Kasalungat ng lamig ng paligid ang hawak kong mainit na kape habang iniintay magpapasok ang sekyu na nakatayo di kalayuan sa pwesto ko.
Hihigop na sana ako sa kapeng hawak ng may sumigaw na babae sa likod ko.
Napalingon ako sa pwesto nito't kaagad syang pumunta sa pinaka- pasukan ng campus kung saan nandoon ang sekyu na masarap na kumakain ng kanyang almusal.
Gulo gulo ang itsura nito't nagmamadaling tumakbo. "Kuya, may tao, tao, dun s--" Napatayo sa kinauupuan ang lalaking nakasuot ng puti at may batuta sa kamay, naangat ang noo nito habang nakatingin sa estudyanteng naghahabol ng hininga.
"Tao? Teka lang ano bang sinasabi mo?" Napakamot ito ng likod gamit ang batutang hawak-hawak. Saglit akong napatingin sa orasan na nasa aking braso, mag-aalas syete na ng umaga at dapat kanina pa nagpapasok ng mga estudyante sa loob.
Nagsimula na ring magsilapitan sa pasukan ng paaralan ang mga estudyanteng katulad ko, lumapit na rin ako at nagkaroon tuloy ng mahabang pila papasok. Pangatlo ako sa unahan habang nakaalalay ang kakabukas ko palang na bag habang ang kabilang kamay ay hawak hawak ang kape.
"Kuya may tao dun sa ginawa-ginawang building, nakatayo sya dun sa pinakataas, kuya maniwala kayo.."
Kasing bilis ng kidlat akong napatingin sa babaeng kanina pa kausap ng security guard ng school. Nanginginig ang buong kamay nito at nag-umpisa ng tumulo ang luha sa mga mata nya ngunit hindi ko maaninag ang buong mukha nito dahil sa natatakpan ito ng kanyang buhok na abot bewang.
"Papaano magkakaroon ng tao dun eh, e---" Napatigil sya sa pagsasalita ng tumunog ang radio nito na nakakabit sa bandang bewang nito.
"Emergency, emergency, may estudyante sa bagong building, emergency." Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng babae sa harap nya. Mas dumadami na rin ang nakikiusyosyong mga estudyante na nagmamadaling makapasok sa campus, pero mukhang mapapatagal pa iyon dahil halos lahat ng mga guard at matataas na opisyales ay nagsipuntahan sa construction site.
Halos napaangat ang lahat at ang bawat mata ay napukol sa pinakangmataas na parte ng ginawang gusali, napatakip ako ng bibig ng makitang may babaeng nakatayo doon at isang hakbang na lamang ay maari syang bumagsak sa mga matutulis na bakal at malamig na semento sa ibaba.
Hindi ko man maaninag ang mukha ng nandoon ay paniguradong may kung ano syang nararamdaman kaya nya iyon nagawa.
"Aray!" Natapon sa kamay ko ang mainit na kape ng may mga grupo ng estudyang sinubukang sumingit at gustong-gustong makatsismis sa nangyayari. Nanatili lang akong nakatayo doon habang ang iba ay parang nanunuod ng blockbuster na pelikula.
"Sino ba yung babae?"
"Hindi ko rin alam eh, di ko rin alam kung anong department dahil sa ibang ID Lace yung suot, pero ang narinig ko kanina, Lenji yung pangalan but still we're not sure."
"Lenji? Sino lenji, wag kang pabitin."
"Lenji Nolbe."
T-tama ba ang narinig ko? Pangalan ko mismo?
Kaagad akong napatakip ng bibig sa pangalang pinag-uusapan nila.
Sa curiosidad ay lumapit ako sa kanila at sinubukang kausapin. "Ah excuse me.. excuse me.." halos mapaos na ko sa kakasalita ngunit kahit anong gawin ko ay parang di nila nararamdaman ang presensya ko. Sinubukan ko ring makipag-usap sa mga tao dun pero kahit isa ay walang nakakadinig at nakakakita sakin.Nagmamadali akong pumunta sa construction site, puro buhangin at dumi na ang mukha ko habang sinusubukang umakyat sa pinakangmataas na parte nito ngunit ng makarating sa pinakatuktok ay bumagal ang mga paggalaw ng aking mga paa, bumagal din ang paghinga ng mapagtantong tama ang mga narinig ko kanina.
"Bakit ako nandito.." Kasing linaw pa ng teleskopyo ang mga mata at sigurado ako mismo ako nakatayo sa dulo, sinubukang kong lumapit at tawagin ang mismong sarili pero tulad ng iba ay para lang akong isang hangin na walang nakakakita.
Tinignan ko mula sa paa hanggang itaas ang nasa harap ko, para akong nakatayo sa tapat ng salamin ngunit napukaw ng paningin ko ang mga sugat at pasa nito sa katawan. Kinuha nito sa bulsa ang cellphone na katulad din ng akin, sinimulan nyang ilapat ang mga daliri sa screen nito bago itapat sa tenga.
Nakadama na lamang ako ng tubig sa aking pisnge habang pinapanuod ang sarili.
"Ma"
"Oh anak, nasa school ka na ba?"
"Opo"
"Buti naman, teka bat ka napatawag? May nakalimutan ka ba?"
"Wala naman ma, may sasabihin lang ako."
"Ano?"
"Mag-iingat kayo, kayo nila papa."
"Ikaw din nak."
"Mahal ko kayo."
Sabi nito bago naglakad ng paunti-unti hanggang sa wala ng matapakang semento ang mga paa nito.
Hindi ko na napigilang umiyak.
Napayuko ako at napaluhod na lamang ako habang tinititigan ang sariling katawan sa ibaba, naliligo sa dugo at nagaagaw buhay. Pinalilibutan ng mga estudyante at mga autoridad ng paaralan.
Kahit na sumigaw ako ay walang makakadinig sa akin, kahit na anong gawin ko ay walang makakakita at makakaramdam ng presensya ko.
"Lenji.." Habang umiiyak ay nakadinig ako ng boses ng lalaki sa likod ko, unti-unti akong humarap dito. Di ko makita ng malinaw ang mukha nito dahil sa mga tubig sa mata ko, pupunusan ko na sana ito ng biglang makaramdam ng pamamanhid.
Nawalan na lamang ako ng malay at hanggang sa nakadama ng sakit sa buong katawan.
"Kawawa naman yung babae.."
"Bakit kaya nya nagawa yun.."
"Sayang lang yung pangarap nya.."
Madilim ang paligid, puro boses ang aking naririnig, kasama ng pagtunog ng maingay na serena ng ambulansya.
"Please clear the area.." Nakakarinig ako ng boses sa kung saan saan, sinubukan kong imulat ang mga mata at natagpuan ko na lang ang sariling nakahiga sa matigas na semento.
Walang lakas na sumigaw, walang lakas na tumayo, at wala ng lakas na mabuhay pa sa sakit na nararamdaman.
Sunod-sunod akong huminga ng malalim bago ko maaninag ang isang lalaki sa harap ko.
"Lenji okay ka lang ba?" Pamilyar ito, parang kakarinig ko palang ng boses nya kanina, kanina sa itaas ng gusali.
Sinubukan ko pang imulat ang mga talukap ng mata ngunit kahit anong gawin ko ay wala na akong lakas.
Pinilit ko na lamang alamin ang boses ng lalaki kahit di naaninag ang mukha nito."Min.." Sambit ng bibig ko.
"Len.. ok ka lang ba?"
"Save me"
"Lenji..Matulog ka na.." Apat na salita na ibinulong nya sakin bago unti-unting kainin ng kadiliam at nawawala ang ingay sa paligid na sadyang hininga ko na lamang ang naririnig.
04.23.2019 - @JSLopez_
BINABASA MO ANG
Just a glimpse | One-shot stories
Teen FictionA collection of One Shot stories and thoughts made by yours truly. Before you continue any further, go and grab yourself a cup of coffee to drink as you continue reading! Just a glimpse | JSLopez_