Happy New Year!

16 4 6
                                    

Halos maluha luha ako sa paghihiwa ng mga sibuyas para sa irerekado ni Mama para sa darating na bagong taon, idagdag mo pa ang usok na diretsong lumalapit sakin sa bawat paypay ng kapatid ko sa di maluto-lutong inihaw na bangus.

Dalawang oras na lang bago mapalitan ang numero sa kalendaryo't magsiputukan ang mga magagandang ilaw sa langit pero eto kami, di pa tapos sa pagluluto. Gusto rin kasi naming mainit ang ihain mamaya at sa saktong maluto ito ay dadating na si papa galing sa trabaho bilang isang security guard.

"Utoy!!" Kasabay kong naririnig ang pagtimlampsik ng mantika sa kaldero't pagsigaw ni Mama sa palayaw ko.

"Bakit ma? Kulang pa ba yung hinihiwa ko?" Magalang kong sagot, kita ko sa noo nito ang numumuong pawis sa paggisa para sa uulamin namin mamaya.

Itinuro nito ang cellphone na nakapasok sa bulsa nito. "Kuhain mo nga nak, puro mantika na kasi kamay ko kaya ikaw na lang tumawag kay papa mo. Tanungin mo kung nasaan na ba sya kasi mamaya madami ng inuman sa daan."

Kaagad ko iyong sinunod at saktong idadial ko na sana ang number ni papa ng may lumitaw sa pintuan, si Papa.

"Oh, napaaga ka ata pa." Bati ni mama habang patuloy sa pagluluto. "Mukhang maaga kayo pinauwi ng boss mo ah! Buti naman." Kita ko sa mukha ni mama ang saya pero walang sinagot ang tatay ko't nagpunta lamang sa kwarto habang suot ang puting t-shirt at uniporme pambaba.

Ang kaninang saya sa mukha ni Mama ay napalitan ng kung ano, lungkot kumbaga.

"Ano ka ba ma! Baka pagod lang si papa mamaya lalambingin ka din nyan. Yung cellphone mo nga pala ma, ipapatong ko na lang di--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang mag ring ang hawak ko, number ng katrabaho at kumpare ni papa ang lumabas sa screen. Kaagad ko iyong sinagot dahil baka nag-aaya lamang ito ng inom mamaya.

"Hello po.." bungad ko. Narinig ko sa likuran ang ingay ng ambulansya at medyo malabo ang linya nito.

"U-utoy, andyan pa si Mama mo?"

"Oho, katabi ko lang ho. Bakit daw?" Ipinindot ko ang loudspeaker para marinig namin.

"Kasi si Pareng Rey.." banggit nya sa tatay ko " Nagkaroon kasi ng riot habang naglalakad kami pauwi, nagbabatuhan ng kung ano-ano yung mga nag-iinuman dito..." nanginginig ang boses nito't nakikinig parin kami.

"Tapos po.."

"Hanggang sa may magpaputok na ng baril..natamaan ang papa mo.."

Agad kumunot ang noo ko't ganun narin si mama. Kinuha ni mama ang cellphone sa kamay ko't sya ang kumausap dito.

"Wag ka namang magbiro ng ganyaan. Kakauwi palang nya dito sa bahay at nagpapahinga na, lasing ka lang..."

"Hind---" at ibinaba na nga ni Mama ang tawag pero wala pang ilang minuto ng lumapit ang kapatid ko't ipinakita sakin ang cellphone nya.

"K-kuya, si papa nga yung tinutukoy nya.." unti-unting umiyak ang kapatid ko habang ako naman ay di maipaliwanag ang nasa litratong sinend ng kaklase nyang malapit sa aksidente.

"Pero kakadating palang ni papa kanina diba, ma?" Kaagad akong nagmadaling pumunta sa kwarto kung saan namin nakitang pumasok si Papa pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng wala akong madatnan na kahit anong anino ni Papa doon, tanging ang paborito nyang kama at ang family picture naming nakasabit sa dingding.

"Nagawa nya tayong samahan kahit sa huling oras nya, sa huling taon na makakasama natin ang papa mo.." narinig ko ang malungkot na boses ni Mama bago sya bawian ng malay at bumagsak sa bisig ng kapatid ko.

Happy New Year?


12.29.2019 - @JSLopez_

Just a glimpse | One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon