.

Ano bang nangyayari?!

Mukhang ang sagot ay nasa humawi ng ilang mga taong nakakumpol sa gilid at diretsong naglakad papunta sa pwesto ko, si Maria!

Ang babaeng bumasted sa akin ilang oras lang ang nakakalipas. Pumalakpak din ito habang takang taka na ang mukha ko sa nangyayari.

"What's this?" tanong ko sa babaeng dalawang taon ko nang gusto.

"You passed! Pasok ka na sa acting club and I am sorry if di kita napansin kanina kasi busy ako sa pagbabasa ng script nung dumating ka. Again, congrats!"

So what she did ay isang test para makapasok ako sa puso nya este sa club? Pero di pumasok sa utak ko na mag-audition para sa isang organization.

Pumunta ako dun para ilabas ang nararamdaman ko, para umamin.

"Pero di naman ako pumunta dun para mag-audition!" Sigaw ko dahilan para kumunot ang noo nya.

"Huh? But you already passed. Ano pa bang gusto mo?"

"Pumunta ako sayo kanina para umamin na gusto kita pero bat mo sinabi sakin kanina na 'Sorry, you deserve someone na mahal ka?' naguguluhan ako."

Nagsimula na ring umingay ang buong paligid dahil sa sinabi ko. Ang akala ng iba ay kasama ito sa acting o sa club na sinasabi ni Maria pero hindi.

Pero hindi, I like her.

"Akala ko mag-aaudition ka kanina? And that line, nasa script yan na kinakabisado ko kanina. Walang meaning yan kung ano man ang naiisip mo. "

Halos lunurin ko na ang saliri ko sa lungkot kanina dahil akala ko'y nabasted ako pero mukhang hindi nya naintidihan ang sinabi ko sa kanya noong pumunta ako sa theater room.

"Pero anong sinabi mo? You like me?" dagdag nya.

This is the right time, Steven. Umamin ka na!

"Gusto kita, walang halong acting o ano basta mahal kita."

At napuno na nang hiyawan ang buong canteen ng isigaw ko iyon. Nangamatis din ang mukha ni Maria at di maipinta ang kilig nang ilang kasama nya sa club kahit ang babaeng humalik sa akin kanina.

"This is real, I like you!"


05.20.2020 - Wp: @JSLopez_

Just a glimpse | One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon